Ω Kabanata XIV Ω Ang Prinsipe ng Sapiro

2.7K 77 9
                                    

Ω Kabanata XIV Ω
Ang Prinsipe ng Sapiro
Ω


"Sang'gre Pirena nagawa mo na ba?" Tanong ni Gurna ng makabalik si Pirena sa Lireo.

"Oo Gurna nakatulong sa akin ang sinabi mong iba pang lagusan papuntang mundo ng tao.....at ngayon panatag na ako na ang anak ko na ang magiging tigapagmana ng kapatid ko." Nakangiting sabi ni Pirena. Nakangiting tumango naman si Gurna.

"Ano ang mga kaganapan dito ng mawala ako?" Tanong niya sa kanyang dama.
"Ang mandirigmang iniibig ni Alena ay namatay na kaya naman ang iyong apwe ay nagdadalamhati na ngayon." Sabi ni Gurna sa kanya.

Naglakad naman si Pirena papunta sa silid ng kanyang kapatid at nakita nga nya ang pagdadalamhati nito.
.
.
.
.
.
.
Walang patid ang pagluha ni Alena mula ng kanyang malaman na napaslang si Ybarro. Pakiramdam niya ay pati siya ay binawian na din ng buhay.

"Ybarro nais kitang makasama....nais kong muli ay maramdaman ang iyong mga yakap...." Sambit ni Alena ng may naisip siyang paraan para mangyari iyon. Agad niyang kinuha ang kanyang balabal at siya ay nagmadaling lumabas ng kanyang silid.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Labis labis ang pagdadalamhati ni Alena." Sabi ni Gurna. Marahan silang nagtago sa malaking haligi ng nagmadali si Alena na lumabas ng silid nito.

"Mukang may binabalak ang aking apwe.....susundan ko sya Gurna." Sambit ni Pirena saka ito nagmadaling maglakad pasunod kay Alena. Tumango naman si Gurna.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Pinagmamasdan ni Amihan ang kanyang anak habang ito ay nahihimbing ng may mapansin siya.

"Ades....Ades...." Tawag nya sa punong dama na agad namang pumasok sa silid nila.
"Mahal na Reyna....tinatawag niyo po ako?" Sambit ni Ades sa kanya.
"Nasaan ang kwintas ng aking anak?" Tanong niya dito agad naman na tiningnan ng dama ang sanggol ngunit wala nga ang kwintas nito.

"Wala mahal na Reyna....sa tingin ko ay nahulog ang kwintas....agape avi." Sambit ni Ades. Malungkot naman na tumingin si Amihan sa kanyang anak na si Lira.

"Napakahalaga pa naman ng kwintas na yaon Ades....sana ay makita pa natin." Sambit ni Amihan at kanyang hinaplos ang pisngi ng anak niya.

"Amihan naabala ba kita?" Tanong ni Danaya na kapapasok lamang ng kanyang silid.
"Hindi Danaya ano ba ang iyong nais?" Tanong niya.
"Si Alena wala siya sa kanyang silid....nangangamba ako dahil alam nating naglukuksa siya baka may mangyari sa kanya.

Nakaramdam din tuloy ng pangamba si Amihan sa mga tinuran ng bunsong kapatid.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Nakangiting umuwi si Amanda na kasama ang sanggol na kanyang nakita sa basurahan pagpasok niya sa kanilang bahay ay sinalubong agad siya ni Dado, ang kanyang anak.

"Ano ito bakit may dala kang baby? Saan galing toh?" Tanong ni Dado sa kanya pero napapangiti din.

"Naku eh may mga walang pusong magulang ba naman na nag-iwan nitong sanggol sa basurahan....napakaganda pa naman." Sabi ni Amanda at hinaplos ang sanggol. Marahan namang binuhat ito ni Dado mula sa kanyang bisig.

"Oo nga ang ganda pa naman....teka ang ganda ng kwintas niya oh." Nakangiting sabi ni Dado.

"Oo nga noh....siguro kung nabuhay ang anak nating si Mila....magkasing-edad na siguro sila." Malungkot na sabi ni Amanda na naalala ang anak na namatay dahil sa pagiging kulang nito sa buwan.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon