Chapter 1 : Who?

863 49 24
                                    

Chapter 1: Who?

Jasmin's Point of View

Nakatulala ako habang nakatitig sa kawalan. Maaga akong nagising dahil sa natanggap kong tawag mula kay Terrence, na magkikita-kita kami ngayong magkakaibigan.
Kanina pa ako nakaayos at hinihintay ko na lang ang pagdating niya.

Hindi maiwasang sumagi sa isipan ko ang nangyari kahapon. Puno parin ako ng pagtataka at pangamba sa nangyari. Sobra akong natakot dahil sa babaeng 'yon. 

Yesterday

Habang naghihintay ako kay Terrence na sunduin ako sa lugar na napag-usapan namin. Hindi ko maiwasang mapatingin sa madilim na kalangitan at mapangiti. Minsan naiisip ko talaga na napakaganda ng buhay at napakaswerte ko sa mga tao sa paligid ko.

Sobra-sobra ang natatanggap kong pagmamahal sa kanila at yun ang palagi kong ipinagpapasalamat sa Diyos.

Halos mapatalon ako sa gulat ng may humawak sa braso ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya don at hindi ko maiwasang matakot sa mga mata niya. Puno iyon ng galit at sakit, para bang may mali sa pakiramdam ko.

" Everything is just a lie.  " diretsong lintanya niya saakin habang hawak parin ang aking mga braso. Hindi ko alam ngunit tila naguluhan ako at ang mga tanong na matagal ko ng ibinaon sa limot ay muling bumalik dahil sa sinabi niya. Ngunit sino ba siya?

Bigla itong tumakbo palayo at tila hindi ako makagalaw  dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nagulat ako ng may dalawang kamay na humawak sa balikat ko at hinarap ako sa kaniya.

" Sino 'yon? May ginawa ba siyang masama sayo? Anong sinabi niya? Ayos ka lang ba? " sunod-sunod nitong tanong saakin.

I can not help but stare at his gentle face, his sharp nose, his puffy eyes. His thin lips, his thick eyebrows and his frown. Everything seems to calm me down. The fear suddenly disappeared and I felt safe again.

" Sumagot ka, nag-aalala na ako. " sambit niyang muli saakin .

Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit.  " Okay na ako, nandito ka na e.  " sambit ko habang yakap siya ng mahigpit, niyakap niya ako pabalik, yung mahigpit na para bang natatakot siyang muling mawala ako at ang pakiramdam na 'yon ang pinakapaborito ko.

End of Flashback

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng babaeng 'yon. Ngunit sino kaya siya? Bakit niya nagawang hawakan ako na para bang kilala niya ko? Na para bang alam niya ang lahat saakin?

Everything is just a lie

Muling pumasok sa isip ko ang mga salitang 'yon. Hanggang ngayon patuloy 'yong gumugulo sa isipan ko. Hindi maiwasang kumunot ng aking noo dahil naguguluhan talaga ako. Ang mga mata niyang punong puno ng nais sabihin ngunit hindi makuhang iparating. Masyadong magulo ang utak ko sa lahat ng nangyayari.

Nagbibiro lang naman siguro 'yon pero hindi ko parin maiwasang mapaisip ng maalala ang mga mata niya. Ang mga mata n'yang punong-puno ng galit na nakatingin saakin. Na para bang may malaki akong kasalanan na dapat ko bayaran. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan at napahawak sa bracelet na nasa kamay ko.

Bumalik na lang ako sa wisyo ng biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko agad 'yon ng makita kong si Terrence ang tumatawag, dahil baka nariyan na siya sa labas.

"Good Morning. "  pagbati niya gamit ang malambing niyang boses. Hindi niya kasi ako nabati kanina dahil nagmamadali na rin siya. Hindi ko maiwasang mapangiti ng marinig ang boses niya ulit. Kausap ko lang naman siya kanina, nagkita naman kami kagabi pero ewan ko kung bakit palagi ko siyang namimiss. 

Everything Is Just A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon