Chapter 5 : Suprise

320 31 18
                                    

Chapter 5 : Suprise

Jasmin's Point of View

Dahan-dahan kong binuksan ang kurtina mula saaking kwarto. Hindi ko maiwasang pagmasdan doon ang ganda ng pagsikat ng araw. Napatakip ako saaking mata dahil sa silaw na nagmumula rito, ginamit kong panangga ang aking isang kamay. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil ang ganda ng bungad saakin ng umaga. Pakiramdam ko magiging ayos rin ang lahat, kalmado ang buo kong sistema. Kaya kalmado rin ang kabuuan ko.

Sunrise makes me calm. It makes me feel that there is always a good start afterall the struggles and pain. Kahit paulit-ulit akong masaktan at mapagod, palaging ipinapaalala ng araw saakin, na palaging may magandang simulang naghihintay saakin.

Bumaba na ako at naabutan ko doon si Mom na kumakain. Humalik ako sa pisngi nito pero katulad ng dati ay wala itong naging imik. Ganito kami palagi, ngunit alam kong mahal nila ako. Naniniwala akong walang magulang ang hindi mahal ang kanilang mga anak.

Tumayo na ito at umalis ng hindi man lang saakin nagpapaalam. Pinagmasdan ko ang pagkain sa lamesa. Ngumiti ako roon na makita kong paborito kong pagkain at ni Terrence.

Nuggets

Naalala ko kung paano kami magbangayan at mag-agawan sa pagkain. Kung tutuusin kaya naman niyang bumili ng para sa sarili niya pero pilit siya paring nakikipag-agawan saakin. Napapailing na lang habang nakangiti. Kumain na ako at nag-ayos para makaalis na.

" Manong hatid niyo po ko sa school. " sambit ko rito at pumasok sa kotse.

" Bakit iha? Hindi ka ba susunduin ni Rence? " nakailing naman akong ngumiti.

Rence ang nakasanayang tawag ni manong kay Terrence. Pinaikling pangalan niya 'yon. Madalang lang talaga kung ihatid ako ni Manong Earl dahil madalas nga akong sunduin ni Terrence pero ngayon alam kong hindi niya gagawin 'yon. Sanay na akong pinapalipas niya ang lahat saamin, tapos babalik siya na para walang nangyari. At masakit para saakin 'yon, ang pinaka ayoko sa lahat ay yung umaastang okay ang lahat pero hindi naman talaga.

Pagkababa ko ng kotse ay agad bumungad saakin ang magkapatid na si Kyrine at Jamaica. Nagpaalam na ako kay Manong at nagpasalamat.

" Manong Earl, una na po ako, salamat sa paghatid. Magtetext na lang po ako kung magpapasundo ako. " nakangiting sambit ko dito at pinanood kong maglaho ang sasakyan namin bago ko ulit hinarap ang magkapatid.

" Good Morning.  " nakangiting bati ko sa mga ito. Pinagmasdan ko si Kyrine, mas okay na siya ngayon, sana nga okay na siya. Pero alam kong kahit kailan hindi madaling maging okay. Mahabang proseso ang pag-aayos sa sarili kaya nagagalit ako sa mga taong ang dali lang sirain ang lahat sayo.

" Magandang umaga din Jasmin. Himala ata hindi mo kasabay si Terrence, bakit? " nagtatakang tanong ni Jamaica habang sinisipat ang likod ko. Ngumiti naman ako dito.

" Ah, wala lang. Hindi ko na siya hinintay e, matagal kasing kumilos. Ayos ka na ba Kyrine? " pag-iiba ko ng usapan. Kunot noo naman akong tiningnan ni Jamaica. Para bang inaalam niya kung nagsasabi ako ng totoo.

Nag-iwas na lang ako ng tingin at diretso tiningnan si Kyrine. Ayoko lang talagang pag-usapan ngayon si Terrence. Masyado maganda ang umaga para pag-usapan ang mga problema.

Naiinis ako hindi ko alam kung bakit? Nasasaktan ako sa hindi ko malamang dahilan. Pakiramdam ko tuloy nababaliw na ko. Ayoko munang lamunin ako ng mga nasa isip ko kaya kung kaya kong umiwas, iiwas ako.

Everything Is Just A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon