Chapter 54: Her Death

162 12 3
                                    

Chapter 54: Her Death

Jamaica's Point of View

Maaga akong nagising ng maka-receive ako ng tawag mula kay Luke, sinabi nitong susunduin niya kami kaya maaga na kaming kumilos, sila Jasmin daw ay nakagayak na. Ginising ko naman si Kyrine at mabilis kaming nag gayak, mabilis kaming natapos bago pa dumating si Luke kaya hindi na nitong kinailangan maghintay.

Lahat kami ay napagpasyahang maagang pumunta kina Mae pero hindi katulad kahapon na talagang magkakasabay kami, nagdala na sila ng sari-sarili nilang sasakyan. Nag-text si Lawrence kay Kyrine na sa kaniya na lang sumabay pero nung mga oras na 'yon ay bumabyahe na kami papunta kila Mae kaya walang nagawa si Kyrine kundi tumanggi.

Pagkarating namin sa bahay ni Mae, si Jasmin at Terrence ang unang bumungad saamin, sila ang nagbukas ng gate para saamin dahil kanina pa pala sila dito, kasunod naming dumating si Shyrel at Lawrence at panghuling dumating si Jacob at Jane

Natigilan kami ng may sumigaw kaya natataranta kaming pumasok lahat sa loob.

"A-anong nangyari ? " hinihingal na tanong ni Jacob.

"Pre? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong naman ni Terrence

Pinagmamasdan lang namin si Zhian habang umiiyak. Nakikita naman namin ang pagod sa kaniyang katawan, na parang hindi siya natulog kagabi. Nasasaktan siya sa nangyayari , yun lang ang masasabi ko.

" Zhian? " pagtawag ni Shyrel sa kaniya pero hindi siya nilingon nito.

"Hindi ko na alam! B-bigla na lang siyang sumuka ng dugo at nagdugo yung ilong niya. " umiiyak na sambit nito habang sinasabunutan ang buhok niya

" Zhian, kailangan natin siyang dalhin sa hospital! "  sigaw ko sa kanila. Agad naman silang kumilos.

Lahat kami ay nagkaniya-kaniya na ng sakay, wala na kaming oras para magtalo pa. Nagmamadali kaming makarating sa hospital. Napaupo na lang ako sa isa mga bench sa hospital dahil sa pagod. Ang bilis ng pangyayari, parang kahapon lang ay okay pa siya.

Hindi ko maiwasang mahilo sa palakad-lakad na si Zhian habang paulit-ulit na may binibigkas na mga salita.

" Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko 'to. " paulit-ulit na sambit nito.

" Pwede bang maupo ka Zhian at kumalma? " sambit ko dito at napahawak sa sintido ko.

"Kumalma Jamaica? Kumalma? Kasalanan ko 'tong lahat! " sigaw niya.

Napabuntong-hininga na lang ako sa inasta nito. Pinagmasdan ko lang si Shyrel na lumapit kay Zhian at hinaplos-haplos ang mukha nito.

" Shhhh. Wala kang kasalanan Zhian. " mahinahong sambit nito at dahan dahang yumakap kay Shyrel si Zhian.

" Shyrel..." parang batang tawag nito. Marahan naman siyang pinapakalma ni Shyrel.

Naagaw ang atensyon naming lahat ng lumabas ang isang doktor .

" I'm sorry. Ginawa na namin ang lahat pero hindi na kinaya ng kaniyang katawan." sambit nito at don mas lalong napagulhol si Zhian.

Kahit ako napaiyak, hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa kaniya.

"H-hindi! Hindi totoo yan?! Nagbibiro ka lang naman diba ? " umiiyak na tanong ni Zhian.

Napaiwas naman ako ng tingin. Hindi ko siya kayang panoorin, parang nakikita ko ulit yung dating siya nung mawala si Kate.

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now