Chapter 14 : Hindi na nga

199 21 9
                                    

Chapter 14 : Hindi na nga

Jamaica's Point of View

Nakatingin ako sa kawalan ng may lumapit saakin. Nandito ako ngayon sa isa sa mga upuan malapit sa canteen. " Anong iniisip mo? " tanong nito habang nilalapag ang bitbit niyang pagkain.

" Wala naman, salamat dito ah. " sambit ko at kinuha ang dala niyang tubig at sandwich.

" Walang anuman, ready ka na ba para sa performance sa mapeh mamaya? " tanong niya kaya naman napalingon ako sa kaniya. Napatampal ako sa noo ko dahil sa inis.

" Wag mong sabihing nakalimutan mo? " gulat niyang tanong. Napabuntong-hininga na lang ako. Nawala ang pagmamaktol ko ng makita ko si Kyrine na naglalakad pabalik sa building namin.

Bat mag-isa 'yon? Kanina kasama niya si Jasmin ah.

" Kambal! " sigaw ko dito, napalingon naman siya at dahan-dahang lumapit saamin.

" Kayo pala, akin na lang 'tong tubig mo Luke ah. " sambit niya at kinuha ang bote pagkatapos ay uhaw na uhaw na ininom ang laman nito.

" Grabe talaga,uhaw na uhaw ako. " sambit niya

Tinaasan ko naman ng kilay ito bago tinanong. " Saan ka ba kasi galing? Atsaka asan si Jasmin? "

" Si Jasmin, sumama kay Terrence. Tapos ako nagpalakad-lakad dyan. Wala akong magawa e. " sagot niya at kinuha ang hawak kong sandwich na may kagat na.

" Akin na lang 'to, gutom na rin ako e. " paalam niya, napabuntong-hininga na lang ako.

" Ready ka na sa performance mamaya Kyrine? " tanong naman ni Luke habang nginunguya ang pagkain niya.

" Oo, kayo? " tanong niya pabalik saamin at umupo sa batong upuan na kaharap namin.

" Ako, meron na. Ewan ko lang d'yan sa siraulo mong kapatid. " sagot ni Luke, kaya binatukan ko naman siya.

" Sinong siraulo? " mataray kong tanong.

" Ewan ko sa inyo, " sambit niya at tumayo na. Humarap siya saakin at tinuro ko. " Ikaw mag-isip ka na ng kakantahin mo kaysa makipag-asaran dyan kay Luke. Patay ka talaga kay ma'am, kahapon ka pa namumuro don baka bumingo ka na ngayon. " sambit niya at nagkibit-balikat. Tumalikod na ito saamin at maglalakad na sana ng tanungin ko siya.

" Oh san ka pupunta? " tanong ko, tumigil ito at humarap saamin. Tinuro niya ang daan papunta room namin bago nagsalita.

" Babalik sa room, inaantok ako, iidlip muna ko. " wika niya at kumaway na saamin bago naglakad palayo.  " Bye. "

Napatingin ako sa orasan at nakita kong may twenty minutes pa para makapag-isip ako ng kanta. " Halika, samahan mo muna ko. " sambit ko at hinila si Luke.

" Teka, saan!? " sigaw nito habang patuloy parin ang paghila ko sa kaniya.

" Maghanap ng kanta.  " sagot ko at patuloy parin sa pagtakbo. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga nito habang hinahayaan akong hilahin siya.

Shyrel's Point of View

Nakatulala ako habang pinagmamasdan ang lyrics na hawak ko. Hindi ko talaga alam ba't ito yung pinili kong kanta, trip ko lang. Ang ganda kasi pakinggan. Pumikit ako habang pinapakinggan ang kanta at sa saktong pagmulat ng mata ko nakita ko siya, nakita ko sila. Sana hindi ko na lang pala minulat yung mata ko, kung alam ko lang masakit ang makikita ko.

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now