Chapter 52: Mae

152 13 2
                                    

Chapter 52: Mae

Shyrel's Point of View

Pinagmamasdan ko si Zhian habang tulog na tulog ito. Ramdam na ramdam ko ang pagod nito. Hindi ko maiwasang titigan ang nakakunot nitong noo.

Hindi ko inaasahan ang nalaman ko tungkol kay Mae. I never thought that Zhian has a big reason why he left me. Mas gumaan yung mabigat saakin.

Naawa ako para kay Mae. Masyado pa siyang bata para lisanin ang mundong 'to. Marami pa siyang bagay na pwedeng gawin at alam kong ayaw niya rin naman na umalis pero kailangan.

Isa sa mga tanong na gumugulo saakin ngayon ay kung mahal pa ba ako ni Zhian?

Lahat sila ay tulog, si Jasmin ay natutulog sa sofa habang katabi niya si Terrence at nakalagay ang ulo nito sa balikat ni Terrence. Habang si Terrence naman ay nakasandal din ang ulo sa taas naman ng ulo ni Jasmin.

Si Jamaica ay natutulog sa sa sahig habang nakasandal ang likod niya sa sofa. Nasa taas niya naman nakaupo sa kabilang dulo si Luke. Si Kyrine naman ay natutulog sa balikat ni Lawrence katulad ng posisyon nila Terrence ay ganon din sila. Nasa lapag naman sila. 

Napatingin naman ako kina Jacob. Nasa lapag din sila, nakasandal ang mga likod sa single sofa. Si Jacob ay nakaakbay kay Jane, si Jane naman ay natutulog sa dibdib nito. Nakaupo rin sila sa lapag. Nakataas ang isang paa ni Jacob at ginagamit niyang alalay ang isa niyang kamay para hindi bumagsak ang ulo niya.

Si Zhian naman ay natutulog sa isa pang single sofa na nakaharap kay Mae. Siguro ay pinagmamasdan niya kanina pa si Mae at nakatulugan niya na ito.

Napansin kong nagising si Mae kaya agad ko itong nilapitan. Nginitian niya naman ako.

" May kailangan ka? Ako na kukuha. " tanong ko dito, tiningnan niya naman ako na parang nagpapasalamat.

" Ah t-tubig lang, " nanghihinang sagot nito, tumango naman ako.

Lumapit ako sa tubig na iniwan ni Manang sa kwarto ni Mae at nilagyan ko ang baso ni Mae bago ko inabot ito sa kaniya. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya. 

" Salamat. " sambit niya at inabot saakin ang baso, tumango naman ako bago tumayo at ibinalik ang baso kung saan ko nakuha. Tahimik akong bumalik sa tabi ni Mae.

" Shyrel..." mahina nitong pagtawag sa pangalan ko, nilingon ko naman ito. Ngumiti lang siya saakin, ibang-iba ang ngiti niya ngayon, kaysa sa mga ngiti na dala-dala niya sa tuwing makikita ko siyang kasama ni Zhian.

Ramdam ko talaga masaya siya. Kung alam ko lang sana, hindi na ako nag-inarte. Sana hinayaan ko siyang maging masaya.

" Gusto ko nga palang humingi ng tawad sa lahat. " sambit nito.

" Ayos lang. " maikling sagot ko.

" Pasensya talaga. " sambit nito.

"May tanong lang ako, paano? " kunot noo kong tanong, nabasa ko naman ang pagtataka sa mukha niya.

"A-anong p-paano? " naguguluhang tanong nito, umayos ako ng upo. Hinawakan ko ng mahipit ang mga kamay ko.

" Paano kayo nagkakilala? " seryosong tanong ko.

Napansin kong hindi niya inaasahan ang tanong na 'yon, nagulat man ay agad din niya akong sinagot.

" Nakilala ko siya nung mga panahong cool-off kayo.  Matalino, mabait at seryoso siyang tao, mg bagay na talagang nagustuhan ko sa kaniya. " nakangiting kwento nito, tahimik lang naman akong nakikinig.

" Tapos simula non lagi ko na siyang sinusundan. Ayaw niya nga saakin e, ang sungit kala mo babae kung makapagsungit. " natatawa nitong kwento.

" Sa totoo lang, I don't have intention na agawin siya sayo, believe me. Nung una gusto ko lang siyang makita at makausap kasi wala akong masyadong kaibigan.  Pero nung nasanay na ako na lagi ko siyang kausap at kasama, na lagi ko siyang sinusuportahan,  hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kaniya. "  nakangiti ngunit may lungkot na dagdag nito.

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now