Chapter 30: Unexpected Visitor

173 16 3
                                    

Chapter 30: Unexpected Visitor

Jamaica's Point of View

Napahawak ako sa mga tuhod ko at hinihingal na tumigil sa harap ng isang puno. Dahan-dahan akong lumapit don at sumandal. Napapikit ako at hinayaan kong maramdaman ng katawan ko ang simoy ng hangin.

" Attention everyone, the classes has been cut today because of the teacher's meeting for the upcoming event in our school, you may now leave the school and go home safely. "

Napalingon ako sa speaker na nakadikit sa puno.
Napabuntong-hininga naman ako. Hinayaan ko ang sarili ko sa ganoong posisyon habang pinapanood na maglabasan ang mga estudyante sa mga buildings nila. Puno ng ingay ang paligid pero para bang nabibingi ako at ang tanging naririnig ko lang ay ang mabigat na tibok ng puso ko.

Ang totoo niyan kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Napapadalas na nga ang pagkahimatay ni Kyrine at nag-aalala ako sa kalagayan niya. Maaring nakakaramdam na naman siya ng kakaiba ngunit katulad ng dati ay nililihim niya ito saakin. Magaling magtago ng nararamdaman si Kyrine, mas pinipili niyang manahimik kaysa magbigay ng problema saakin at 'yon ang kinatatakot ko. Hindi kasi ako magaling makaramdam, kahit na nasa unahan ko na lahat ng ebidensya ay hindi ko parin talaga nakikita ang totoong problema. Naalala ko yung nagkasugat siya ng malaki pero hindi ko man lang  napansin 'yon dahil sarili ko lang palagi ang nakikita ko.

Seven years old Jamaica

Napatigil kami sa pagtakbo nila Shyrel ng madapa si Kyrine. Agad-agad akong napatakbo don. Tahimik lang ito habang nakahawak sa braso niya. Napansin ko ang pagpikit nito ng mariin kaya naman hindi ko maiwasang mag-alala dahil baka nasaktan siya.

"A-ayos ka lang? " nag-aalalang  tanong ko

"Oo naman kambal, ako pa." nakangiting sambit nito

" Sigurado ka? " tanong ko ulit

" Oo nga, kulit! " sambit nito

" Patingin muna ng braso mo. " sambit ko

" Hala Jamaica, bingi ka ba? " tanong nito saakin at tumawa.

" Pero Kyri—" hindi ko natapos ang pangungulit ko sa kaniya na ipakita saakin ang braso ko ng sumigaw si Shyrel.

"Oh! Kyrine ayos ka lang? " sigaw naman ni Shyrel habang tatawa-tawa nakatingin sa kaniya.

" Wag kang mag-alala, ayos lang talaga ako kambal. " sambit nito saakin at tinapik ang braso ko " Lagot ka saakin Shyrel! Taya! " sigaw ni Kyrine sabay natatawang hinila si Shyrel. Nagpatuloy kami sa paglalaro na parang walang nangyari.

" Alis na kami, babye! " paalam ni Shyrel, kumaway naman kami pabalik.

" Ansaya ngayon no? " sambit ko habang nakangiti at hawak ang kamay ni Kyrine.

" Hmm! " nakangiti at tatango-tangong sagot niya.

Nang makarating kami sa bahay ay napatingin ako sa jacket na suot ni Kyrine.

" Kyrine anong meron diyan sa damit mo? Bakit may pula? " nagtataka kong tanong

" Eto ba? Nako wala lang 'to Jamaica, siguro dumi lang na nakuha ko nung nadapa ako. Ayos lang ako, wag kang mag-alala. " nakangiting sambit niya

Hinila ko ang braso niya kaya naman napadaing siya. Marahan ko tinaas ang jacket niya at nakita ko don ang nagdudugong sugat niya.

" Kyrine! Bakit hindi mo sinabi saakin?! " galit kong sigaw

" Ayos lang naman kasi— " hindi ko na siya pinatapos.

" Walang ayos sa pagtatago ng nararamdaman! " sigaw ko at napaluha. Nakakainis kasi napansin ko ng may mali naniwala parin ako sa pagsisinungaling niya. Napaniwala niya parin ako, na wala lang talaga ang lahat. Nakakainis talaga.

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now