Chapter 60: Help

160 15 3
                                    

Jamaica's Point of View

Nandito ako ngayon paikot-ikot sa kama. Nababaliw na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Masaya ako sa nalaman ko pero at the same time natatakot ako sa pwedeng mangyari.

Natigil ako sa pag-ikot sa kama ng biglang tumunog ang cellphone ko at napatingin naman ako don nakita ko ang numero niya kaya naman hindi na ako nag dalawaang isip at agad ko 'yon sinagot.

" Hello " Pagbati ko sa kabilang linya.

" Hello Jamaica! Diba sabi mo handa mo naman akong tulungan? " Masiglang tanong nito sa kabilang linya hindi ko naman maiwasang mapangiti. Masaya ako, masaya akong marinig ulit ang boses niya.

" Hmm, ano ba 'yon ? " Tanong ko dito, narinig ko naman ang malakas nitong pagbuntong-hininga.

" Ah e,  gusto ko na sana silang makita. Favor naman oh, gusto ko sana sila i-suprise. Miss na miss ko na sila. Matutulungan mo ba ako? " Tanong nito, bigla akong kinabahan pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.  Pero masaya ako at excited sa magiging reaksyon ng mga kaibigan namin. Paniguradong iiyak si Kyrine at Shyrel, baka—baka bumalik na kaming lahat sa dati.

Iwinaksi ko sa isip ko ang bumabagabag na kaba sa dibdib ko. Napabalik ako sa katinuan ng marinig ko ulit ang boses ng kausap ko sa kabilang linya.

" Ah? Jamaica nandyan ka pa ba? "  Tanong nito, bumuntong-hininga ako bago sumagot.

" A-ah oo, may naisip lang. "  Nauutal na tugon ko.

" Ano payag ka ba? Okay lang naman kung hindi, I will not force you naman. " Nag-aalangang tanong nito.

" No, it's okay, I'll help you.  " Nag-aalangang sagot ko.

" Gusto ko rin kasama sila Mom at Dad ah? Salamat talaga,  I love you Jamaica.  " Wika nito sa kabilang linya.

Wala naman sigurong mangyayaring masama.

" I love you too, I miss you so much. " Sagot ko dito matapos non ay pinatay ko na ang tawag.

Napahiga naman ako at napatitig sa kisame. Hindi ko alam kung anong mangyayari pero hindi ko maiwasang matakot pero bakit?

Umiling-iling ako masyado lang akong nag-iisip. Eto na yung pinakahihintay namin e. Eto yung bagay na matagal naming hiniling.

Masaya dapat ako e, masaya naman ako pero bakit parang may kulang?  Bakit hindi ako ganon kasaya?

Nung una kong malaman ang totoo, sobrang saya ko pero habang tumatagal, sinasakal ako ng katotohanan at hindi ako makahinga.

Napahawak ako sa dibdib ko, pinakiramdaman ko ang mabilis na tibok nito. Bakit may umusbong na kaba sa dibdib ko?

Hindi ko alam, hindi ko na alam. Wala namang mawawala diba? Wala naman ulit mawawala? Napapikit ako ng mariin bago bumuntong-hininga.
Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko, ansakit sa ulo.

Magiging ayos din naman ang lahat diba? Hindi naman siguro mangyayari yung nasa isip ko. Sana, sana hindi nga mangyari, kasi hindi ko na alam ang gagawin ko.

Biglang pumasok sa isip ko nung umpisa ko siyang nakita. Nakiusap siya saakin na wag ko munang sasabihin sa iba. Na ako lang muna ang  gusto niyang makita. Hindi ako nagtaka no'n dahil sobrang saya ko non pero ngayon? Hindi na ako sigurado. Bigla na lang gusto niyang tulungan ko siya. Bakit parang may masama akong kutob? Bumalik na siya sa buhay namin at sa aming lahat saakin siya unang nagpakita diba dapat masaya ako? Pero bakit nasasaktan ako.

Anong binabalak mo Jasmin Kate?

Jasmin Kate's Point of View

Nakangisi ako matapos patayin ni Jamaica ang tawag. Masaya ako dahil umaayon ang lahat sa plano ko. Ito na ang oras na pinakahihintay ko. Sa wakas mababawi ko na rin ang dapat saakin.

Tinitigan ko ang numero ni Jasmin. Nakangiti ko itong tinawagan. Wala pang ilang segundo ay sinagot niya na ako. Mukhang hinihintay niya rin ang tawag ko. Naaawa ako para sa kaniya.
 

" Ano na namang kailangan mo? " Bungad nito saakin, hindi ko naman maiwasang mapatawa sa inasta nito. Sanay na sanay na ako sa mga sagot nito.

" Tatanungin ko lang kung namiss mo ko? Wow mukhang sinave mo na ang number ko. " Mapang-asar kong sambit.

" Gago, sa lahat ng taong nakausap ko, ikaw ang pinaka ayaw kong makilala. Baliw na walang magawa sa buhay.  " Sagot nito, napatawa naman ako lalo.

" Let me give you advice Jasmin. Mag-ingat ka sa pagsasalita mo. Hindi mo kilala ang kinakausap mo. "  Mariin kong wika dito.

" I don't care who you are.  Wala akong oras makipag-usap sa mga walang kwentang tao. " Tugon nito, napangisi naman ako.

" Easyhan mo lang! Tsk tsk, wag mo papatayin ang tawag. Kung gusto mong may malaman."

" Ano? " Mabilis nito tugon na kinatawa ko naman

" You're really desperate huh. Gusto mo na ba talagang malaman ang katotohanan? " tanong ko dito narinig ko naman bumuntong-hininga ito.

" Hindi naman obvious no? Bakit ipapaalam mo na ba saakin? Kung hindi pa wag mo na ako guluhin.  " Wika nito. Kung hindi lang nangyari saamin ang trahedyang 'yon, malamang sa malamang isa siya sa pinakamatalik kong kaibigan.

" Nakakatawa ka no? Paano kung sabihin ko sayong oo? " Nakangising tanong ko kahit alam kong hindi niya naman ako nakikita.

" Edi mabuti, kailan mo ba sasabihin? Anong dapat kong gawin para malaman ko? " Tanong nito, natawa na naman ako.

" Happiness mo na ako nyan? " Tanong ulit nito dahilan para matawa ulit ako.

" Makinig kang mabuti. Sa susunod na araw kapag may dumaan diyan sa tapat ng bahay niyong itim na van sumakay ka dadalhin ka niya saakin, dadalhin ka niya sa katotohanan. " Nakangising sambit ko bago ko patayin ang tawag.

Napalingon naman ako ng may pumasok. Umayos ako ng upo at hindi ko ito pinansin. Lumapit ito saakin, doon ko na siya nilingon.

" Kamusta? " tanong nito saakin, nginitian ko lang ito.

" Umaayon na ang lahat sa plano. " Nakangiting sambit ko.

" Sana sa ginagawa kong pagtulong sayo, napatawad mo na ako " Sambit nito

" Mapapatawad din kita pero hindi pa ngayon. " sambit ko at tinalikuran na siya pagkatapos lumabas na ng kwarto.

Hindi pa ngayon kasi hindi ako sigurado kung mangyayari 'yon


Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now