Chapter 17: Panaginip

198 15 8
                                    

Chapter 17: Panaginip

Jamaica's Point of View

Kanina pa ako gising, alaskwatro pa lang ng madaling araw ay naalimpungatan na ako. Pagkatapos non ay hindi na ulit ako nakatulog kaya mas pinili ko na lang lumabas at pagmasdan ang paglitaw ng araw malapit sa dalampasigan.

Umupo ako sa buhangin at nakangiting pinakiramdaman ang simoy ng hangin. Napapikit ako at sa pagmulat ng mata ko nakarinig ako ng mga ingay sa paligid kaya lumingon ako kung saan 'yon nanggagaling, bumungad saakin ang  isang masayang alaala at nakita mismo ito ng aking mga mata.

Nakita ko na masayang nagtatakbuhan ang walong magkakaibigan. Nang matapos sila ay pare-pareho silang umupo sa buhangin at inakbayan ang isa't isa. Nangako na habangbuhay, kahit ano mang mangyari walang sisira sa pagkakaibigan nila.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha sa mata ko. Doon ko lang napagtanto na kami ang mga taong 'yon. At kung titingnan kami ngayon, napakalaki ng pinagbago. Binalik ko na lang ang tingin ko sa papalitaw na araw. Napangiti ako dahil sa ganda nito, bumalik ako sa aking katinuan ng tumunog ang cellphone ko. Masyado ata akong nag-enjoy sa panonood kaya naman hindi ko namalayan na six thirty na pala ng umaga.

Napakunot ang noo ko ng bumungad saakin ang pangalan ni Jasmin na tumatawag sa cellphone ko. Agad ko naman itong sinagot dahil baka mahalaga ito.

" Good Morning,  Jamaica . " masayang bungad ni Jasmin saakin kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti.

" Good Morning din, napatawag ka ata? " nagtataka kong tanong.

" Ah e, yayayain ko sana kayong lumabas. Actually I'm here infront of your house at kanina pa ko nagdodoorbell walang nagbubukas, wala atang tao? So I tried to call you, baka kasi tulog ka pa, luckly you answer. " mahabang paliwanag niya

Napatampal ako sa ulo ko ng maalala kong nagpaalam lang pala kami sa kaniya na may lakad pero hindi namin nasabi na dalawang araw kaming mawawala.

" Ah e, ganito kasi Jasmin hindi namin nasabi na sa linggo pa ng gabi kami makakabalik dyan sa bahay. Nagyaya kasi yung mga pinsan namin na magovernight kami sa kanila tutal matagal-tagal din kaming di nagkita. I'm really sorry ngayon ko lang nasabi. " mahabang dahilan ko

" Ganon ba? Sayang naman, okay lang. " mahinang sambit nito ngunit sapat na para marinig ko.

" Hayaan mo— " hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mamatay ang tawag. Napabuntong-hininga ako dahil don. Nagalit kaya siya? Ano kayang iniisip niya?

Ang kaninang magandang umaga ay napalitan na naman ng pangamba. Mahirap talaga kapag nabubuhay ka sa mundong puno ng kasinungalingan. Kahit hindi ko na masikmura ang ginagawa namin, ayokong tumigil dahil ayoko ring pati siya mawala saamin. Natatakot ako na may mawawala na naman dahil hindi ko na kakayanin.

Bumalik na ako sa resthouse at naabutan kong nakaupo silang lahat sa sofa at nanonood ng balita. Naalala ko ganitong-ganito rin ang sitwasyon namin ng lumabas ang balitang sumira sa buong pagkatao namin at maging sa pagkakaibigan namin. Napatingin silang lahat saakin ng makita nila akong manggaling sa labas.

" Akala namin tulog ka pa. " sambit ni Shyrel at hindi ko 'yon inaasahan. Usually tahimik lang siyang makikinig sa usapan, hindi niya ugaling magsimula ng usapan.

Everything Is Just A LieTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang