Chapter 23: Jealous

189 15 5
                                    

Chapter 23: Jealous

Kyrine's Point of View

Nangibabaw ang katahimikan ng umalis na si Jasmin. Batid kong sila ay nabahala din sa inasta nito. Natatakot ako sa hindi malamang dahilan. Alam kong may mali pero pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na wala lang 'yon, na may rason siya sa inaasta niya ngayon. Gusto ko siyang tanungin kung ano ba talagang gumugulo sa isipan niya pero alam kong kailangan niya ng sapat na oras para sa sarili niya. Pilit ko na lang iniintindi na nagawa niya lang 'yon dahil may problema siya na hindi niya alam kung paano sosolusyunan. Pero kahit anong gawin ko, alam kong may mali at hindi ko makumbinsi ang sarili kong paniwalaan ang iniisip ko. Napabuntong-hininga na lang ako sa nangyari.

Sana ayos ka lang talaga.

Tahimik kaming nagtungo sa canteen. Wala ang tawanan at kwentuhan na madalas naming gawin. Hindi namin alam kung ano ang dapat naming pag-usapan. Nanatili kaming tahimik hanggang makarating kami sa canteen.

Kaniya-kaniya na silang nagsabi ng kakainin nila pero nanatili lang ako tahimik. Parang ayokong kumain, nawawalan ako gana.

" Kyrine anong iyo? Ako na bibili. " sambit ni Luke saakin pero umiling lang ako.

" Hindi ka kakain? " tanong saakin ni Jacob pero tiningnan ko lang siya.

" Bakit kambal? Masama ba pakiramdam mo? " tanong saakin ni Jamaica.

" Ayoko lang talaga. " sagot ko, nirespeto naman nila ang desisyon ko at hindi na nila ko pinilit pa. Nanatili ang katahimikan saamin hanggang sa dumating na sila Luke at Jacob na dala ang mga pagkaing pinabili sa kanila. Tahimik ko lang pinakikiramdam ang paligid.

Napalingon ako sa gawi nila Jacob ng marinig ko ang tawanan nila. Hindi ko maintindihan pero nagseselos ako kahit na wala naman akong karapatan. Yung mga tawanan nila ay nagsilbing kutsilyo na tumatarak sa puso ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko parang ako tanga, ang bata ko pa para sa ganito.

"Jacob, ligawan mo na kasi. " nakangising pang-aasar ni Zhian, nag-iwas na lang ako tingin. Napatigil ako ng may umupo sa tabi ko, hindi ko maiwasang lingunin ito.

" Pasabay kumain. " sambit ni Lawrence kahit wala naman siyang dalang pagkain. Madalang ko siyang makita sa school kahit na malapit lang naman ang section niya saamin. Mahigit isang linggo na rin siguro ang nakalipas nung lumipat siya sa school. Sabi niya marami pa siyang inaasikaso kaya hindi siya makasama saamin. Kaya hindi ko inaasahang darating siya.

" Lawrence? Himala ata. Wag mo sabihing binabakuran mo na si Shyrel. " pang-aasar ni Luke.

" Baliw. " natatawang sagot nito, naramdaman ko naman ang masamang tingin ni Zhian dito.

" Bakit wala kang pagkain? " bulong ni Lawrence saakin kaya naman napalayo ako sa kaniya dahil sa gulat.

" Wag ka ngang nanggugungulat! " sigaw ko dito dahilan para maagaw namin ang atensyon ng ilang tao sa canteen, tumawa naman siya dahil don. Nahihiya naman ako napayuko.

" Hindi ako nainform na magugulatin ka pala. " sambit niya

Sinamaan ko naman siya ng tingin. " Tsk. " singhal ko, aksidente akong napalingon kay Jacob at nagtama ang mga mata namin ngunit siya ang unang nag-iwas ng tingin at muling nakipag-usap kay Jane.

Everything Is Just A LieWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu