Chapter 43

173 11 5
                                    

Chapter 43

Jasmin's Point of View

Ilang beses akong lumingon ulit sa pinto ng room, hinihintay na pumasok si Jamaica kasunod ni Kyrine na kararating lang at late na. Pero lumipas pa ang ilang minuto, walang sumunod kay Kyrine. Siya na ang huling pumasok sa klaseng 'yon. Wala akong nagawa kundi bumuntong-hininga at makinig na lang ulit sa teacher kong nagsasalita sa unahan habang hinahayaang lumipad ang isip ko kung saan.

Lumipas pa ang mga oras at natapos ang panghuling klase para sa araw na 'to pero walang bumalik na Jamaica.

Inayos ko ang gamit ko bago pumunta sa pwesto ni Kyrine na busy rin sa pag-aayos ng gamit. Hinintay ko itong matapos, umupo muna ako sa harapan ng desk nila.

Pagkatapos nitong ilagay lahat ng gamit niya ay humarap na siya saamin at dire-diretsong sumagot kahit wala pa man akong tinatanong.

" Hindi ko alam bigla niya na lang ako iniwan kanina e. " sagot niya na para bang alam niya na kung anong itatanong ko.

Napabuntong-hininga na lang ako. " Wala ka bang alam na pwede niyang puntahan? "

" Wala e, tatawagan ko na lang. " sambit niya at dinial ang number ng kapatid niya.

Ni-loudspeaker niya 'yon para marinig namin kung ano man ang pag-uusapan nila.

" Ay sorry, naubos na pala load ko. Try niyo nga. " sambit niya at nagpeace sign. Hindi ko naman maiwasang mapailing habang nakangiti.

" Hindi nasagot. " sambit ni Shyrel pagkatapos niyang subukang tawagan ulit.

" Hays, nasaan na kaya si Jamaica? " nag-aalala tanong ko

" Hayaan niyo muna baka kailangan niya munang mag-isa. " sambit naman ni Shyrel at binulsa na ang cellphone niya.

" Hindi ko maintindihan? Kapag may problema kayo bakit kailangan laging ganito? Naapektuhan tayong lahat, kaya imbis na takbuhan bakit hindi pag-usapan? Kaya nga tayo magkakaibigan. " sambit ni Kyrine na nakaagaw ng atensyon namin.

" Wala namang magsabing magpaapekto kayo. "

Napalingon ako kay Shyrel at tiningnan ito ng hindi makapaniwala. Hindi ko lang inaasahan na sasabihin niya ang mga bagay na 'yon kay Kyrine, knowing na magkakaibigan kami.

" Pero hindi naman pwedeng hindi kami maapektuhan, kaibigan niyo kami hindi kami magtatanga-tangahan na uupo na lang sa isang tabi diyan. " mariing sagot naman ni Kyrine dito.

" Pwede ba tumigil na kayo. " pag-awat ni Luke pero sinamaan lang siya ng tingin ni Kyrine. Napailing na lang si Luke dahil alam niyang wala na siyang magagawa sa oras na 'yon.

Gulo na naman 'to.

Napabuntong-hininga na lang ako, nakakasawa na. Kailan ba yung araw na pwede kaming maging masaya lang? Katulad ng dati?

" Kasalanan niyo pa rin, kase in the first place desisyon niyong magpaapekto. " sambit nito, napataas naman ang kilay ni Kyrine dahil sa sinabi nito at ngumisi siya. Hinila naman ni Lawrence si Shyrel pero hindi ito nagpatinag.

" Masama bang mag-alala? " tanong nito kay Shyrel. Hinawakan ni Jacob ang balikat ni Kyrine pero binitawan niya rin 'yon ng alisin yon ni Kyrine.

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now