Chapter 37

178 11 8
                                    

Chapter 37

Jasmin's Point of View

" Hindi ko alam pero parang... " bumuntong-hininga ako bago pinagpatuloy ang sasabihin ko "....nawawala na yung pagmamahal ko sa kaniya. "


Nakita kong natigilan silang lahat sa sinabi ko. Lalong lalo na si Kyrine na nasa unahan ko. Halos lahat sila ay hindi makapaniwala. Nangibabaw ang katahimikan saamin at ang ingay lang ng tv ang naririnig ko.

Umiling-iling si Jamaica na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
Napapabuntong-hininga naman akong tumingin sa kanila.

" Joke lang! " natatawang sambit ko at tumawa ng malakas. Sinamaan naman nila ako ng tingin, nagpeace sign lang ako sa mga ito.

" Siraulo ka Jasmin! Muntik na akong maniwala. " sambit ni Kyrine

Tumawa naman ako " Ang seryoso niyo kasi, pumunta kami dito ni Shy para magsaya kaso wala akong maisip na gawin. " sambit ko at naboboring na tumingin sa paligid.

" Alam ko na! Magkwento na lang kayo. Paano kami nagkakilala ni Terrence? " inosenteng ko tanong " Tutal wala naman akong maalala " dagdag ko pa. Natitigilan silang tumingin saakin. Doon unti-unting nawala ang saya na bumabalot sa katauhan ko pero nanatili akong nakangiti. Naghihintay ng sagot kahit na alam kong wala rin naman akong makukuha.

" Ah e— " nauutal na sambit ni Jamaica. Napatingin naman ako kay Shyrel na kunot na kunot ang noong nakatingin saakin.

" Wag na nga! Nakwento na rin naman ni Terrence kaso ang baduy niya magkwento e. " nakangiting sambit ko, ang totoo ay gusto kong kusa silang magkwento pero mukhang hindi mangyayari ang gusto ko. Dahil mukhang wala silang balak sagutin ang bawat tanong ko. Kaya naman mas lalong nadadagdagan ang tanong sa isip ko.

" Kyrine bakit ka nga ba biglang nawala kahapon? Tapos malalaman na lang namin na nahimatay ka? " pag-iiba ko ng usapan. Nandoon parin saakin ang pag-aalala. Hindi mawala sa pakiramdam ko yung takot.

Ngumiti ito ng mapait at tumingala na para bang may inaalala, nakita ko ang pagpipigil nito ng luha. Kaya tumabi ako dito at marahang hinimas ang likod niya. 

" Narinig kong nag-uusap sila Luke.  " napapalunok nitong wika at nagbaba ng tingin. Nilaro niya ang kaniyang mga daliri. Nanatili kaming tahimik at hinintay ang susunod niyang sasabihin. " Balak na ni Jacob na ligawan si Jane. " mabigat na sambit nito at unti-unting tumingin saakin. Pinagmasdan ko ang mga mata niya, nagsimulang maglandasan ang mga luha niya. Nababasa ko sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman niya. Ewan ko ba? Biglang nawala yung mga tanong sa isip ko. Tanging ang nakikita ko lang ay ang sakit na dinadala nito.

" Kyrine... " pagtawag ni Jamaica at napalingon naman ako sa kaniya. Umiiyak na rin siya, nasasaktan para sa kapatid niya.

" Ang sakit sakit lang kasi. Ang tagal tagal ko ng nasa tabi niya pero iba parin yung nakita niya. " umiiyak na sambit nito at nasasaktan akong pagmasdan siya sa kalagayan niya.

Bigla ay gusto kong magalit kay Jacob pero nagmahal lang naman siya. Alam kong hindi niya kagustuhang makasakit ng tao lalo na't kaibigan niya pa. Ramdam kong hindi naman ganito ang gustong mangyari ni Jacob.

Hindi naman siya nagpaasa kasi si Kyrine mismo ang gumawa ng sarili niyang aasahan. Hindi ko sinisisi si Kyrine pero hindi ko rin dapat sisihin si Jacob.

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now