Chapter 25

178 12 6
                                    

Chapter 25

Zhian's Point of View

Nandito kami ngayon sa kubo na tambayan naming magkakabigan. Masyado pa kasing maaga at mamaya pa magsisimula ang klase kaya wala kaming magawa kundi tumunganga dito, kasama ko si Mae.

Napatitig ako sa malulungkot niyang mga mata. Tahimik lang siya na para bang may malalim na iniisip. She's not in her usual self, I'm worried. Hindi ako sanay na ganito siya, tahimik at walang imik. Nasanay akong palagi siyang nakangiti at hindi iniinda ang lahat dahil para sa kaniya " life is too short " para hayaan mong lamunin ka ng lungkot. I've learned many things from her. She really help me to overcome my sadness. She became my bestfriend, my listener. She love me at my worst and I want to give her the best. I want to give back the love she deserve. I'm afraid to lose her because I might lose myself again.

" Are you okay? " tanong ko dito habang nag-aalalang nakatingin sa kaniya. Sinalubong naman ako ng mga mata niyang puno ng lungkot at pagsisisi.

" A-ah yeah. I'm okay, I was just wondering if you regret choosing me instead of her. " nag-aalinlangan sagot nito at ngumiti ngunit hindi ito katulad ng ngiti niya palagi. Hindi man lang ito umabot sa kaniyang mga mata. Hinawi ko ang buhok na tumakas at humarang sa maganda niyang mukha. Inilagay ko ito sa likod ng tenga niya at marahan kong hinaplos ang pisngi niya.

" I regret nothing. I chose you not because I had to. I chose you because I love you. Always remember that, Mae. " sambit ko at nginitian siya. Ngumiti naman siya saakin at niyakap ako. Niyakap ko rin naman ito pabalik.

" I love you too. " ramdam kong nakangiting sagot nito sa pagitan ng mga yakap namin. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at hinalikan ko siya sa noo. Napapikit naman siya dahil don. Napangiti naman ako dahil mukhang bumalik na ulit siya sa dati.

Natanaw kong papalapit saamin sila Kyrine kaya umayos ako ng upo. Tahimik namang lumingon si Mae roon, nakita ko ang kaba sa mga mata niya. Bumuntong-hininga ako at inakbayan siya. Nilingon niya ako, kinindatan ko naman siya at binulungan.

" Everything will be alright. " sambit ko, tumango namin ito.

Napatitig ako kay Shyrel na diretso nakatingin sa mga kamay kong na sa balikat ni Mae. Nakita ko ang kakaibang sakit mula sa mga mata niya at hindi ko maiwasang masaktan.

Maybe everyone thinks I am jerk, an asshole for hurting Shyrel but they don't know my reasons. They don't have the rights to comment about my personal decision. It's my own life, no one can control me. I will not let anyone do that, even my parents.

Ayoko siyang masaktan, God knows how much I love Shyrel. Everyone knows my sacrifices to save her from drowning in her own thoughts, own pains, own problems. I tried to save her not knowing that I also need to be saved.

Minsan talaga kailangan din nating maging makasarili. Hindi yung palagi na lang tayo yung bigay ng bigay kasi baka di natin mamalayan na ubos na ubos na pala tayo. At sa pagkakataong tayo naman ang nangangailangan ay wala handang magbigay kahit na ang mga taong pinaglaanan natin ng lahat. That's how people in this world plays.

" Nandito pala kayo. " nag aalinglangan sambit ni Kyrine habang nakatingin saamin. Ngumiti na lamang ako sa kaniya. Hindi talaga kayang magtago ni Kyrine ng nararamdaman niya para sa isang tao. Kapag ayaw niya talaga sa isang tao, makikita mo talaga 'yon sa emosyon ng mukha niya.

Everything Is Just A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon