Chapter 51: Mae

153 13 4
                                    

Chapter 51: Mae

Zhian's Point of View

Naiinis ako , naiinis na talaga ako. Paano ba naman ay dalawang araw ng hindi nagpaparadam si Mae saakin. Walang text, walang tawag. Hindi ko maintindihan pero natatakot ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Dalawang araw na din ang lumipas simula ng mag-away si Luke at Jamaica, mukhang okay na naman sila. Si Jamaica naman ay ramdam kong ilag kay Jasmin para bang may tinatago. Nandito kami ngayon sa tambayan at seryoso akong nakatingin sa cellphone ko at katulad nung mga nakaraang araw ay hinihintay ko pa rin ang text o tawag ni Mae.

" Wala pa rin ba siyang paramdam? " seryosong tanong ni Shyrel agad naman akong napatingin sa kaniya, hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya. Sa totoo lang, nitong mga nakaraang araw wala akong ibang naiisip bukod sa kung ano ang dahilan ni Mae kung bakit hindi niya ako tinetext o tinatawagan. Doon lang lumilipad ang isip ko.


Hindi ko ito sinagot sa halip ay tumingin lang ako sa cellphone ko. Masyado na akong nag-aalala sa kaniya.

" Bakit hindi mo subukang puntahan?  " tanong ulit ni Shyrel, wala na akong nagawa kundi sagutin ang tanong niya.

" Ayaw niya kasing pinupuntahan ko siya e. " sagot ko

" Mababaliw ka  lang kakaisip dyan kung hindi ka kikilos. " sambit nito, hindi ko na ito nasagot ng biglang
tumunog ang cellphone ko at lumabas doon ang pamilyar na pangalan. Kaya naman ay agad kong sinagot ito.

" Mae! " masayang sambit ko sa kabilang linya pero nawala ang lahat ng 'yon ng ibang boses ang sumagot saakin.

" Zhian? " pagtawag saakin ni tita.

" T-tita, asan po si Mae? " nauutal na sambit ko dahil iba ang pakiramdam ko dito.

" Iho, pasensya ka na ngayon lang ako nakatawag, ayaw kasi ni Mae na sabihin sayo pero sa tingin ko dapat mong malaman.  Dalawang araw ng hindi maganda ang pakiramdam ni Mae, ayaw niyang magpadala sa hospital. Pwede ka bang pumunta dito sa bahay at kumbinsihin siyang— " hindi ko na pinatapos magsalita si tita agad akong sumagot.

" Papunta  na po ako. "   sagot ko dito

Nagtataka namang tumingin sila saakin at panay ang tanong at ni-isa don wala akong sinagot. Sumunod sila at nagsakayan sa kotse ko, wala na akong nagawa kundi mapabuntong hininga at hayaan na lang sila. Wala ako oras ngayon magpaliwanag, ang kailangan ko ay makita si Mae.

" Anong meron? Kaninong bahay 'to? " tanong ni Kyrine pero katulad kanina ay hindi ito nakakuha  sagot saakin, sa halip ay tahimik kong pinarada ang kotse at agad-agad lumabas.

Paglabas namin ay bumungad saamin ang maingay na harurot ng pamilyar na motor, marahan niya 'yong ipinarada at lumapit saamin.

Kasunod non ay dumating din ang kotse ni Terrence at lumabas doon ang ilan ko pang mga kaibigan dahil hindi kami kasya sa kotse kong lahat.

Nagtataka silang tumingin saakin pero hindi ko na pinansin 'yon. Patakbo akong nagdoorbell sa gate ni Mae. Mabilis naman 'yong binuksan ni Manang.

" Zhian, mabuti naman at dumating ka. " sambit nito saakin

" Asan po siya manang? " tanong ko dito

" Nasa kwarto niya. " sambit nito, tumango na lang ako at dire-diretsong  pumunta sa kwarto niya. Naramdaman ko naman ang pagsunod nila saakin. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nang makapasok ako sa room niya, doon ko siya nakita at halos manlumo ako sa nakita kong kalagayan niya. Halos wala na siyang buhok at napakapayat na pero ang bumungad pa rin saakin ay ang nanghihina niyang mga ngiti.

Everything Is Just A Lieحيث تعيش القصص. اكتشف الآن