Chapter 18: Death Anniversary

210 16 17
                                    

Chapter 18: Death Anniversary

Luke's Point of View

Tahimik ang naging pagbyahe namin pabalik sa resthouse. Pagkarating namin ay nagpalit na kami ng aming mga damit. Pagkababa ko ay naabutan kong nakaayos na ang mga pagkain sa lamesa. Nakaayos na rin ang lahat, kaniya-kaniya na kaming pumwesto sa sofa. Manonood kasi kami ng movie katulad ng madalas naming gawin. Horror ang pinili namin at sinarado namin ang resthouse at pinatay ang mga ilaw. Tanging ang kakarampot na liwanag na nagmumula sa tv ang nagsisilbi naming ilaw.

Si Shyrel ay nasa kaliwang bahagi ng tv kung saan may single sofa roon. Nasa baba niya naman nakaupo si Jamaica na nasa sahig na katabi naman si Kyrine. Sa malaking sofa naman na nasa gitnang bahagi ako nakaupo, sumunod sa tabi ni Shyrel. Katabi ko naman si Terrence na nasa gitna naming dalawa ni Zhian. Tatlo kaming narito sa malaking sofa at sa kanang bahagi naman ng tv kung saan may single sofa rin nakaupo si Jacob. Mayroong maliit na lamesa sa unahan namin at nandoon ang popcorn at iba-iba pang chichirya na binili naming kanina. Nagsimula na ang movie at lahat kami tutok na tutok dito. Paminsan-minsan ay napapasigaw si Kyrine at Jamaica. Samantalang lahat naman kami ay nagugulat sa tunog. Si Jacob ay kain ng kain ng popcorn. Halos siya na ang makaubos nito. Kinuha ko ang isang chichirya para kahit papaano ay makatikim naman ako. Sayang ang inambag ko kung hindi ako kakain.

Hindi ko maiwasang matawa ng mapalingon ako sa lugar ni Jamaica. Halos maibuga ko ang kinakain kong chichirya. Paano ba naman ay halos takpan na ni Jamaica ang buo niyang mukha ng unan dahil sa takot. Kinuha ko ang unan na hawak niya at dahil don ay inis niya naman akong nilingon.

" Akin na 'yan Luke! " sigaw niya saakin habang pinipilit agawin ito, tatawa-tawa naman akong umiling habang mahigpit ang hawak ko sa unan.

" Manood ka! " natatawang sambit ko at tinuro ang tv, sinamaan niya naman ako ng tingin.

" Nanonood ako! " sigaw niya saakin.

" Wag kayong maingay, ayan na Jamaica oh! " sigaw ni Kyrine saamin. Binelatan ko naman si Jamaica at inis naman siyang bumalik sa panood. Tumingin na din ako don, nung nagiging intense na yung palabas at yung tunog ay nakakatakot na. Nagkatinginan kami ni Shyrel at napatango siya.

Bigla niyang hinawakan ang dalawang balikat ni Jamaica at ginulat ito. Napasigaw at napatayo si Jamaica dahilan para matawa kaming lahat. Namumutla ito sa takot kahit si Shyrel ay napangiti sa kalokohang naisip ko.

" Waaaaa- bwiset ka Shyrel. " sambit niya at umupo. Nagulat kami ng marinig namin ang mahinang paghikbi nito. Bumaba si Shyrel at tumabi kay Jamaica.

" Woi, wag ka umiyak diyan. Si Luke nag-utos saakin. " sambit niya at tinuro ako.

" Halah bakit ako? " tanong ko dito at pinanlakihan siya ng mata.

" Tiningnan mo ko tapos tinaasan mo ko ng dalawang kilay. Wala talaga akong kasalanan Jamaica. " pagdepensa niya sa sarili

Laglagan ganon?

" Hala, tiningnan lang kita Shyrel. Jamaica saakin ka maniwala. " sambit ko

" Basta labas kami dyan. " sambit ni Jacob, nakita ko naman ang pagtango ng dalawang ugok sa sinabi ni Jacob. Habang si Kyrine at titig na titig parin sa tv.

" Woi Jamaica. " pagtawag ni Shyrel

" Bwiset kayong dalawa! Lagot kayo talaga saaki. " inis niyang sambit habang pinupunasan ang luha niya. Natatawa naman akong tiningnan ito.

Everything Is Just A LieDove le storie prendono vita. Scoprilo ora