Chapter 48 : New Looks

160 9 7
                                    

Chapter 48 : New Looks

Luke's Point of View



Hindi ko naipakita kay Mitch noong nakaraan ang bago kong itsura dahil nagkaroon ng emergency at kinailangan ko umuwi agad sa bahay.

Ngayon ay nakangiti ako habang naglalakad papunta sa room nila Mitch. Excited akong ipakita sa kaniya ang bagong ako. Yung ako na magugustuhan niya. Yung ako na alam kong mamahalin niya.

Habang naglalakad ako sa hallway ng building nila ay naririnig ko ang mga bulungan ng mga babae sa paligid.

" Gosh ang pogi, sino yan new student? "

"Aba ewan ko, basta alam ko lang siya na ata ang future ko. "

Natawa naman ako sa narinig ko 'yon. Mabilis akong nakarating sa room ni Mitch at naabutan ko siyang nag-aayos ng gamit niya.

Napansin kong nakatingin saakin ang mga kaibigan niya, tinapik nila si Mitch at tinuro ako. Pinangunutan muna ako ng noo nito pero ng mapagtanto niya kung sino ako ay agad niyang sinukbit ang bag niya at dinala ang libro niya at naglakad papalapit saakin.

" Hi. " nakangiti kong bati sa kaniya nung makakapalapit siya saakin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa ng ilang ulit bago nagugulat na tumingin sa mismong mukha ko

" O my god Luke, ikaw na ba yan? " tanong nito na hindi parin makapaniwala. Hindi ko naman maiwasang mapangiti.

" Yes, miss. Pwede ba kitang yayain lumabas ulit? " nakangiti kong tanong dito, tumango naman siya at excited ako tiningnan

" Ofcourse?!  Kailan? " nakangiting tanong nito.

" Pwede ka ba ngayon? "

" Wait, tingnan ko lang schedule ko. " sagot niya at kinuha ang cellphone niya. " Eto na pala ang huling klase namin ngayon, so pwedeng pwede. "

" Akin na 'yan, ako na magbibitbit, ayokong nahihirapan ka. " nakangiting sambit ko at kinuha ang librong dala niya.

" Ako na dito sa bag, magaan lang naman 'to. Salamat. "

Inabot ko ang kamay ko sa kaniya, kinuha niya naman 'yon at inintertwined sa kamay niya. Hindi ko maiwasang lalong mapangiti.

" Gosh, ang swerte talaga ni Mitch. "

" Bagay sila, sana all. "

" Hays, magkakajowa pa ba ako? "

Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa mga bulungang 'yon sa paligid. Humarap si Mitch sa mga kaibigan niya at nakangiting nagpaalam dito.

" Guys una na muna ako ah, chat ko na lang kayo mamaya. " paalam nito sa mga kaibigan niya

" Enjoy gurl! " sambit ng mga kaibigan niya at kumaway saamin.

Masaya kaming naglakad palabas ng building ng makalabas na kami ay hindi ko maiwasang matigilan ng mapako ang tingin ko sa isang pamilyar na tao.

Jamaica...

Nakatingin ito ng seryoso saamin. Hindi siya umiiyak pero batid kong nasasaktan ito at ayokong nakikita yon. Ayun yung sakit na nakita ko sa kaniya ng mawala siya. Na parang bang ako naman ang mawawala sa kaniya.

Naglakad ito palayo saakin at nasasaktan akong makitang hindi siya ang Jamaica na kilala ko. Ibang iba siya sa Jamaica na bestfriend ko. Yung lalapit saakin kahit gaano ako kalayo para lang kotongan ako. Yung maingay na si Jamaica na isisigaw yung pangalan ko gaano man ako kalayo at ako naman 'tong mahihiya sa kalokohan niya. Napabuntong-hininga na lang ako, alam kong magiging okay din kami, maiintindihan niya rin ako. Nabaling naman ang atensyon ko kay Mitch ng magsalita ito.

"Ah? Luke hindi pa ba tayo aalis? " tanong nito.

" Ah sorry. Tara na? " sagot ko, tumango naman ito at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Jamaica's POV

Ang sakit makita yung taong mahal mo na masaya kasama ang taong mahal niya at wala kang magawa kundi manood lang sa malayo pero mas masakit tanggapin na baka yung dating kami ay hindi maibalik pa.

Ayokong mangyari 'yon, ayokong may mawala na naman sa buhay ko. Hindi ko kakayanin kung si Luke 'yon.

Bestfriend lang ang turing niya saakin at alam ko 'yon pero umasa parin ako na baka pwede. Na baka magustuhan niya ako katulad ng mga na sa libro. Pero wala e, nasa realidad kami. Hindi katulad ng sa mga librong magiging happy ending.

Umupo ako sa isa sa mga lilim ng puno at tumingin sa kalangitan.

Dati kasama ko siya kapag masama ang loob ko. Siya ang nasasabihan ko kapag nasasaktan ako. Pero ngayon hindi ko siya pwedeng makasama o mapagsabihan kasi siya yung dahilan nito.

Siya yung dahilan ng sakit na nabuo sa puso ko, ang sakit sakit. Siguro nga kaya ako nasaktan para kay Kyrine, hindi dahil lang sa naawa ako sa kaniya dahil nararamdaman ko siya, dahil naiintindihan ko siya. Dahil ganon na ganon din 'to.  Ang pagkakaiba lang hindi alam ni Luke na gusto ko siya at mas masakit 'yon dahil hindi siya aware na pwede akong masaktan sa bawat desisyon niya. Kasi buong akala niya bestfriend ko lang siya.

Bakit ba kasi ganon, bakit ba tayo nahuhulog sa maling tao. Kailan ba nagiging mali ang pag-ibig? Paano mo ba masasabing mali ang tao para sayo? Paano naging ganoong kasaya kung mali para sayo ang tao?

Unti-unting tumulo ang mga luha sa mata ko. Mas nauunawaan ko ang sakit na ito, mas naiintindihan ko ang sarili ko ngayon. Kung pwede ko lang pigilan ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kung pinigilan ko nung umpisang maramdaman ko 'to hindi siguro ganito kasakit ang lahat. Naalala ko yung unang beses kong maramdaman ang pakiramdam na 'to. Kung ilang beses kong kinumbinsi ang sarili ko na hindi pwede pero sa dulo napagod na lang din ako at hinayaan ko na lang umusbong ang nararamdaman ko para sa kaniya.

" Hindi pwede Jamaica, bestfriend mo si Luke okay? Nalilito ka lang. " sambit ko sa sarili habang nakaharap sa salamin.

" Hoi kambal, bilisan mo naman dyan sa cr, naiihi na ako. " sigaw ni Kyrine.

" Sandali lang! Tiisin mo muna, may ginagawa pa ako. " sigaw ko pabalik, nakarinig naman ako ng sunod sunod na katok. Tumahimik sandali kaya humarap ulit ako sa salamin at pinagalitan ang sarili ko.

" Jamaica! Nandito si Luke sa labas, hinihintay ka, ewan ko bakit may dalang bulaklak! Lumabas ka na dyan! " sigaw ni Kyrine, kaya bigla naman akong nataranta, hindi pa ako nakakapaghilamos. Nagmamadali akong maghilamos at magsepilyo.

Nagmamadali akong pumunta sa pinto ng cr at huminga ng malalim.

" Kalma puso, si Luke lang 'yan. " sambit ko at bumuntong-hininga ulit bago buksan ang pinto.

Tinulak ako palabas ni Kyrine sa cr at nagmamadaling sinara ang pinto. Napailing na lang ako at hinanap si Luke pero bigo akong makita ito.

Asan na 'yon?

" Oh sino hinahanap mo? " tanong ni Kyrine na kakalabas lang ng cr.

" Si Luke, asan? Akala ko ba nandito? " nagtataka kong tanong.

" Ah 'yon ba? Joke lang 'yon, ayaw mo kasing lumabas. Si Luke lang pala makakapagpalabas sayo. " natatawang sambit nito, sinamaan ko naman siya ng tingin.

" Kyrineeee! " sigaw ko at tumakbo naman ito palayo at hinabol ko naman siya.

" Sorry na! " natatawang sambit nito at naghabulan kami sa loob ng bahay.

Hindi ko maiwasang mapangiti ng maalala ko ang pangyayaring 'yon. Mga panahong magaan pa ang lahat saamin. Yung totoong saya pa yung nakikita ko kay Kyrine pero ngayon ang laki na ng naging pagbabago sa pagitan namin.

Siguro katulad din ako ni Kyrine, katulad niya din ako magmahal. Minahal ko si Luke ng hindi ko alam na pwede akong masaktan. Hindi ko napaghandaan yung sakit na dapat kong maramdaman. Masyadong naging biglaan saakin ang lahat. Hindi ko sukat akalaing magiging masyadong mabilis ang pangyayari.

Kaya ngayon nasasaktan ako dahil natatakot ako sa mga susunod pang mangyayari.

   

A/N: Happy New Year guys! ♡ Salamat sa pagsuporta ng storyang ito at sa mga silent readers dyan thank youu din . ♡ labyuu all :-)

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now