Chapter 41

163 13 5
                                    

Chapter 41

Jasmin's Point of View

Napatitig na lang ako sa ballpen ko matapos makipagbangayan kay Terrence. Bigla na namang pumasok sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Kyrine. Hindi 'yon mawala saakin, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko. Para bang pinlano na iparinig saakin ang kwentong 'yon.

Hindi ko maiwasang lingunin si Kyrine na diretso nakatingin sa labas ng bintana. Alam ko na nasasaktan at nalulungkot siya. Alam kong sa kabila ng mga ngiti niya ay may mga luha. Napapansin ko 'yon pero hindi ko pinapahalata.

Dahil sa tuwing titingnan ko siya sa mga mata, nakikita ko ang sarili ko. Nakikita ko mismo sa mga mata niya ang lungkot na nakikita ko rin sa mga mata ko sa tuwing nakatingin ako sa salamin.

Bumuntong-hininga ako at hinayaan ko ang sarili ko na paglaruan ang ballpen na nasa kamay ko.

Maraming tanong na naman ang pumasok sa isip ko pero sigurado ako, na ang walong magkakaibigang tinutukoy niya ay kami. Nasasaktan ako para kay Kyrine, bakit pa niya minahal ang taong walang kakayahang mahalin siya pabalik?

Natapos ang natitirang oras ng subject na 'yon na tahimik ako.

" Jasmin, break. " sambit ni Shyrel, nilingon ko naman ito. Nginitian ko siya at tumango. Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako tumayo.

" Ang tagal niyo naman. " reklamo ni Jamaica saamin

" Sorry. "

" Err, tara na. " sambit nito at naglakad na.

Nauna ng maglakad si Kyrine at Lawrence. Nasa pinakaunahan sila, natutuwa akong makitang nakangiti na si Kyrine.


Napatingin naman ako kila Zhian, Terrence, Luke na napakaingay, nakasunod sila kina Kyrine. Nakaakbay pareho sila Terrence at Zhian kay Luke na nasa pagitan nilang dalawa. Nangingibabaw ang boses ni Luke na naasar at ang mapang-asar na boses nina Zhian at Terrence.

Napalingon ako sa sumunod sa kanila. Si Jamaica na tahimik lang na nakasunod kina Luke. Nakakrus ang mga braso nito sa tapat ng kaniyang dibdib habang naka-earphone siya at diretsong nakatingin sa unahan. Mag-isa lang siyang naglalakad at walang kasabay. Madalas si Luke ang nasa tabi niya pero ngayon ay mukhang hindi maganda ang mood niya.

Sumunod naman si Jane at Jacob na simpleng nagkukwentuhan katulad ng madalas nilang gawin. Nabubuhay na naman sila sa sarili nilang mundo.

Sa pinakahuli naman ay
magkasabay kaming naglalakad ni Shyrel. Tahimik itong nakapamulsa sa jacket niya at diretsong nakatingin sa unahan.

Kaya ganon na rin ang ginawa ko. Hinayaan kong lumipad kung saan ang isip ko habang tahimik na naglalakad.

Napalingon ako kay Shyrel nang bigla siyang nagtanong saakin ng isang bagay na talaga namang nakapagpakunot ng aking noo.

" Kung malaman mong kasinungalingan ang lahat ng nasa paligid mo? Anong gagawin mo? " seryosong tanong nito ngunit nanatiling nakatingin ang mga mata sa daan. Binalik ko ang tingin ko sa daan at pasamantalang nanahimik para makapag-isip.

" Sa totoo lang, hindi ko talaga alam. Siguro malalaman ko lang kapag nasa mismong sitwasyon na ko. " sagot ko.

" Ano mang mangyari Jasmin sana maintindihan mo na minsan ang kasinungalingan ang siyang naggigising saatin sa katotohanan. Na minsan ang sakit ang siyang dahilan kung bakit patuloy tayong nabubuhay. " wika nito at nakangiting tumingin saakin pagkatapos ay nauna ng maglakad saakin at sumabay kay Jamaica.

Everything Is Just A LieTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang