Chapter 10 : Lawrence

238 23 8
                                    

Chapter 10 : Lawrence

Kyrine's Point of View

Napatigil ako sa paglalakad at inis na napatingin sa araw. Ginamit kong panangga ang kanan kong kamay sa sinag ng araw na hindi ko kayang tingnan.

Naiinis ako, mali, nagagalit ako. Bakit ganon? Bakit parang napakadali lang kay Zhian gawin 'yon? Ang pinakamasakit sa lahat para saakin, nasubaybayan ko kung gaano nila kamahal yung isa't isa. Nakita ko kung paano sila bumuo ng pangarap ng magkasama.

Sumilong ako sa gym at umupo lang ako sa isa sa mga bleachers don. May mga third year students na naga-activity. Pinanood ko lang sila at hindi ko maiwasang mapatitig sa grupo ng magkakaibigan na 'yon. Tatlong lalaki at dalawang babae. Sobrang saya nila kaya naman hindi sila maiwasang sawayin ng teacher ngunit aasarin lang din nila ang teacher nila na parang tropa lang nila. Naalala ko na naman si Shyrel at Zhian.

Two years ago

" Woi, sira hindi kasi ganon 'yon " natatawang sambit ni Jamaica

" Ganon 'yon Jamaica, hinahamon mo ata ako e " sambit ni Luke, mas lalong tumawa si Jamaica. Inaasar kasi ni Jamaica si Luke na siya ang may pinakamahabang oras sa 40 meter sprint test namin na naganap lang kanina. Muntik pa nga 'tong madapa kaya ayon hindi tumigil kakaasar 'tong kambal ko.

" Sa pag-aaral ka lang ata magaling e. " natatawang sambit ni Jamaica

" Tanggapin mo na lang 'yon Luke, may point naman siya e. " pagsabat ni Shyrel

" Pati ba naman ikaw Shyrel? Sino pa!? Sino pa? Grabe kayo parang di kayo kaibigan. " sambit nito habang nakasimangot.

" Kayong magbabarkada dyan, ang iingay niyo! Tapos na ba kayo sa lahat? " tanong ni Sir Bie

" Oh sir highblood ka na naman, easy lang. Nagkakasiyahan lang naman kami e. " sagot ni Zhian

Si Sir Bie may pagkamalambot kumilos pero hindi siya bading. Balita ko my the one that got away siya, simula non hindi na siya kailanman umibig.

" Oo nga sir, gwapo gwapo mo pa naman sir. Kaso nga lang iniwan. " pang-aasar ni Shyrel.

" Aba parang hindi maganda tabas ng dila mo Ramos. " sambit ni sir tas tinarayan si Shyrel.

" Eto naman si sir hindi mabiro. " natatawang sambit ni Shyrel

" Che, wag na kayong masyadong maingay at ikaw Zhian wag kang masyadong maharot. Lumayo-layo ka kay Ramos, kadiri kayo. " sambit ni Sir habang nandidiring nakatingin kay Zhian na nakaakbay kay Shyrel.

" Bitter mo talaga sir. " sambit ni Zhian at bumitaw na kay Shyrel.

" Che. " sambit nito at tumalikod na , nagtawanan naman kami dahil sa kakulitan nito.

Napabalik ako sa wisyo ng may magsalita sa tabi ko.

" Ayos ka lang? " tanong nito, napahawak ako sa puso ng maramdaman ko ang pagbilis nito.

Napatitig ako sa mukha nito at puno ng pag-aalala ang mga tingin niya.

Shet ba't ba ang lapit niya, ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Sh*t kumalma ka nga heart!

Napangiti naman ako bago ulit lumingon sa mga grade 9 students. Ngunit pabalik na ata sila sa room. Pagkaalis nila sa gym biglang tumahimik ang paligid. Paano ba naman ay kami at iilang mga estudyante na lang ang narito. Yung iba mga nagpapalipas siguro ng oras para sa susunod nilang klase.

" Kyrine. " pagtawag niya, hindi ako lumingon dito.

" Hmmm? "

" Wag kang magagalit kay Zhian ha. " sambit niya saakin, kaya naman di ko maiwasang lingunin siya sa pagkakataong 'yon. Ayan na naman yung mga tingin niya, yung mga tingin niya na para bang ako lang yung nakikita niya. Yung mga tingin niyang para bang sinasabi kung gaano ako kahalaga.

Everything Is Just A LieDonde viven las historias. Descúbrelo ahora