Chapter 16: Jasmin Kate

217 17 6
                                    


Chapter 16: Jasmin Kate

Terrence's Point of View

Napatingin ako kay Kyrine ng tahimik itong umupo sa kaniyang upuan. Mga ilang minuto lang ang lumipas ay dumating si Jacob na nagmula rin sa lugar kung saan nanggaling si Kyrine, nakangiti itong umupo sa upuan. Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain.

"Anong gagawin natin bukas? " tanong ni Kyrine habang nagsisimula ng kumain.

" Hmm, pupuntahan natin yung lugar na may alaala tayo sa kaniya. Gagawin natin yung mga bagay na ginagawa natin noon nung kasama pa natin siya." nakangiting sambit ko

Tumango-tango lang sila habang nakikinig. Tumayo si Jacob mukhang tapos na siyang kumain.

" Matutulog na ako. " sambit niya saamin, marahan namang inilapag ni Kyrine ang kutsara't tinidor niya at nakangiti hinarapan si Jacob.

" Wag ka agad matulog Jacob, ipababa mo muna yung kinain mo okay? " paalala ni kyrine

" Okay. " nakangiting sambit nito at tumalikod saamin. Napansin ko naman ang pagsunod ng mga tingin ni Kyrine dito hanggang sa tuluyan na itong maglaho. Tumayo na din Si Shyrel kaya naman napatingin kami agad sa kaniya.

" Matutulog ka na din? " tanong ni Jamaica dito habang marahang nginunguya ang pagkain na nasa bibig niya.

" Hindi pa, magpapahangin lang ako sa labas. " sagot nito

" Sama na ako sayo, tapos na rin kasi akong kumain. " wika ni Jamaica bago tumayo na. Nauna ng maglakad si Shyrel at sinundan naman ito ni Jamaica.

Naiwan na lang kaming apat dito. " Alam niyo guys? Pakiramdam ko kinakarma tayo. " mahinang sambit ni Kyrine ngunit sapat na para marinig namin.

" Paano mo naman nasabi? " tanong ni Luke habang diretsong nakatingin sa pagkain na halos hindi niya rin nagalaw.

" Kasi pakiramdam ko ang layo-layo na ng loob natin sa isa't isa. Pakiramdam ko sa isang taon na nawala siya saatin, nawala narin ang koneksyon natin. " mapait na ngiting sambit nito at sumubo ulit ng kinakain niya.

" Nag-iisip ka lang masyado. " wika ni Luke ngunit batid kong yun rin ang nasa isip niya.

" Siguro nga hindi karma yung mahal na mahal ni Zhian si Shyrel tapos sa isang iglap lang may mahal na siyang iba. Siguro hindi karma na masaktan tayo, hindi karma na malayo na ang loob natin sa isa't isa at hindi karma yung hindi na tayo makapag usap ng mga totoo nating nararamdaman. Siguro nga hindi karma 'yon. " tumatangonf sambit niya pero may halong lungkot at hinanakit ang bawat salitang sinasambit niya. Doon ko napagtanto na lahat 'yon naobserbahan niya. Lahat 'yon napansin niya, akala ko okay pa ang lahat saamin. Ngayong sinabi niya ang lahat ng 'yon, natauhan ako. Natauhan ako na sobrang dami na pala talagang nagbago.

" Hindi 'yon karma Kyrine. Desisyon ko na bitawan si Shyrel at magmahal ng iba. Hindi karma yung nasasaktan tayo dahil normal na sa buhay 'yon. Hindi rin karma na malayo na ang loob natin sa isa't isa dahil marami lang talagang nagbago. Desisyon naman natin 'to e, ginusto natin 'to. " mahabang pahayag ni Zhian, napansin ko ang paghigpit ng hawak ni Kyrine sa kutsara at at tinidor niya. Alam kong masama parin ang loob ni Kyrine kay Zhian, nararamdaman ko 'yon. Ang tensyon na namamagitan saamin ay nakakasakal. Para bang hindi ako makahinga dahil dito. Kaya bago pa lumala ang lahat, dapat ng tapusin ang usapan.

Everything Is Just A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon