Chapter 28

162 15 5
                                    

Chapter 28

Jamaica's Point of View

Napabuntong hininga na lang ako sa sitwasyon namin ngayon. Sana naman ay magtime na dahil ngalay na ngalay na ako. Kanina pa kami nakasquat dito at sobrang sakit na ng paa ko.

" Kasalanan mo to e. " paninisi ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

" Bakit ako? Ikaw kaya yung nalate. Kanina pa dapat ako dito e. " sagot nito saakin

" Kung tumakbo agad tayo edi sana nakarating tayo sa tamang oras, e kaso busy ka pa kiligin. " pagdepensa  ko naman

" Nako pasalamat ka talaga dahil sa pagiging late mo nakausap ko si Mitch, kundi nako. Ang mahalaga makaka-date ko si Mitch mamaya aaaaaaaaaa! "

Napailing na lang ako sa kabaliwan niya.

" Magdedate kami ni Mitch, magdedate kami ni Mitch whoooaa! " pakantang sambit nito, napataray naman ako dahil don.

" Pwede ba Luke tumahimik ka muna kahit saglit? " naririnding suway ko rito. Nakangiti lang itong bumaling saakin at tumuloy sa pagkanta. Napapikit na lang ako sa katigasan ng ulo niya.

Napatawa ako ng batukan siya ng teacher namin na kakalabas lang ng room, kasunod non ay ang pagring ng bell. Agad kaming tumayo at humarap sa striktong panot na teacher namin.

Palibas matanda na, single parin.

" Ikaw Querobin parang ang saya-saya mo pa ah. Sa susunod ayoko ng late! Sana natuto kayo! " sigaw nito sabay alis.

" Panot. " mahinang bulong ko pero sapat na para marinig ng mga kaibigan kong kalalabas lang din. Natawa naman sila sa binulong.

" Tara Shyrel, kain tayo sa canteen! " pagyaya ni Lawrence dito. Napatingin ako sa relo ko.

" Balita ko wala daw si Ms. De Vera? " tanong ko

" Oo, may faculty meeting pero may iniwan na gagawin. " sagot ni Jasmin

" Kailan ipapasa? " tanong ko

" Mamaya. " sagot ni Kyrine

" Sama ko Lawrence sa canteen. Wait lang, lapag ko lang bag ko. " sambit ko

" Ako din!  " sambit ni Kyrine

" Edi sumama na lang tayong lahat. " ani ni Jacob. Iniwan ko na sila don at inilapag ang bag ko. Napatingin naman ako kay Luke na hindi mawala wala ang ngiti sa mukha. Napataray na lang ako.

Pumayag talaga ang malanding 'yon?

Nagtataka ko lang pinagmasdan ang lahat. Nasa dulo ako at ang pinaka nasa unahan ay si Lawrence, Shyrel at Kyrine. Tahimik lang si Shyrel na nasa kanan ni Lawrence habang patuloy ang asaran nila Kyrine at Lawrence pero pagkatapos ang magtatawanan din. Para silang may sariling mundong dalawa.

Kailan pa naging close 'tong dalawang 'to?

Napalingon naman ako sa sumunod sa kanila. Si Zhian, Jane at Jacob, si Jacob ang nasa pagitan ni Zhian at Jane. Masayang nakikipag-usap si Jacob kay Jane na para bang ito lang ang babaeng nakikita niya. Yung ngiti niyang 'yon na kakaiba, ngayon ko lang ulit nakita. Yung huling pagkakataon ata na nakita ko 'yon ay yung kasama pa namin si Jasmin Kate. Para rin silang may sariling mundo. Si Zhian naman ay busy sa pagkalikot ng phone niya.

Napalingon naman ako kina Jasmin at Terrence na pormal na nag-uusap. Wala yung dating bangayan nila at asaran na nangingibabaw kung saan si Terrence ang laging talo. Para lang silang magkaibigan sa oras na'to.

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now