Chapter 15 : Calls

212 21 14
                                    

Chapter 15 : Calls

Jasmin's Point of View

Napatitig ako sa cellphone ko at hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga dahil sa pagtataka. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip kung bakit sunod-sunod ang pagtawag nila saakin para magpaalam na may pupuntahan sila ng dalawang araw. Ang mas nakakapagtaka bakit kailangan nilang magpaalam lahat? Kahit si Shyrel na bihira lang akong kausapin ay tumawag saakin. Naalala ko na naman yung usapan namin.

Busy ako sa pagpapalit ng cover ng kama ko ng tumunog ang cellphone ko. Agad kong kinuha 'yon at hindi ko maiwasang mapangiti ng tumawag si Shyrel. Bihira lang kasi niya kong kausapin.

" Hi " pagbungad ko, tahimik lang ako habang hinihintay ang isasagot niya. Pero nanatili rin siyang tahimik.

" Ah Shyrel? Nandyan ka pa ba? "

" Mawawala ako ng dalawang araw pero papasok ako sa Monday. " sambit niya, napakunot ang noo ko. Bihira lang kasi niya akong tawagan ng ganito.

" Ah okay? Alam ba ng iba 'to? " tanong ko at umupo muna sa kama ko.

" Oo " maikling sagot niya saakin

" Saan ka naman pupunta? " dagdag na tanong ko dito, nacu-curious kasi ako.

" Papalamig lang. " sagot niya, napabuntong-hininga naman ako. Nanatili ang katahimikan saamin, magpapaalam na sana ako ng magsalita ulit siya.

" Jasmin, sorry. " sambit niya, tatanungin ko sana siya kung para saan pero pinutol niya na ang tawag.

Hanggang ngayon palaisipan saakin kung bakit siya nagsorry. Mas ginulo niya lang ang utak ko.

Hinihintay ko na lang ang isang tao na hindi pa tumatawag dahil siya na lang natitira na hindi ko nakakausap bago matapos ang araw na'to. Parang kanina lang magkakasama pa kami sa school, bakit hindi nila don sinabi? Sabado pa naman bukas, akala ko makakagala kaming lahat.

Napabuntong hininga na lang ako. Natigil ang pag-iisip ko ng mag-ring ang phone ko. Kinuha ko 'yon at hindi ko maiwasang titigan ang unknown number ng tumatawag saakin.

Nagpalit ba si Terrence ng number?

Wala naman siyang nabanggit saakin, sinagot ko na lang ito dahil baka isa rin ito sa mga kaibigan ko. Pero natigilan ako ng pamilyar na boses ang narinig ko.

Ang boses na 'yon.

" Kamusta? " tumatawang tanong nito mula sa kabilang linya. " Masaya bang mabuhay sa mundong hindi mo pagmamay-ari? " may halong galit na tanong nitom

" Sino ka ba? Ano bang kailangan mo saakin?! " sigaw ko

" Ikaw pa ang may ganang magalit? Sige lang, mag-enjoy ka lang, bibigyan pa kita ng konting oras bago ko bawiin lahat." sambit niya, napariin naman ang hawak ko sa cellphone.

" Hindi ako natatakot sayo. " sagot ko

" Hindi naman kasi dapat. Hindi ka saakin dapat matakot, kundi sa sarili mo mismo. You trusted everyone easily without knowing their real personality. Papatayin ka ng pagtitiwala mo, sasaktan ka ng pagmamahal na pinanghahawakan mo. The question is? Are you ready to face your own fear? " mahabang sambit niya.

" Wala akong dapat katakutan. Naniniwala ako na tama ang mga desisyon ko. Hindi ako papayag na kunin ng sinoman ang pagmamay-ari ko." mariing sambit ko

" Pinahiram ko lang sila sayo, pinahiram ko lang ang lahat sayo, Jasmin." sambit nito at pinatay ang tawag.

Pinahiram? Anong ibig-sabihin niya? Sinong sila? Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko na maintindihan. Papatayin ako ng pagtitiwala ko? Sarili ko ang dapat na katakutan ko? Napahawak ako sa ulo ko ng sumakit ito. Napasigaw ako dahil sa sobrang sakit nito.

Everything Is Just A LieTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang