Chapter 61: The Past

161 12 2
                                    

Jasmin Kate's Point of View

Tahimik kong tinitigan ang kalendaryong nakapaskil sa kwarto ko. Dalawang araw, dalawang araw na lang at mangyayari na ang plano ko.  Nandito na ako sa rest house kung saan marami kaming naging alaala ng mga kaibigan ko, lalo na ni Terrence.

Mabuti na lang at umaayon ang lahat sa plano. Nandito ako ngayon sa kwarto ko sa rest house. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ko ang mga litrato namin. Nananatili pa rin itong nakapaskil sa dingding. Humiga ako sa kama at hindi ko alam pero para bang nag-flashback  ang mga alaala naming magkakaibigan. Mas lalo akong napangiti ng makita ko doon ang ngiti ni Terrence saakin.

Si Terrence ang taong kailanman hindi pinaramdam saakin na wala akong kwenta,   pinrotektahan niya ako sa kahit sino,  hindi siya napagod sa pagpapaalala  saakin na mahalaga ako, na kahit talikuran ako ng mundo nandyan pa rin siya. 

Mahal na mahal ko siya, dahil kahit kailan hindi niya ako sinukuan, kaya hindi niyo ko masisisi kung bakit ako nagkaganito, masakit para saakin na masilayang umuusad na ang lahat sa mga buhay nila habang ako, parang isang sirang plaka, na naiwan pa rin sa mundo na binuo namin.

Ang mga kaibigan ko na kahit kailanman hindi ako tinalikuran. Sila ang naging kakampi nung mga panahon kahit sarili kong mga magulang ay hindi ako kayang paniwalaan. Mga magulang ko na dapat nagsilbing lakas ko noong mga panahong gusto ko ng sumuko. Para sa katulad kong pinagdamutan ng pagmamahal mula noon, ang atensyon ay ang nagpapasaya saakin.

Ang mga kaibigan ko ang nagparamdam saakin na may pamilya ako, na kahit hindi ko maramdamang may tahanan akong mauuwian, pinakita nila saakin na bukas ang mga pinto ng tahanan nila para saakin, na hindi ako mag-iisa kahit kailan. Na may nagmamahal saakin sa mundong ito. K

Kaya naman para akong nadurog, nawasak noong masilayan ko kung gaano sila kasaya na wala ako. Noong mapagtanto ko na kaya nilang umusad kahit wala na ako sa buhay nila. Hindi  sapat ang kahit anong salita para maipaliwanag ko ang sakit na naramdaman ko. Parang tumigil ang mundo para saakin, dahil pakiramdam ko lahat ng mga salitang pinangako nila saakin ay inanod ng alon kasabay ng paglimot nila saakin.

Lahat ng saya at pananabik na makauwi sa kanilang muli ay nagbago. Muli akong niyakap ng lungkot at pag-iisa. Wala sila, wala sila nung mga panahong hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala sila doon para patawanin ako. Wala sila doon para sabihin saaking matatapos din ang sakit na 'to.

Nasaktan ako, nung nakita kong hindi nila ako hinanap. Nasaktan ako nung nakita kong masaya na sila nung wala ako. Naramdaman ko ulit ang pag-iisa. Naramdaman ko ulit na wala akong kakampi at kasangga. Hindi niyo alam kung gaano kasakit ang malamang wala ka ng parte sa buhay ng mga taong nangako sayong hindi ka ipagpapalit kahit kanino.

Kung gaano kasakit ang mapalitan at makalimutan. Para akong pinapatay ng katotohanang wala na akong babalikan.

Paano ako uuwi, kung ang mga tahanan na pinangakong mananatili bukas ang pinto para aking uwian, ay sa ibang tao na pala nakalaan?

Maniwala kayo na pinilit kong umintindi dahil doon ako nasanay, ang intindihin ang sitwasyon kahit gaano kahirap.  Kaya lang napagod akong panoorin sila na masaya, lalo na siya dahil ako dapat 'yon, pwesto ko 'yon.

Sila na lang ang meron ako kaya kahit mali ay sinugal ko. Alam kong mali, pero kahit ngayon lang gusto kong sarili ko naman ang piliin ko. Kasiyahan ko naman ang unahin ko. Pagod na akong palaging inuuna ang iba at sa dulo ako lang lagi ang natatalo.

Masakit para saaking makitang tuluyan na nila akong makalimutan. Masakit sa aking makitang pinalitan nila ako, gabi-gabi akong nagtatanong, ganon ba ako kadaling palitan?

Everything Is Just A LieWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu