Chapter 13: Jane

224 22 10
                                    

Chapter 13:  Jane

Jacob's Point of View

Nang makarating kami sa clinic, ginamot agad siya ni Nurse Shem. Tinanong pa ko nito habang ginagamot si Jane. Sinabi ko naman ang nangyari, ang sabi ni Nurse mas magandang ireport namin ito sa guidance pero ang sabi ni Jane ay okay lang naman, siguro ay napagtripan lang siya. Pinagmasdan ko na lang gamutin siya ni Nurse Shem habang malalim ang iniisip ko. Naiinis ako kay Kyrine kanina, at the same time natatawa. Napakasiraulo niya talaga kahit kailan. Napapikit na lang ako at napailing ng maalala ang ginawa niyang pagsapak dun sa lalaki.

Pagmulat ko ng mata ko ay nagtama ang mga tingin namin ni Jane, ngunit siya rin ang unang nag-iwas ng tingin. Naroon parin siya sa tabi ni Nurse Shem dahil di pa siya tapos gamutin.

Nalaman ko ang pangalan niya kani-kanina lang habang sabay kaming naglalakad. Nakwento niya rin na lumipat siya ng eskwelahan dahil nga nabubully rin siya doon. Gusto sana niya ng bagong atmosphere pero mukhang habulin talaga siya ng mga bullies.

Maganda si Jane kung titingnan mo itong maigi. Mag-ayos lang ng konti at alisin ang makakapal na salamin niya sobrang ganda niya na. Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinitingnan ko ang maamo niyang mukha. Para siyang anghel kung tutuusin. Gustong gusto ko ang mga mata niyang napakainosente, na para bang marami pa siyang dapat malaman sa mundo.

Natauhan lang ako sa pag-iisip ng biglang may kumalabit saakin at nakita ko siya sa harapan ko habang nahihiyang nakatingin saakin, hindi ko na namang maiwasang mapangiti.

" J-jacob salamat nga pala ulit. " nakangiting sambit nito sabay yuko.

" Welcome, wag ka na mahiya saakin. " nakangiting sagot ko dito at ginulo ang buhok niya. " Halika na? Punta na tayong canteen, nandoon yung mga kaibigan ko ipapakilala kita. " pagyaya ko dito. Ngumiti naman ako sa kaniya.

" Nako, nakakahiya naman.Wag na lang. " pagtanggi nito habang winawagay ang dalawa niyang mga kamay sensyales na tumatanggi siya.

" Okay lang mababait naman ang mga 'yon kaya halika na. " sambit ko dito at hinawakan na ang kamay niya. Pagkatapos ay hinila ko na ito para hindi na makatanggi pa.

" Saan ka nakatira ngayon? " tanong ko para naman mas makilala ko siya. May kung anong nagtutulak saakin na kilalanin ko ang taong 'to. Alam kong hindi lang siya basta dumating sa buhay namin accidentally, I know there is always a reason why people came into our life.

" Actually I'm living alone, I'm trying to be independent. Ayoko na kasing umasa sa mga kuya ko. " sambit nito habang diretsong nakatingin sa daan. Tumango-tango naman ako. Kahit ako gusto ko rin gawin 'yon but Dad never allow me to do that because he said that I should stay in our house and keep studying. Pag-aralan ko raw kung paano patatakbuhan ang lintik niyang business. Kailan ko kaya masasabi sa kanila na mas gusto ko ang maging artist?

" That's great, so ilan pala kuya mo? " tanong ko

" Dalawa, kaso patay na yung isa. " malungkot niyang sambit. Kaya naman napalingon ako sa kaniya. Nababasa ko sa mata niya ang lungkot at sakit at isang emosyong hindi ko makilala.

" Sorry. " sinserong paghingi ko ng paumanhin.

" Nako, okay lang ano ka ba. " sagot niya at ngumiti saakin. Nacurious naman ako kung anong kinamatay niya or kung pinatay ba ito.

Everything Is Just A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon