Chapter 55: Her Death

127 10 1
                                    

Chapter 55: Her Death
Shyrel's Point of View

Tahimim kong ipinarada ang kotse sa garahe nila Zhian. Agad ko itong binalingan at hinaplos ang kaniyang mukha. Nababasa ko sa mukha niya ang lungkot ang pagod at ang sakit na dinadanas niya.

Kung pwede ko lang sanang kunin ang lahat ng sakit na dinadanas niya. Ginawa ko na.

Sa ngayon ito lang ang kaya kong gawin sa kaniya, ang manatili sa tabi niya. Hinalikan ko ito sa noo at nakangiting pinagmasdan siya.

" Mahal na mahal kita Zhian . Mahal na mahal. " sambit ko matapos no'n ay sinabihan ko na ang mga kasama niya sa bahay na tulungan akong ihatid siya sa kwarto, pagkatapos ay umalis din agad ako.

Nag-comute na lang ako para makauwi sa bahay. Nang makarating ako don ay naabutan kong nasa garahe na ang motor ko. Pagkapasok ko ay bumungad saakin ang malakas na boses ni Mommy.

Ngayon pala ang uwi nila?

Nakapamulsa ko siyang hinarap. Niyakap naman ako nito , gumanti narin  ako.

" Ommo. Saan ka galing baby?" tanong nito saakin.

"Mahabang kwento Mom. " sambit ko at pilit na nginitian siya.

" Paikliin mo~ " masiglang sambit nito.

Umiling na lang ako " Pagod na ako Mom, gusto ko ng magpahinga. Nasaan po si Dad?" tanong ko dito.

"Ah ? Your Dad? Nagpaiwan siya dahil may mga inaayos pa siyang papeles don. " sagot ni Mom.

Tumango tango naman ako at sinipat ang orasan ko, alasais na pala ng gabi. Ang tagal din pala naming nasa hospital.

" Nakauwi na po ba si Lawrence? " tanong ko.

Tumango tango naman si Mom " Akyat na po ako Mom inaantok na ako. " sambit ko.

" Hindi ka man lang ba kakain baby?" tanong nito.

Umiling-iling ako " Hindi po ako nagugutom . Sige na Mom, goodnight " sambit ko at hinalikan siya sa noo..

Nang makapasok ako sa kwarto ay pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa kama at pumikit. Isang buwan na pala ang lumipas, simula ng dumating dito si Lawrence. Isang buwan din pala naming nakasama si Mae. Isang buwan din na pala nung maghiwalay kami ni Zhian. Isang buwan. Unti-unti akong nagmulat at seryosong tiningnan ang kisame.

Sa loob ng isang buwan maraming nangyari. Ang huling taon namin sa pagiging highschool ay para naging masyadong komplikado. Ang bilis ng panahon. Hindi ko namalayang isang buwan na ang lumipas . Pero mas kinagugulat ko don ay hindi ko sukat akalaing isang buwan pa lang ang lumilipas.

Pakiramdam ko kasi ay marami ng nangyari. Akala ko lima o tatlong buwan na ang lumipas pero hindi. Masyado lang siguro talagang nangyari sa buwan na 'to.

Ang pagsampal ko kay Kyrine.
Ang paghihiwalay namin ni Zhian.
Ang pagdating ni Lawrence.
Ang pagpapakilala ni Zhian kay Mae.
Ang death aniverssary ni Jasmin Kate.
Ang pagbabago ng ugali ni Jasmin.

Madami ni hindi ko na masabi ang iba. Sobrang dami pero puro sakit lang naman sa puso namin ang dala. Puro gulo lang naman sa isip namin ang ginawa.

Unti-unti ko kong pinkit muli ang mata ko at nakita ko doon si Zhian . Ang kalagayan niya kanina. Napakasakit niyang panoorin pero bakit ganon na lang kung umasta siya? Mahal niya na ba si Mae?

Nagseselos ba ako sa taong kamamatay lang?

Hindi naman masamang magselos pero mali 'tong nararamdaman ko bilang respeto kay Mae ay dapat hindi ako nag-iisip ng ganon. Umiling-iling ako pero kung tama man ang naisip ko. Napangiti ako ng mapait.

Mananatili parin ako sa tabi mo. Kahit hindi na ako ang mahal mo.

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now