Chapter 9: Pain in Memories

246 29 13
                                    

Chapter 9: Pain in Memories

Shyrel's Point of View

Tumakbo lang ako ng tumakbo basta ang alam ko lang gusto kong makalayo. Makalayo sa lugar na 'yon.
Ang sakit sobra, lahat ng sugat na pilit kong hinihilom para sa kanila, para sa kaniya. Dahil ayoko ng mahirapan siyang intindihin ako. Lahat ng sugat na 'yon, nagdugo ulit. Sumakit ulit, I can't explain the pain that I am feeling right now. Ang alam ko lang sobrang sakit ng lahat para saakin.

Si Zhian, siya na lang ang taong alam kong makakaintindi saakin. He is the only person who can make me feel different kind of happiness and also different kind og pain. Siya lang ang lalaking pipiliin ko at paulit-ulit kong pipiliin.

Napahagulhol ako lalo dahil sa sakit na nararamdaman ko. Napatigil ako sa lugar na madalas naming puntahan, ang malaking puno sa likod ng admin building. Napatawa ako ng maalala ko ang lahat ng meron saamin. Lahat ng masasayang alaala noon.

Sa puno na'to, inukit niya yung pangalan namin. Nanginginig ako lumapit doon at napatakip akong lalo sa bibig ko ng makita ko parin 'yon. Naalala ko na naman ang araw na 'yon.

Two years ago,
2nd year high school

" Teka Zhian, saan ba tayo pupunta? Baka hinahanap na tayo nila Kyrine. " sambit ko dito

" Hindi yannn! Tara na. " sambit niya at hinila ulit ako, napasimangot naman ako.

" Woi, bawal dito. Baka mahuli tayo ng principal. " pagpipigil ko dito.

" Hindi tayo mahuhuli kung bibilisan mo. " sambit niya at hinila ako at tumakbo ulit. Hingal na hingal naman ako ng makarating kami sa sinasabi niya. Napayuko pa ako at napahawak sa dalawang tuhod ko. Napatingin ako kung nasaan kami, nasa likod kami ng admin building at nasa harapan ng malaking puno.

" Oh anong meron dito? Ngayon ka lang ba nakakita ng puno? " inis na sambit ko

" Sira, tayo lang nakakaalam nito. Simula ngayon, dito na tayo tatambay, para masolo kita. " sambit niya saakin, tinarayan ko naman siya.

" Tuleg, lagot talaga tayo kay Kyrine. Tara na nga. " sambit ko, maglalakad na sana ako ng hilahin ako nito, dahil sa nanghihina na ang tuhod ko kaya naman na-out of balance ako. Natumba kaming pareho at nasa ibabaw niya ako, agad na namula ang pisngi ko.

"S-sorry, ano ba kasing ginagawa mo? " sambit ko at tatayo na sana ng pigilan niya ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at nilagay ako sa gilid niya. Nakatitig na siya ngayon saakin habang nakatagilid kaming pareho at nakaharap sa isa't isa. Hinawi niya ang buhok kong humaharang sa mukha ko at nilagay niya 'yon sa likod ng tenga ko.

Ayan na naman yung mga mata niyang sobrang ipakita saakin na mahal na mahal niya ko. Yung mga mata niyang nagsasabi na dito lang ako, na wag na wag akong aalis sa tabi niya kasi hindi niya kaya.

" Shyrel... " seryosong pagtawag nito saakin. " Gusto kita, gustong-gusto. " sambit nito habang diretsong nakatitig sa mga mata ko.

" Hindi ko alam pero gusto talaga kita . Sa tuwing may lalapit sayo, gusto ko silang saktan. Kulang na lang pakasalan kita para malaman nilang akin ka na. " dagdag nito, napangiti naman ako.

"  Wala naman akong pake sa kanila. As long as you like me Zhian, mananatili ako sayo. Ipaglalaban kita at hindi ko papansinin ang kahit sino. " sambit ko at hinaplos ang pisngi niya.

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now