Chapter 20: Nightmare

186 20 7
                                    

Chapter 20: Nightmare

Jasmin's Point of View

Nandito na naman ako. Sa parehong lugar at sitwasyon. Paulit-ulit na senaryo. Napatingin ako sa babaeng pilit na sumisigaw.

" Ayoko! Ayokong umalis dito! Sabi nila Mom at Dad susunod sila! Nasaan na sila? " umiiyak na tanong nito sa mga kasama niyang lalaki.

" Kailangan mo ng umalis. " sambit ng isang lalaki sa kaniya habang mariin ang hawak dito.

" Ayoko! Ayoko! " sigaw ng babaeng 'yon.

" Xiezns, kung hindi mo ito gagawin masasayang lahat ng isinakripisyo ng mga magulang mo! Naiintindihan mo ba ko? Ngayon sumakay ka na sa eroplano, papunta 'yon sa Pilipinas. Naipaliwanag ko na naman sayo lahat diba? Pagkatapos ay magcheck-in ka muna sa isang hotel at kinabukasan non ay nakaayos na ang flight mo papunta sa rest-house niyo. "  mahabang paliwanag nito sa babae. Malabo parin ang mga imahe nila at kahit paulit-ulit kong kusutin ang mata ko ay hindi ko sila makita. Hindi ko rin maitindihan ang mga pangalan nila.

" F****, hindi ko kaya. " nanghihinang sambit nito.

" Kakayanin mo. Kailangan mong kayanin. " sagot naman ng lalaki dito habang marahang hinihimas ang pisngi nito. Pinunasan nito ang mga luha ng babae gamit ang dalawa niyang hinlalake.

Natigilan sila ng tumunog ang cellphone ng lalaki.

" Ano?! Sige. " sambit nito sa kausap niya at pinatay ang tawag.

" Umalis ka na. Ako na ang bahala dito, pangako. " sambit nito at hinalikan sa noo ang babae.

Napabalikwas ako ng bangon at ramdam ko ang kakaibang kabang bumalot saaking katawan. Bukas ang aircon sa kwarto ngunit tagaktak ang pawis ko. Hindi ko maiwasang hawakan ang noo ko dahil pakiramdam ko ako ang taong 'yon dahil naramdaman ko ang mga halik na 'yon.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Bakit ang panaginip na 'yon ay natuloy?

Panaginip nga ba 'yon?

Nakakapagtaka ngunit pakiramdam ko totoong nangyari 'yon. Hindi ko alam kung bakit ko paulit-ulit napapanaginipan 'yon. Nung nakaraang buwan ay napanaginipan ko na rin yung babae at yung tatay niyang nag-uusap. Nakakapagtakang napanaginipan ko ulit 'yon at nasundan. Hindi ko maintindihan ang dapat kong maramdaman. Naguguluhan ako sa nangyayari. Saan galing ang mga luha, bakit ako nasasaktan?

Napatitig ako sa kawalan nang ilang minuto, bago ko naisipang tingnan ang oras mula sa maliit na orasan na nakapatong sa side table ko. Doon ko napagtanto na alas-nuebe na pala ng umaga at halos simula na ng ikatlong subject namin.

Nagpasya akong pumunta sa cr at doon ko tinitigan ang sarili ko. Malalim ang mga mata ko at tila namumugto ito. Hindi ko alam kung bakit ako umiyak kagabi. Ganon siguro talaga kapag sobrang gulo na ng lahat. Yung mag e-emotional breakdown ka na lang dahil hindi mo na maipaliwanag yung nararamdaman mo. Masyadong mixed emotion ang naramdaman ko kahapon. Naguguluhan, nasasaktan, nagtataka, naiinis, at nagsisimula ng magkaroon ng hinanakit.

Binuksan ko ang gripo at naghilamos ako bago pabagsak muling bumalik sa higaan ko. Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin, siguradong nagtataka sila kung bakit wala ako ngayon. Hindi ko naman sila matawagan o makausap dahil nasira nga ang phone ko. Mamaya ko pa ito ipapaalam kay Mom and Dad. Ayokong din namang pumasok ngayon dahil sa nangingibabaw na takot sa puso ko.

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now