Chapter 47

153 9 8
                                    

Chapter 47

Terrence's Point of View

M

araming nangyari sa loob ng ilang buwan, pakiramdam ko mabilis na lilipas ang taon na ito ng hindi ko napapansin. Sa sobrang daming nangyari halos makalimutan ko na ang relasyon namin ni Jasmin. Nakalimutan ko ng tanungin at alagaan siya katulad ng dati. Alam kong maraming gumugulo sa isip niya ngayon tungkol saamin, alam kong darating ang araw na malalaman niya rin ang totoo at sana, sana maintindihan niya kami.

Masyado kaming lahat na naapektuhan sa mga nangyari nitong nakaraan araw saamin. Yung kay Kyrine at Jacob. Pati narin ang kay Jamaica at Luke. Ang gulo-gulo ng nangyayari.

Bumalik si Alyssa na matagal na panahong nawala. Naglaho siya ng parang bula, bitbit ang galit namin lahat sa kaniya.

Sa paglipas ng panahon, binaon na namin sa limot ang lahat ng mapapait at masasakit na alaala na nangyari noon.

Pero bakit? Bakit kailangan mangyari to? Kung kailan maayos na ang lahat. Bakit pa bumalik si Alyssa, hindi ko talaga maintindihan.

Pilit kaming binabalikan ng nakaraan naming pilit na naming kinalimutan. Siguro dahil tinakbuhan namin ito at pilit tinakasan. Akala namin ayos na, pero patuloy parin pala kaming hinahabol nito hanggang sa kasalukuyan.

Nakakaloko. Nakakagago.

Pinapanood kong masayang kumakain ng fries at sundae si Jasmin. Napakacute nitong tignan na para bang bata na tuwang tuwa.

Ang sama ko, ang sama sama ko para sa kaniya.

Niyaya ko itong kumain sa labas matapos ang nangyaring sigawan saamin kahapon. Ngayong uwian ay niyaya ko ito para makabawi dito.

"Hoi! " panggugulat saakin nito, sinamaan ko naman siya ng tingin.

" Anong iniisip mo at nakatulala ka dyan? Alam ko namang maganda ako e, pero di mo naman kailangang ipahalata na gandang ganda ka saakin. " sambit nito at sinubo ang hawak niyang fries.

" Ang kapal mo, may dumi ka kasi sa mukha, parang bata kumain. " sambit ko dito.

" Weh? Saan banda? Baka niloloko mo ko ah, kutos ka saakin. " sambit nito

Sinimangutan ko naman siya. Kahit kailan talaga walang ka-sweetan 'tong si Jasmin puro pananakit alam.

Akala ko pa naman katulad na ng mga nasa movie na "May dumi ba ako sa mukha? " tapos sasagot ako "Wala naman ang sarap mo lang kasing pagmasdan"

Okay sana e, kaso di matino 'tong kasama ko. Nakakabwiset.

"Grabe ka, wala ka talagang ka-sweetan sa katawan puro pananakit alam mo. " inis na sambit ko at tinarayan ko 'to.

" Waowers pikon, sino ba babae saatin?  " tanong nito kaya mas lalo akong napataray. " Jusko, dinaig mo pa ang babaeng may regla sa kaartehan mo. " sambit nito at nagpatuloy sa pagkain.

Wala akong nagawa kundi sumuko at titigan na lang ulit ang mukha niya. Hindi ko alam pero kahit saang anggulo ko siya tingnan, maganda talaga siya. Napakaswerte ko sa taong 'to, naiisip niya rin kaya 'yon? Sa tingin niya kaya, swerte din siya saakin?

" Hoi! " sigaw nito at tinuro ako kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

" Aba't sobra sobra ka na ah! May bayad na yang pagtitig saakin. Aba mahal kaya 'tong mukha ko. " sambit nito pagkatapos ay pinitik ang noo ko.

Napatawa na lang ako at hinawakan ang kamay niyang nasa noo ko. " Masakit 'yon ah. Tsaka grabe ka naman, ako na nga nagbayad niyan tss. " sambit ko, binawi naman nito ang kamay ko at nakapamewang na hinarap ako.

" Aba sinusumbatan mo ba ako? Baka nakakalimutan mong ikaw ang nagyaya. " sambit nito, hindi ko naman maiwasang mapailing.

" Ang yaman mo na siguro no? " wala sa wisyong tanong

" Ha? Bakit? Pinagsasabi mo? " tanong nito ulit at tinaasan ako ng kilay.

" Kasi kung totoong may bayad ang pagtitig sayo, paniguradong kikita ka ng malaki, marami talaga ang tititig sayo dahil ang ganda mo. " banat ko dito

" Oh sa tingin mo? " tanong nito at bumalik sa pagkain, napasimangot naman ako.

Nakakainis minsan na nga lang kami magsama inuuna niya pa yung pagkain tapos wala man lang reaksyon sa mga banat ko. Bakit ko nga ba ulit naging girlfriend 'to?

Napakrus ako ng braso at inis na tumingin sa labas.

Imbis na kiligin siya puro pambabara inaabot ko. Nakakainis!

Ganito talaga siya pag ako ang kasama at masaya akong saakin lang siya ganito.

" Hoi shokoy? Galit ka? " tanong niya saakin pero di ko siya nilingon.

Shokoy talaga? Babe kaya 'yon! Kainis.

" Pst. Hoi! " pagtawag nito pero di ko parin siya nilingon.  Nakakainis bahala siya dyan.

" Terrence Lee Rodriguez, pag hindi ka lumingon iiwan talaga kita dito. " mariing tawag niya pero hindi ko siya nilingon.

Nagulat na lang ako ng tumayo ito kaya naman napatayo na rin ako.

" Hoi teka saan ka pupunta? " tanong ko dito habang hawak ang kamay niyang pinigilan ko.

" Sa wakas nilingon mo rin ako. Problema mo? " tanong nito saakin at umupo na ulit. Kaya umupo na rin ako sa tabi niya.

" Naiinis ako sayo. " sambit ko.

" Paano muna yung inis?  Tingen. " sambit nito, kaya naman mas lalo akong nainis.

" Ayan! Ayan yung nakakainis. Puro ka ganyan, palagi mo kong binabara! Bumabanat ako imbis na kiligin ka puro pambabara natatanggap ko sayo. Nakakainis talaga. " inis kong reklamo dito.

" Hoi babe, wag ka na magalit. Ikaw naman hindi ka mabiro. " sambit niya pero hindi ako nagsalita.

Tumabi ito saakin at niyakap ako.

" Bati na tayo please? " panunuyo nito saakin at dahil marupok ako ay napa-oo niya agad ako.

" Okay, kain na ulit. " sambit niya, kaya naman napasimangot ulit ako.

" Gusto mo ba? " tanong nito.

" Oo " sagot ko, umaasang magiging sweet siya at susubuan ako pero katulad ng dati pambabara lang ulit ang nakuha ko dito.

" Bili ka. "  sambit nito kaya wala akong nagawa kundi mapabuntong-hininga ng malalim at pakalmahin ang sarili ko.

" Biro lang, pikon ka na naman. "  sambit niya at sinubuan ako. Napailing na lang ako at hindi ko maiwasang mapangiti.

Nang matapos kaming kumain ay naglakad lakad kami. Nakaakbay ako sa kaniya habang ang braso niya ay nakapulupot saakin.

" Namiss ko 'to. Namiss kong gawin natin 'to. Yung tayong dalawa lang, yung masaya lang tayo. Namiss kita " sambit ko at niyakap siya ng mahigpit.

" Palagi mo naman akong miss, ewan ko ba sayo. Pakiramdam mo palagi akong mawawala sayo. " sambit nito

" Natatakot lang ako kasi hindi ko kakayanin. " sambit ko dito habang hinahaplos ang buhok niya.

" I love you, shokoy. " sambit nito, napangiti naman ako. Bibihira ko lang marinig sa kaniya ang salitang 'yon na seryoso siya. Madalas kasi pabiro niya kung sabihin saakin.

" I love you too. " sagot ko dito at binitawan siya at hinarap saakin

Dahan-dahan kong nilapit ang bibig ko sa tenga niya at bumulong.

" Babe kasi 'yon, hindi shokoy. " sambit ko at hinarap na ang mukha ko sa kaniya. Nagtama ang mga mata namin, konting agwat na lang ay maglalapat na ang mga labi namin at katulad ng dapat mangyari, tinanggal ko na ang agwat na namamagitan saamin at hinayaang maglapat ang mga labi namin sa gitna ng kadiliman kung saan ang buwan ang tanging saksi sa lahat.

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now