Chapter 12 : New Girl

223 23 11
                                    

Chapter 12 : New Girl

Jasmin's Point of View

Nandito kami ngayon sa loob ng habang hinihintay si ma'am. Namumutawi ang ingay sa paligid dahil sa kaniya-kaniyang opinyon sa mga gawa nila. May mga kabado dahil hindi pa nila nagagawa ang kanila. Katulad nitong si Luke na hindi mapakali dahil hanggang ngayon wala parin sila Kyrine, ewan ko ba kung nasaan na ang mga 'yon usually sila ang nauuna saamin dahil ayaw na ayaw ni Kyrine ang nalelate.

Biglang bumukas ang pinto kaya agad naman napatingin ang lahat doon. Pumasok si Kyrine at kasunod si Jamaica. Seryoso lang nagdire-diretsong pumasok si Jamaica na mukhang inaantok pa, napapailing namang sumunod papasok si Kyrine. Namutawi ulit ang ingay hanggang sa sumigaw si Gen na excuse muna daw sa Mayor. Tumayo naman si Ivan at lumapit don. Pinagmasdan ko lang itong makipag-usap sa tumawag sa kaniya. Hanggang sa matapos ito at dumiretso sa gitna.

" Tahimik muna guys, may announcement ako. " sigaw niya, nung una hindi pa nakinig ang mga 'to kalaunan ay sa tumahimik rin sila.

" May meeting daw si ma'am ngayon, kaya next week na lang daw yung presentation. May iniwan siyang activity, secretary pasulat. " sambit nito at marami namang natuwa.

" Yes! "

"Swerte natin! Wala pa naman tayong gawa dre. "

"Oo nga, dre. "

"Yehey jusko girls, kinabahan ako dun. "

Ilan sa nga bulungang narinig ko, hindi ko naman maiwasang mapailing. Tatlong subject pa ang lumipas at puro reporting at quizzes ang naganap kaya naman banggag ang mga classmate ko pagkatapos.

" Tara na nga kumain na tayo, nagutom ako dahil sa sunod-sunod na quizzes. "

Rinig kong pagyaya ni Jesna na classmate ko sa bestfriend niya.

" Jasmin ! " sigaw saakin ni Kyrine, hindi ko naman maiwasang magulat dahil doon.

" Ay anak ka ng palaka! " gulat na sigaw ko habang nakahawak sa dibdib ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin. " Bakit kailangan mong sumigaw? " inis na tanong ko dito.

" Kanina pa kasi kita tinatawag e. Mukhang lutang ka at malalim ang iniisip. " biglang seryosong sambit nito

Tinarayan ko naman ito bago sinagot. " Tsk, wala lang ako sa mood, sunod-sunod quizzes. Nakakapagod sa utak. "

" Magkakaron na ata yang girlfriend mo pre! " natatawang wika ni Jacob, sinamaan ko naman siya ng tingin.

" Bastuga ka Jacob! Kailangan pag-usapan 'yon? Babae ka? babae ka? " sambit ni Jamaica habang masamang nakatingin dito.

" Eto naman, seryoso masyado. Nagbibiro lang ako. " natatawang sagot ni. .

Suminghal na lang si Jamaica at niyaya na ako. Nauna na kaming maglakad sa kanila. Sa kanan ko si Jamaica sa kaliwa naman ay si Kyrine. Lumingon ako sa likod at nakita kong nahuhuli si Shyrel. Tumigil naman ako kaya napatingin sila saakin.

" Mauna na kayo. " utos ko sa mga ito at pumunta kay Shyrel, nakita ko ang paglingon nila saakin at ng makita nilang kay Shyrel ako pumunta, nginitian na lang nila ko. Napansin ko naman ang gulat ni Shyrel pero hindi niya 'yon pinahalata.

Everything Is Just A LieOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz