Chapter 2: Jacob

390 42 17
                                    

Chapter 2: Jacob

Kyrine's Point of View

Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatitig sa mga kaibigan kong nagbibiruan. Si Terrence at Jasmin na nagbabangayan, kahit kailan talaga ang dalawang 'to.

" Kailan mo ba ako mamahalin ng seryoso? " reklamo ni Terrence dito. " Ni I love you too kanina di mo sinabi saakin. " dagdag pa nito na parang bata habang nakanguso. " Akala ko ba magpapa—" hindi na nito natapos ang sasabihin niya, nang salpakan siya ni Jasmin ng tinapay sa bunganga. Dahilan para humagalpak kakatawa si Jacob, Jamaica at Luke na kanina pa nanonood sa kanila.

" Ang daldal mo, kumain ka na lang " napapataray na sambit ni Jasmin.

Napatingin naman ako sa parte nila Shyrel at Zhian na tahimik lang sa tabi.

Hindi ko naman maiwasang mapatitig kay Jacob na katabi ko ngayon. Tumatawa ito, pakiramdam ko gusto ko lang siyang titigan ng ganito. Kahit hindi niya ako kausapin. Ang paborito ko talaga pagdating sa kaniya ay ang makita siyang masaya. Gumagwapo kasi siya lalo, pakiramdam ko pag natawa siya tumitigil ang oras. Gustong gusto kong naririnig ang boses niya. Kahit nasa malayo lang ako. Kahit hindi ko siya maabot. Ganon siguro talaga kapag mahal mo ang tao. Gusto mo ang kabuuan niya. Tinitigan ko ang mukha niya. Napahawak ako sa puso ko habang nakatitig sa kaniya, ang pakiramdam na'to, ang pinakapaborito ko.

" Jacob," pagtawag ko dito, lumingon naman siya saakin. Ngumiti ito ngunit alam kong pilit 'yon. Ramdam ko ang pilit niyang pagtanggap sa kakulitan ko. Alam kong pinipilit niya lang pakisamahan ako para walang gulo. Pero nangako ako, na hinding hindi ko siya titigilan. Dahil si Jacob, si Jacob yung taong dahilan kung bakit palagi akong masaya. May kung ano sa kaniya na hindi ko maipaliwanag. Everytime I'm with him, I feel safe.

" Thank you. " out of nowhere I said those words to him. Pakiramdam ko, nakabuo kami ng sarili naming mundo sa maikling oras na ito.

" For what? " kunot noo nitong tanong. Umiling lang ako, because I really don't know why I said those words to him. I'm just happy that those words came out to my mouth.

" I'm happy, so thank you. " wika ko, ngumiti naman siya at ginulo ang buhok.

" Welcome, para sayo at sa iba nating kaibigan. " sambit nito at bumalik na sa pakikipagkulitan sa iba naming kasama.

Masayang natapos ang araw naming lahat lalo na ako, syempre nakasama ko lang naman ang Jacob ko.

Naalala ko pa lahat kung paano ko siya nakilala. Ang kasama niya noon ay si Luke. Seven years old, I'm just seven years old when I felt this kind of feelings for him at habang mas tumatagal na kasama ko siya, mas lumalim ang nararamdaman ko. And I'm scared that I might drown in pain kung sakaling makahanap siya ng taong mamahalin niya at hindi ako 'yon. But still I'm hoping that soon, marerealize niya rin na gusto niya ko kahit napakaimposimble ng bagay na 'yon.

Maaga akong nagising at napangiti ako ng bumungad agad saakin ang mga picture ni Jacob na nakadikit sa dingding ng kwarto ko. Tinitigan ko ang mga ito ng maigi. I know someday I need to delete this feelings kapag wala na talaga akong pag-asa. Pero hindi ko pa kaya sa ngayon, mahal na mahal ko si Jacob kahit na alam kong ayaw niya saakin, pinipilit ko. Ipipilit ko pero alam ko, na mapapagod din akong lumaban. At sana kapag dumating ang araw na 'yon, siya naman ang ipaglalaban ako. Sana...

Everything Is Just A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon