Chapter 27 : Date

156 12 4
                                    

Chapter 27 : Date

Jasmin's Point of View

Mabilis na lumipas ang oras at ng matapos ang klase ay agad kaming nagpaalam sa kanila. Pumunta muna ako kay sir Daryl para humingi ng tawad dito. Napatingin ako sa cellphone ko, malolowbat na 'to. Napabuntong-hininga. Naglakad na kami ni Terrence papunta sa faculty.

" Sandali lang ako, dito ka muna. " sambit ko kay Terrence, tumango naman ito.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng faculty at binuksan 'yon. Bumuntong-hininga muna ako bago pumasok ng tuluyan.

" Good Afternoon po. " pagbati ko sa mga ito, sabay-sabay naman silang napalingon saakin. Nginitian ko naman silang lahat don.

" Sir pwede po ba tayong mag-usap? " tanong ko, pinalapit niya naman ako at tinuro ang upuan na nasa harap ng mesa niya.

Umupo naman ako don at hinintay na sermunan niya ulit ako pero wala akong narinig mula sa kaniya.

" Anong sasabihin mo Mendoza? " tanong nito habang nakaharap sa mga papel na nasa mesa niya. Inaayos niya na 'yon dahil uwian na.

" Gusto ko lang po sanang humingi ng sorry sa inasta ko sir nung nakaraan. Madami lang po talagang nangyari non. Hindi ko po talaga sinasadya, you can punish me if you want. I'll do everything, mapatawad niyo lang po ako. " sambit ko

" It's okay now Mendoza, na-explain na saakin ni Terrence ang lahat. Magpatingin ka na rin sa doctor kung palaging nasakit ang ulo mo okay? Isa ka sa mga best students ko, alam ko na may reasons ang lahat ng actions mo. Masaya ako na humingi ka parin ng tawad saakin ng harapan. " sambit niya at ngumiti. Sandali niyang tinigil ang ginagawa niya at tumingin na saakin ng diretso.

" Talaga po? Pinapatawad niyo po ako? " tanong ko, kinuha nito ang kamay ko na nasa mesa niya at nginitian ako.

" Yes, ofcourse. Tao ka lang naman iha, nagkakamali. Atleast natututo ka sa pagkakamali mo. Kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon? Alam kong malalagpasan mo rin yan. " nakangiting sambit nito, pinatong ko naman ang isa kong kamay sa kamay niya.

" Thank you sir. " pagpapasalamat ko.

Nakangiti akong lumabas sa faculty at nakita ko don ang naghihintay na si Terrence. Gusto ko sanang magpasalamat sa kaniya pero naisip kong mamaya ko na lang gawin 'yon. Tahimik kaming nagtungo sa kotse niya. Hindi naman palaging pinapayagan si Terrence na siya lang ang nagdadrive ng kotse niya dahil bata pa nga siya pero mapilit talaga siya. Mabuti na lang at hindi pa siya nahuhuli. Hindi naman kasi siya ganoon kagala. Bibihira lang siyang umalis sa bahay nila. Tahimik ang naging byahe namin, napansin ko rin ang kanina pang paglingon saakin ni Kuya Jet ang driver nila Terrence, ang kwento saakin ni Terrence, anak si Kuya Jet ng dating driver nila, kaso matanda na yung dati nilang driver ngayon kaya siya na lang ang kinuha para makapagtrabaho sa kanila, dahil malaki rin ang tiwala nila sa tatay nito.

Dinala ako ni Terrence sa paborito naming restaurant, nagpaalam na siya kay Kuya Jet at sinabing tatawag na lang kapag magpapasundo na kami. Tahimik kaming pumasok sa restaurant at umorder. Walang gustong bumasag na katahimikan saamin hanggang sa dumating ang pagkain. Tahimik lang din kaming kumain, ni-hindi ko rin naman magalaw ang pagkain ko dahil wala akong gana. Natigilan ako ng hawakan ni Terrence ang kamay ko kaya napalingon ako sa kaniya. Ayan na naman yung mga mata niyang malungkot.

Everything Is Just A LieWo Geschichten leben. Entdecke jetzt