Chapter 3 : What happen?

320 39 17
                                    

Chapter 3: What happen?

Jamaica's Point of View

Hindi ko maiwasang pagmasdan ang kapatid ko na nasa unahan namin. Dire-diretso itong naglalakad na para bang malalim ang iniisip. Kilala ko siya, alam kong mahina siya pagdating kay Jacob. Alam kong hindi siya okay, nararamdaman kong nasasaktan siya pero hindi niya 'yon pinapakita.

Ano ba talagang nangyari? Dahil ang alam ko lang iniwan ko siyang nasa maayos na kalagayan. Tapos madadatnan ko siyang gulo-gulo ang buhok at nakikipag-away?

Hindi mababaw na tao ang kapatid ko, alam kong lumalaban siya kapag alam niyang hindi na tama.

Masayahin siyang tao pero madali siyang masaktan lalo na pagdating sa mga taong mahal niya. Sobra siyang magpahalaga, mas inuuna niya ang iba kaysa sa sarili niya. That's why I promise to her that no matter what happen, I will always be there for her. Poprotektahan ko siya hangga't kaya ko. I hate Jacob for hurting her, pero wala akong magagawa. Mahal siya ng kapatid ko, at mahal ko naman ang kapatid ko.

Kaya kahit ayoko na ipagpatuloy pa ni Kyrine ang pangungulit at pamimilit niya sa nararamdaman niya kay Jacob, hindi ko siya pinigilan. Dahil nakikita ko kung gaano siya kasaya kay Jacob. Kung gaano niya napapasaya ang kapatid ko.

Pinagmasdan kong mabuti ang kabuuan nito, napatingin ako sa likod niya habang naglalakad sa unahan ko. Bagsak ang mga balikat niya at gulo gulo ang buhok, pero para bang wala siyang pakealam sa kung anong itsura niya.

Hindi ko maiwasang mainis kay Jacob dahil di niya man lang naisip ang mararamdaman ng kapatid ko.

Hindi niya man lang ito hinayaang magpaliwanag kahit hindi bilang taong may gusto sa kaniya, kundi bilang kaibigan niya. Hindi niya man lang inalam ang buong istorya bago siya nanghusga. Naiinis ako kasi wala akong magawa kundi pagmasdan siya ngayon sa gan'yang kalagayan.

" Ayos ka lang? " hindi ko naman maiwasang lingunin ang taong nagtanong saakin. I gave him a small smile to assure him that I am fine. But no, I'm not really fine, naguguluhan ako. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko.

" Sure ka? " tanong ulit nito.
Tumango lang ulit ako at ibinalik ang tingin ko kay Kyrine. Malungkot ko itong pinagmasdan.

" So ano? Payag ka na ba? " bumalik ulit ang tingin ko sa taong kasabay kong maglakad dahil sa tanong niyang 'yon.

"Really? Itatanong mo ulit saakin yan? After what Mitch did to my sister? " seryosong sambit ko, natigilan naman ito sa sinabi ko.

Tinitigan ko ang gulat nitong mukha. Si Luke kung ididiscribe ko siya, matangos ang ilong, mapula ang labi at magaganda ang mga mata. Ngunit hindi nga lang ito nakikita ng iba dahil ang nakikita nila ay ang malaking salaming nakasuot sa kaniya. Ang mga salaming naghaharang sa mga mata niyang magaganda. Kung tutuusin ang mga mata niya ang paborito ko sa lahat, pakiramdam ko pag nakatingin ito saakin ng diretso, lahat ng bagay at tao naglalaho. Pakiramdam ko, ako lang ang taong nakikita niya. Pakiramdam ko tumitigil ang mundo.

Pero ang mga salita niya ang nagpapagising saakin sa mga pantasya ko. Palagi akong ginigising sa panaginip ng katotohanang si Mitch ang gusto niya at hindi ako.

" Pero baka naman kasalanan ng kapatid mo, and we really don't know what happen right? Wag mo namang isisi ang lahat kay Mitch. " parang nagpantig ang mga tenga ko dahil sa sinabi niya.

What? Sinisi niya pa ang kapatid ko?

" Seryoso ka ba? Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo Luke? Sinisi mo ba si Kyrine na kaibigan mo? Mas pinipili mong paniwalaan si Mitch kaysa sa matagal mo ng kaibigan? Are you kidding? Kasi hindi ka nakakatuwa. " seryoso kong sambit at nauna ng maglakad sa kaniya.

Everything Is Just A LieTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang