Chapter 58

141 11 3
                                    

Chapter 58



Shyrel's Point of View




Isang linggo ang lumipas simula nang mailibing si Mae. Bumalik na ang lahat sa normal maliban kay Zhian. Hindi na ito masyadong kumikibo ngayon, katulad ko ay madalas na rin siyang seryoso.

Pain can really change someone

Nag-aalala ako sa kaniya pero tanging magagawa ko lang para sa kaniya ay manatili sa tabi niya at intindihin siya kahit gaano kahirap, alam kong kailangan niya ako kahit hindi niya man sabihin.

Gano'n naman daw talaga kapag mahal mo, iintindihin mo kahit gaano kahirap. Ginagawa ko rin 'to dahil ito ang gusto ni Mae. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin pero hangga't kaya ko pa, hindi ako susuko.

Umayos ko ang pagkakaupo ko ng dumating ang nauna naming guro. Tulala lang sa kawalan si Zhian kaya naman napapabuntong-hininga na lang akong tinuon ang atensyon ko sa gurong nagsasalita sa unahan ngayon.









Kyrine's Point of View





Nag-aalala pa rin kaming lahat kay Zhian. Alam namin sa aming lahat siya ang pinaka-naapektuhan kaya naman naiintindihan ko siya. Hindi na ako sumabay kumain sa kanila dahil napag-isipan kong maglakad-lakad sa campus at dumiretso sa paborito kong lugar.

Dahan-dahan akong umupo sa damuhan. Pinagmasdan ko ang maaliwalas na kalangitan. Hindi gaanong mainit sa parteng ito dahil malapit ito sa lilim ng puno. Pinagmasdan ko rin ang paggalaw ng mga dahon sa puno na dulot ng hangin.

Minsan naiisip kong mas mabuting mag-isa kaysa ang makisalamuha sa mga tao, dahil kapag mag-isa tayo ay mas nagiging totoo tayo sa sarili natin.

We stop pretending for a moment.

Mas gusto ko yung ganito, yung hindi ko kailangan problemahin kung iiyak ba ako dahil walang makakakita saakin. Mas gusto yung mag-isa ako dahil doon ako nagiging totoo sa sarili ko.

Kapag mag-isa ako, doon lang ako nagkakaroon ng pagkakataon na maging mahina.

Nagulat ako ng may umakbay saakin. Kaya napaiwas agad ako at nilingon ito, ngunit nang mapagtanto kong si Lawrence ito ay nakatanggap ito ng taray saakin.

" Ikaw na naman? At sinong may sabing pwede mo kong akbayan? " mataray na tanong ko dito at tinaasan pa siya ng kila.

" Sungit mo naman saakin, pag si Jac— " hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya, binatukan ko na agad 'to. Tumawa naman siya, sinamaan ko naman siya ng tingin.

" Wow, Lawrence ah! Tigilan mo ko pumunta ako dito dahil gusto ko nga iwasan.  " mataray na sambit ko.

" Ikaw naman kasi e! Parang meron ka kung makapagsungit ka sa akin. Hindi mo na ba ako mahal? " sambit nito, pinanlakihan ko naman siya ng mata.

" Hindi naman talaga kita mahal. " biro ko dito, natahimik ito saglit. Mga ilang segundo lang ay nahimas-himasan ito at umarteng nasasaktan. Tumawa naman ako kasi ang panget niya umarte.

" Ang arte mo naman. Sus, siguro crush mo talaga ako no? " pang-aasar ko dito, pinitika niya naman ang noo ko.

" Assumera ka masyado. " natatawang sambit nito saakin. Napanguso na lang ako at tinarayan ito.

" Akala mo naman ang gwapo mo. Hindi kita type no! " sigaw niya saakin, napatawa naman kaming dalawa.

Tumahimik ulit ang paligid, nilingon ko na lang ulit ang kalangitian. "Ang ganda ng langit no? Ang sarap pagmasdan. " sambit ko habang nakatingin don.

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now