Chapter 24

163 12 3
                                    

Chapter 24

Shyrel's Point Of View

Napalingon ako kay Lawrence ng bigla itong tumayo pagkatapos umalis ni Kyrine. Ngumiti siya saamin bago nagsalita.

" Mauna na ako ah, marami pa kasi akong gagawin. Kita na lang tayo maya Shy, sabay tayo. " sambit niya saakin at ginulo ang buhok ko. Tumalikod ito saamin at nakakunot noo ko itong pinagmasdang makalayo.

Anong problema niya?

Napalingon naman ako kay Jacob ng ito naman ang tumayo. Ginulo niya ang buhok ni Jane at ngumiti dito bago nagsalita.

" Jane, sabay ka na sa kanila pabalik ah. May pupuntahan lang ako. Guys, alis muna ko. " sambit nito at tumalikod na.

" Anong problema ng mga tao ngayon? " nagtatakang tanong ni Jamaica at tumingin saakin para humingi ng sagot. Nagkibit-balikat lang ako dahil hindi ko rin alam ang sagot.

" Tara na nga, " pagyaya ni Luke saamin, tumayo na kami at naglakad pabalik sa room. Napatingin ako sa isang lugar ng mapansin ko si Jacob na nagmamadali at may dalang pagkain.

Para kanino 'yon?

Nagtataka kong tanong sa sarili ko. Tahimik kaming nakarating ng room at nagkaniya-kaniya ng upo. May twenty  minutes pa kami bago magsimula ulit ang klase. Paglipas ng dalawampung minuto ay nalaman namin na malelate si ma'am dahil may mga inaasikaso pa daw itong mahalaga.

Isinalpak ko na lang ang earphone ko sa tenga ko at dumukdok sa desk ko katulad ng madalas kong gawin. Napatingin naman ako sa phone ko ng tumunog ito. Inis ko iyong tiningnan, panira ang ganda-ganda ng kanta. Hindi maiwasang mapataas ang kilay ko sa nabasa kong text ni Lawrence.

Lawrence
09*********

Shy pasuyo naman, bili ka pagkain tapos pagdating ni Kyrine diyan tsaka mo ibigay. Bayaran ko na lang sa bahay.

Bumuntong-hininga na lang ako bago lumapit kay Jamaica para magpasama.

" Gutom ka parin? " tanong nito saakin habang naglalakad kami papuntang canteen.

" Hindi, pinabibili lang. " sagot ko, tumango na lang siya.

Ano bang trip ng lalaking 'yon?


Jasmin's Point of View

Natapos ang araw kahapon ng wala akong ibang ginawa kundi magpagulong-gulong sa kama at mag-isip hanggang sa mapagod ako at makatulog. Maaga akong nagising para makasabay kumain sila Mom at Dad at para masabi ko na rin na kailangan ko ng bagong phone dahil nasira yung isa. Sa mga ganitong bagay naman ay hindi nila ako pinapakialaman.

Naabutan kong tahimik silang kumakain katulad ng madalas nilang gawin. Tutok sila sa kanila mga laptop habang marahang nginunguya ang mga sinusubo nilang pagkain. Ni hindi man lang nila ako pinagtuunan ng pansin. Minsan pakiramdam ko hangin lang ako sa kanila, ni hindi na nga sila nauwi rito. Si mommy madalas magpalipas ng gabi sa opisina niya, si dad naman ay sa bahay ng mga kaibigan niya. Nasanay akong mag-isa magmula ng tumungtong ako sa bahay na 'to. Ni hindi ko naramdamang masaya sila na bumalik ako.

" Good Morning. " mahina kong pagbati at umupo na katapat ni Mom. Tinanguan lang nila ako at nagpatuloy na sa kanilang mga ginagawa. Tahimik lang akong kumain, muntik ko pang makalimutan yung tungkol sa cellphone.

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now