Chapter 7 : Reasons

266 29 18
  • इन्हें समर्पित: sunset_ink
                                    

Chapter 7: Reasons

Shyrel's Point of View

Walang emosyon kong pinagmasdan ang mga litrato namin ni Zhian sa cellphone ko. I don't really know what happen, why things turns like this ? I didn't expect, I'm not ready.

Hindi ko napaghandaan yung araw na 'to. Yung araw na susukuan niya ang lahat saamin. Gusto kong malaman ang mga rason kung bakit. Kasi ang gulo-gulo na ng lahat para saakin.

Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang nangyari nung araw na sinampal ko si Kyrine, ang nangyari matapos 'yon. Yung mga sinabi niya, tumatak saakin. Para bang dinagdagan nito yung sugat sa puso ko at yung mga dating sugat ay muling bumuka at nagdugo. Naalala ko naman ang nangyari.

The day she slap Kyrine

Pagkatapos kong sampalin si Kyrine at sabihin ang masasakit na salitang 'yon. Nagwalkout ako, dahil sa inis sa kaniya. Hindi ba siya napapagod na ipilit ang sarili niya sa taong hindi naman siya gusto? She looks desperate and I hate to see her like that.

I stop walking when someone grab my wrist. I knew it's Zhian, hindi ako pwedeng magkamali. Presensiya niya palang ay bumibilis na ang tibok ng puso ko.

" Shyrel bakit mo naman ginawa yon? " tanong niya habang nakakunot noong diretsong nakatingin saakin. Nag-iwas naman ako ng tingin, dahil hindi ko kayang titigan ang mga mata niya, nahihilo ako sa tuwing susubukan ko. Dahil ang dami-daming gustong sabihin ng mga mata niya pero hindi naman 'yon ang lumalabas sa bibig niya.

" Wala. " maikling sagot ko dito habang nag-iiwas ng tingin.

" Shyrel? Ano ba talagang nangyayari sayo? You're being too insensitive, alam mong mahina si Kyrine, pero ginawa mo parin 'yon! Ano ba sa tingin mo 'yang ginagawa mo!? " galit na sigaw niya saakin. Nagugulat ko naman siyang tiningnan. " Bakit pakiramdam ko hindi na kita kilala. Shyrel ikaw pa ba yan? Nasaan na yung babaeng gusto ko non?  " malungkot na tanong nito saakin.

Seryoso akong tumingin sa kawalan. Suddenly I felt something strange, it feels like I'm longing for someone's presence at hindi ko mapigilan ang sarili kong maramdaman ang kakaibang sakit na 'yon ulit. Yung sakit na gumuguhit. Simula ng mangyari yon, ang pangyayaring 'yon ang nagpabago sa kabuuang ako.

" People change, pain changes people. " maikling sagot ko sa kaniya habang nakatingin sa kawalan.

"Shyrel, I think you need to find yourself first. Masyado ka ng nawawala. Nagpapalamon ka parin kasi sa nakaraan, bakit hindi mo kami gayahin? Unti-unti na naming natatanggap ang lahat, bakit hindi mo subukan? " sambit nito saakin, nilingon ko naman siya at diretsong tiningnan sa mga mata. Nakita ko doon ang pag-aalala at awa na nararamdaman niya saakin. Wala na don yung kakaibang pakiramdam. Yung pakiramdam na kapag tinitingnan niya ko, sinasabi ng mga mata niya kung gaano niya ko kamahal.

Pero ngayon, wala akong makitang bakas ng pagmamahal sa kung paano niya ko tingnan ngayon. Awa ang nangingibabaw sa lahat at ayoko 'yon. Nag-iwas ako ng tingin at mariing naikuyom ang kamao ko.

" Kung para sa inyo madali lang ang lahat, saakin hindi. Magkakaiba tayo Zhian, pare-pareho tayo ng pinagdaanan pero hindi tayo pare-pareho ng nararamdaman. " sambit ko dito.

" L-let's break up. " dahilan para lingunin ko ulit ito, pero pilit niyang iniiwasan ang mga tingin ko, sinubukan kong hulihin ang mga tingin niya, pero nabigo ako dahil tumalikod na saakin 'to.

" Ano bang sinasabi mo? " tanong ko, gusto ko siyang hawakan at iharap saakin. Gusto ko sabihin niya mismo ng nakatingin sa mga mata ko ang mga dahilan. I need his f*cking reason to keep going. Mas gugulo lang ang lahat kapag hindi niya ko binigyan ng sapat na dahilan.

Everything Is Just A Lieजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें