Chapter 22: Buwan

174 16 6
                                    

Chapter 22: Buwan

Terrence's Point of View

Wala sa sarili akong napaupo habang pinagmamasdan maglakad palabas ng room si Jasmin. Pakiramdam ko unti-unti na siyang nawawala saakin at hindi ko maintindihan ang takot na bumabagabag sa puso ko.

Napariin ang hawak ko sa picture na ipinakita saamin ni Jasmin kanina.

Sino? Sino ang nagbigay sa kaniya ng bagay 'to?

" Terrence, ano ng gagawin natin? " tanong saakin ni Kyrine pero umiling lang ako. Hindi ko alam, hindi ko na alam kung ano pang dapat naming gawin o kung may dapat pa nga ba kaming gawin. 

" Kung sabihin na lang natin sa kaniya yung totoo? Kahit naman ano pang tago natin, malalaman din niya. " sambit ni Jacob kaya naman hindi ko maiwasang ihampas ang kamay ko sa lamesa. Naiinis ako kasi tama siya, naiinis ako kasi hindi pa ako handa.

" Hindi! " sigaw ko, hindi pa 'to ang tamang panahon pero kailan nga ba magkakaroon ng tamang pagkakataon ang isang maling desisyon?

" Bakit Terrence, may naiisip ka pa bang ibang paraan? " mariing sambit ni Zhian kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

" Answer me. " dagdag pa niya pero nanatili lang ang masama kong tingin sa kaniya. " From the very start Terrence, ikaw lang ng ikaw ang nagdedesisyon para saating lahat. Masyado kang makasarili. You didn't even give us a chance to say anything about your decisions. Now tell us what we should do? " mahabang sambit nito.

" Diba? Wala ka ring masabi dahil kahit ikaw hindi mo inaasahan ng mangyayari 'to. Akala mo kasi kontrolado mo palagi ang lahat. " sambit niya pa, hindi ko alam pero nagdilim ang paningin ko at kinwelyuhan ko siya. Agad namang lumapit saakin sila Kyrine, Jamaica at Luke. Sa tabi naman ni Zhian ay si Jacob at Shyrel.

" Nagagalit ka sa sinabi ko kasi totoo. Palagi ka kasing nagdedesisyon ng nagdedesisyon para saatin. Ni ayaw mo ngang pakinggan ang mga gusto naming sabihin. " sambit niya, mas diniinan ko pa ang kapit ko sa kwelyo nito.

" Manahimik ka Zhian, wala kang naitutulong. Ginagawa ko ang lahat para sa pagkakaibigang ito. Pinipilit kong isalba kung anong meron tayo kahit alam kong matagal na 'tong sira. " sagot ko sa kaniya.

" Ikaw? May naitulong ka ba? Wala naman diba? Nagdagdag ka lang ng problema, nanakit ka pa. " dagdag ko, galit akong tiningnan nito at kinwelyuhan din ako. Mas naramdaman ko ang tensyon sa pagitan namin dahil don.

" Tama na! Ano bang ginagawa niyong dalawa? " sigaw ni Jamaica pero hindi namin ito pinansin.

" Sabi ko tama na! Terrence bumitaw ka na! Ikaw din Zhian! Hindi kayo nakakatulong pareho! " sigaw niya ulit pero parang hindi namin 'yon narinig.

" Ayaw niyong tumigil ah! " sigaw ni Kyrine kaya naman napalingon kami sa kaniya. Buhat-buhat niya ang isa naming lamesa at sabay kaming napabitaw ni Zhian ng ibato ito ni Kyrine saamin. Napaupo kaming dalawa sa sahig ganon din sila Jamaica na umaawat saamin.

Nanlalaki mata kong tiningnan si Kyrine, galit itong nakatingin saamin. Napatingin ako sa lamesa, mabuti na lang at hindi 'yon ganoong nasira pero alam kong may damage parin 'yon.

Galit siyang lumapit saamin, hindi parin ako makapaniwala sa ginawa niya.

" Ano ba sa tingin niyong ginagawa niyo? Pareho kayong nagmumukhang gago. Sa tingin niyo may magbabago kung magpapatayan kayo? Sa tingin niyo maibabalik non sa dati ang lahat? Alam mo ang problema sa inyong dalawa? Pareho kayong makasarili. Kung talaga gusto niyong ingatan 'tong pagkakaibigan na 'to, wag niyong gamitin ang pagkakamali ng isa't isa para lang masabing mabuti kayong kaibigan, na nagawa niyo yung dapat na gawin ng isang kaibigan. Sa halip tulungan niyo yung isa't isa. Bakasaling may mangyari pang maganda. " mahabang sambit nito saamin. Napatingin naman ako kay Zhian at napatingin din siya saakin. Napabuntong-hininga ako at tumayo na. Inabot ko ang kamay ko kay Zhian at inabot niya naman 'yon. Bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita. Inalis ko muna ang kakaibang bigat na nararamdaman ko kanina.

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now