Chapter 45

167 12 6
                                    

Chapter 45

Jacob's Point of View


Napaiwas ako ng tingin ng lingunin ako ni Kyrine na nasa likuran namin. Ewan ko pero nainis ako ng akbayan siya ni Lawrence. Kailan pa sila naging close? tss.

Hindi ko alam kung saan lumilipad ang isip ko, napabalik lang ako sa wisyo ng marinig  ko ang buntong-hininga ng katabi ko. Doon ko lang naalalang kasabay ko pa lang maglakad si Jane. Napatampal ako sa noo, ang gago ng inasta ko. Iniisip ko ang ibang tao habang nasa tabi ko ang dapat inuuna ko.
Napabuntong-hininga na lang ako sa nagawa ko.

Tsk. Bakit ko ba nakalimutan si Jane.
Siraulo ka Jacob!

"Ah, Jane ayos ka lang ? " tanong ko dito at nagkamot ng ulo.

Tumingin naman ito saakin at ngumiti ng pilit at tumango. Alam kong hindi siya okay dahil sa inasta ko. Ang bobo ko talaga, nakonsyensya tuloy ako.

Si Jane ang pagtuunan mo ng pansin Jacob, siya ang nililigawan mo okay?

Kailangan kong bumawi dito.
Nakangiti ko itong inakbayan at inayos ang buhok nito.

"Sorry lutang ako kanina pa, by the way anong gusto mong kainin baby? " nakangiting tanong ko dito, mukhang umubra naman ang callsign na ginamit ko dito.

Agad naman itong pinamulahan. " A-ano ba, w-wag mo nga akong tawagin ng ganyan, baka may makarinig sayo? T-tsaka alisin mo nga yan. " sambit nito habang tinutulak ako. Natatawa ko naman itong tiningnan. Namumula itong nagbaba ng tingin.

" Wag ka agad kiligin baby, nililigawan pa lang kita, paano pa kaya pag tayo na? Ano ng gagawin mo.  " natatawang sambit ko at ginulo ang buhok nito.

Unti unti naman siyang nag-angat ng tingin at pagtama ng tingin niya saakin ay kinindatan ko siya at nakangiting tumingin na sa daan. Pero natigilan ng magtama ang paningin namin ni Kyrine. Doon ko lang napansing kanina pa pala kami na sa harap ng cafeteria at hinihintay na lang nila kami. Nakatanggal na ang earphone niya sa tenga at diretso lang kami nitong pinagmamasdan. Nakita ko din ang pagtingin saamin ng iba naming kasamahan.

Hindi ko alam kung narinig nila ang sinabi kong nililigawan ko na si Jane.
Nagbaba naman ako ng tingin. Muling nanumbalik saakin ang pakiramdam ko kanina bago ko kausapin si Jane.

Naunang tumalikod si Kyrine saamin at dumiretso na papasok sa cafeteria kaya ganon na rin ang ginawa ng iba.

" Tara na lovebirds gutom na ako aba! Nakakagutom sweetness niyo. "  Sambit ni Luke at sumunod na rin sa kanila.

Napapabuntong-hininga na lang kaming sumunod sa kanila matapos nilang pumasok. Natanaw agad ng mata ko si Zhian na nakapwesto sa palagi naming upuan. Tahimik na iniinom ang ice coffee na hawak nito.

Tahimik kaming umupo sa tabi nito, hindi man lang kami tiningnan nito patuloy pa rin ang pagkalikot nito sa cellphone niya.

" Ako na ang bibili ng pagkain natin babe. " sambit ni Terrence kay Jasmin, ngumiti naman ito bago tumango.

" Ako na ang saatin Kyrine at Shyrel. " sambit naman ni Jamaica pero tumanggi si Kyrine. Tumingin ito kay Lawrence, tumango naman ito kay Lawrence.

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now