Chapter 39: Spoken Word Poetry

189 12 8
                                    

Chapter 39: Spoken Word Poetry

Jamaica's Point of View

Naupo na lang ako sa hagdan sa building namin habang inip na inip na hinihintay si Luke. Ilang beses akong napatingin sa relo at mas lalo lang akong naiinis dahil sobrang tagal na niya.

Ang tagal naman ng kupal na yon.

Naiinis kong reklamo sa isip ko. Paniguradong malelate na naman kami, ayokong mag-squat ulit. Bahala siya dyan mag-isa. Ang sakit sa katawan non.

Jusko ayoko ng maulit yon. Iniisip ko pa lang, nahihirapan na ako.

Tumayo ako at nagdesisyong mauna na kay Luke. Pinagpag ko ang pwetan ko at muling tinanaw ang paligid. Mawawalan na sana ako ng pag-asang darating pa siya ngunit tumigil ang tingin ko mismo sa isang lalaking pamilyar ang itsura para saakin. Papalapit ito sa pwesto ko, pinilit kong kusutin ang mata ko dahil baka niloloko lang ako nito pero hindi. Totoo ba talaga 'to pero bakit?

" L-luke? " nauutal kong tawag dito, dahil naninigurado lang ako kung si Luke nga ang kaharap ko. Tinitigan ko ito mula ulo hanggang paa. Napatakip na lang ako sa bibig ko dahil hindi talaga ako makapaniwala. Gulat na gulat ako sa itsura niya. Alam kong gwapo siya pero hindi ko inaasahang ganyan pala siya kagwapo kapag nag-ayos na. Parang panadaliang akong nawala sa katinuan at hindi parin nag-sisink in saakin ang nakikita ko.

" Kamusta? Ayos ba? " tanong nito saakin at doon ako bumalik sa katinuan. Muli kong nilingon ang mukha niya at tinitigan ko ang mga mata niya. Nginitian ako nito at nahihiyang nag-iwas ng tingin.

Puta, tangina bakit ba ang gwapo nitong lalaking nasa harap ko?

" Hindi ako makapaniwala. "

Muli ko siyang tiningnan ng paulit-ulit. Mula sa taas, pababa. Napatampal na lang ako sa noo ko dahil sa kalituhan.

Tumawa naman siya sa ginawa ko." Ang pogi pogi ko no? " pagmamalaki nito saakin at nagpogi sign, tinarayan ko lang naman siya.

"Anong nakain mo? " tanong ko dito at pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib ko at hinintay siyang sumagot.

" Secret. "

" Dami mong alam. " sambit ko at tinarayan siya ulit.

"Malalaman mo mamaya sa ngayon, kung ayaw mong malate pumunta na tayo sa room. " sambit nito saakin at hinila ako. Hinayaan ko na lang siyang gawin 'yon. Napansin ko ang bulungan ng mga estudyante sa paligid.

Nakakainis, ako lang dapat ang nakakakita ng itsura niyang ganyan.

Pagpasok pa lang namin ay nakarinig na ako ng mga hiyawan at bulungan.

Napatingin ako kina Jasmin at Kyrine na nakatayo na at hindi makapaniwalang nakatingin kay Luke. Si Jacob naman at Terrence ay ganon din. Habang napailing na lang ng sabay si Zhian at Shyrel sa mga ito.

" Relax guys, si Luke lang 'yan. " sambit ko sa mga kaklase ko at nagkibit-balikat.

" Si Luke na yan? Weh? "

" Grabe anong ginawa niya ba't siya naging ganyan kagwapo? "

" Nagparetoke 'yan pre. "

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now