Chapter 44

156 11 8
                                    

Chapter 44

Jamaica's Point of View

" Hoi, ano bang problema mo? Kung bitawan mo na kaya ako. Sasama naman ako sayo pauwi. Saan ka ba galing? Bakit hindi mo sinagot tanong ni Jasmin? " tanong ni Kyrine, binitawan ko na siya at humarap sa kaniya.

" Umuwi na lang tayo please Ky. Pagod na ako. " pakiusap ko dito, bumuntong-hininga na lang ito at tumango.

Nakita ko pa si Jasmin na naglalakad mag-isa. Napabuntong-hininga na lang ako at humingi ng tawad dito mula sa isip ko.

" Kung buhay pa si Kate ano magiging reaksyon mo? " Tanong ko kay Kyrine na dahilan para lingunin niya ako ng may pagtataka sa mukha.

" Sinasaktan mo lang ang sarili mo Jamaica, imposibleng buhay pa ang taong isang taon ng nawawala. " Seryosong sagot ni Kyrine dahilan para matigilan ako.

" Pero—" magpapaliwanag pa sana ako ng pigilan na ako nitong magsalita.

" Please Jamaica, stop it.  " pakiusap nito saakin kaya wala akong nagawa kundi mapabuntong-hininga.

Pagkadating namin sa bahay ay dumiretso na agad ako sa kwarto. Ilang beses kong inisip ang nangyari kanina. Ilang beses ko ring sinampal ang sarili ko bakasaling magising lang ulit ako at panaginip lang ang lahat ng ito katulad ng dati nung mga unang beses siyang mawala saamin pero masakit ang mga sampal na dumadapo sa pisngi ko, patunay na ang lahat ng ito ay hindi panaginip, na ito ay totoo.

At sa paulit-ulit na pagkakataon ay muli kong naramdaman ang mga likidong dumaloy mula sa mata ko. Hindi na ito sanhi ng sakit at lahat ng lungkot, ito ay dahil na sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon. Kasiyahang nag-uumapaw sa puso ko.

Parang bang nakalimutan ko ang lahat ng sakit na naramdaman ko non. Hindi ko maipaliwanag, ganito pala ang pakiramdam kapag may bumalik na taong hindi mo
inaasahang babalik pa.

Sa kabila ng kasiyahang namutawi saakin, hindi ko pa rin maiwasang magtaka kung bakit saakin niya piniling magpakita. Ano man ang dahilan niya, alam kong hindi namin 'yon ikakasama. Ganon pa man, masakit pa rin ang lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Luke. Ang mga dahilan niyang hindi ko maunawaan kahit pilitin ko.


Naiinis ako sa dahilan niya, napakawalang kwenta.

I believe that love is when someone accepts you for who you are and not someone who changes you because they want you to be perfect for them.

Akala ko sa mga libro o palabas lang yon nakikita at nababasa. Na may mga nerd na magtatransform para sa mga lalaki o babaeng mahal nila pero hindi ko sukat akalaing mangyayari rin yon sa kaniya. Kung ano man dahilan ni Mitch, kung bakit gustong gusto niya akong ginaganito ay hindi ko na gugustuhin pang alamin dahil sigurado akong hindi ko na dapat pa 'yon isipin.

Sa totoo lang ay natatakot lang talaga ako sa pwedeng mangyari. Paano kung magbago ang lahat saamin? Paano kung mas piliin niya na lang ako kalimutan? Natatakot ako dahil—
mas okay na akong masaktan ng palihim, wag lang siyang mawala saakin.

Zhian's Point of View

Napapabuntong-hininga akong umupo dito sa tambayan naman habang patuloy na kinakalikot ang cellphone ko. Hindi pa kasi nagte-text si Mae ngayong umaga kaya nag-aalala na ko. Tuwing umaga ay may text siya saakin, bagay na nakasanayan ko na. Kaya ang mga ganitong sitwasyon ay nakakapagpakaba saakin.

Everything Is Just A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon