Chapter 46

152 11 9
                                    

Chapter 46

Jacob's Point of View

Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi ng marinig ko ang sinabi ni Jasmin. Napakabuti niyang tao pero nawala 'yon ng makita kong nagugulat itong nakatingin sa kanila. Mukhang katulad ko ay narinig din niya.

"bAyos ka lang Kyrine? " tanong ni Lawrence  at nasa tono nito ang pag-aalala. Kaya naman hindi ko maiwasang hindi pakinggan ang sagot nito. Hindi ko alam kung bakit natatakot pa rin ako sa magiging reaksyon nito. Hindi ko alam bakit nangangamba pa rin ako.

"!Kyrine? " Pagtawag ulit nito dito, doon lang bumalik si Kyrine sa wisyo at pansin ko mariin nitong paghawak sa tray na hawak niya. Yumuko ito at bumuntong-hininga.

Unti-unti naman niyang nilingon si Lawrence at ng magtama ang kanilang mga mata ay pilit naman itong ngumiti. Katulad ng dati, katulad ng madalas niyang gawin. Bakit ba kasi hirap na hirap kang ipakitang nasasaktan ka na?

" Oo naman. Bakit naman hindi? " tanong nito kay Lawrence at lumingon saakin. Nagugulat ko naman itong tiningnan at sa paulit-ulit na pagkakataon ay humingi naman ako ng tawad sa kaniya mula isip ko.

Kailan ko ba siya huling nakausap ng maayos? Ni hindi ko alam kung nakahingi na ako ng tawad sa kaniya sa lahat lahat.

Napabuntong-hininga naman si Lawrence at nilingon din ang lugar kung nasaan ako, sinamaan ako ng tingin nito bago muling bumaling kay Kyrine.

" Tara na. " sambit nito at hinawakan ang kamay ni Kyrine at kinuha ang bibit nito.

Pinangunutan ko naman ito ng noo.
Anong meron sayo Lawrence?

Hindi ko alam kung tama ang kutob ko tungkol kay Lawrence. Pero bakit natatakot akong malamang tama nga ito?

Napapabuntong-hininga na lang akong sumunod sa mga ito.  Pagkababa ko ng pagkain namin sa lamesa ay nakangiti akong tumabi kay Jane. Pansin ko ang pananahimik nito pero nakuha pa rin ako nitong ngitian at pasalamatan.

" Salamat, " Nakangiting sambit nito.

"nWalang anuman basta ikaw. " sambit ko at kinindatang ito. Namumula naman itong nagbaba ng tingin. Tatawa tawa ko naman itong tiningnan.




Jasmin's Point Of View


Mabilis na lumipas ang ilan pang subject at maagang natapos ang klase.  Nagpaalam na ang lahat dahil may kaniya-kaniya kaming planong gawin ngayon.


Si Kyrine ay hindi ko alam kung saan na nagpunta bigla na lang itong naglaho pareho sila ng kapatid niyang si Jamaica, itetext ko na lang sila mamaya para kamustahin.

Si Luke ay nagpaalam na pupunta kay Mitch dahil balak na ipakita ang ginawa niyang kalokohan ay transformation.

Si Jacob at Jane naman ay magkasamang umalis, wala namang bago. Katulad ng magkapatid, hindi ko na rin alam kung nasaan na si Zhian dahil nagmamadali itong umalis, kung anong problema niya ay papakiusapan ko na lang si Terrence na kausapin. Si Shyrel at Lawrence naman ay nagpaalam na uuwi na dahil gusto daw matulog ni Shyrel at wala namang plano si Lawrence kaya uuwi na lang din siya para makapaglaro ng videogames.

Si Terrence at ako naiwang magkasama. Nakahawak ako sa braso nito habang tahimik naming tinatahak ang daan papunta sa parke saamin. bIniisip ko pa rin ang dahilan kung bakit ilag saakin si Jamaica, oo nagkausap kami kanina nung sinuway ko siya sa ginagawa niya kay Jane pero pagkatapos non ay wala na. Hindi niya na ako ulit kinausap pa o pinansin. Sigurado akong may iniilagan siyang masabi saakin. Knowing na madaldal siyang tao, siguradong iniiwasan niya akong kausapin dahil baka madulas siya at may masabi saakin.

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now