Chapter 40

181 13 6
                                    

Chapter 40

Jamaica's Point of View

Wala sa sarili kong pinakinggan ang sinasabi ni ma'am habang diretsong nakatingin sa kapatid kong nasa unahan. Bumalik na ang dating itsura nito, ni hindi ko na naman makita ang lungkot sa mga mata niya. Minsan ayoko na ring maniwala na hindi nagsisinungaling ang mata, dahil kung hindi bakit hindi ko nakita? Na sa likod ng mga nakangiti niyang mata ay may mga luha na pinipigilan niyang hindi lumandas?

Naalala ko yung sinabi ni Sir. Bie saamin dati. There is a word of pain, mga salita na nagpaparating ng sakit. Mga salita na puno ng sakit. Never kong na-imagine na magiging ganito 'yon kasakit. Tagos, na para bang buong katawan ko yung nanghihina. Ni hindi ko magawang tingnan ang mga kaibigan ko. Pakiramdam ko nakagawa ako ng kasalanan kahit hindi naman. Kasalanan bang sarilihin na lang ang sakit? Hayaan na lang lamunin ka nito at sanayin na lang ang sarili mo na mabuhay kasama 'to?

Sobrang sakit ang naramdaman ko ng marinig ko ang mabibigat na salitang binitawan ni Kyrine. Hindi naging madali saakin na ibalik ang atensyon ko sa klase dahil ang bawat salitang binitawan niya ay tila naging isang sirang plaka na nag paulit-ulit saakin.

Nangibabaw ang sakit pero nanatili itong lihim. Sinarili sarili namin ang damdamin. Tama ba ang ginawa namin? Ano pang silbi ng pagkakaibigan kung sinarili rin naman ang lahat?

Naawa ako sa kaniya pero hindi ko iyon ipinapakita dahil alam kong sa mga oras na ito ay hindi niya kailangan ng awa. Kundi taong mananatili sa tabi niya at iintindihin ang nararamdaman niya.

Pero mas higit ako naaawa sa sarili ko kasi naging manhid na naman ako. Nakakaawa ako kasi wala akong kwentang kaibigan at kapatid. Naaawa ako sa sarili ko dahil magaling lang ako sa salita pero wala talaga akong nagagawa kahit isa para sa kanila. Gusto ko silang tulungan pero hindi ko naman magawa dahil kahit sarili ko ay hindi ko matulungan. Wala akong magawa para sa kanila, sa kaniya. Samantalang ang dami niya ng sakripisyong nagawa para saakin.

Pang-apat na subject na, ito ang huling subject bago mag-recess. Saglit na oras na lang at magta-time na, hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos nito. Hindi pa ako handa, hindi pa ako sigurado. Magulo pa ang lahat saakin, magulo naman palagi. Hindi na ata naging maayos.

Saglit na kasiyahan, sobra sobrang kalungkutan. Andaya ng tadhana, napakadaya. Bakit hindi niya na lang hayaang maging masaya ang taong gustong maging masaya? Bakit kailangan niya pang sampalin ng nakakagagong sakit ang mga ito? Hindi ko talaga maintindihan.

Bahagya akong napalingon kay Kyrine. Diretso lang itong nakatingin sa teacher namin pero ramdam kong hindi siya nakikinig, lumilipad din ang kaniyang isip. Katulad naming lahat dito sa likod.

Napalingon naman ako kina Jacob at Jane. Napansin ko ang pananahimik ng mga ito at ang pasimpleng paglingon ni Jacob kay Kyrine pagkatapos ay bubuntong-hininga. Napailing na lang ako, bakit ba kasi hindi na lang siya?

Gumaan naman kahit papaano ang pakiramdam ko dahil nirerespeto nila ang nararamdaman ng kapatid ko.
Napalingon ako sa katabi ko na kanina pa pinaglalaruan ang ballpen niya sa kamay niya pagkatapos ay bubuntong-hininga. Napailing na lang ako. Nilingon ko rin sila Shyrel. Katulad ng madalas na senaryo, tahimik na nagsusulat si Shyrel habang nakasandal sa balikat niya ang ulo ni Lawrence, si Zhian naman ay nakayuko sa kaniyang desk.

Tiningnan ko kung ano pang ginagawa ni sir. Doon ko lang napansin na lumabas ito sandali dahil may kinakausap siya. Kaya tahimik na nagsusulat ang lahat sa loob.

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now