Chapter 49: I love you too

139 10 7
                                    

Chapter 49: I love you too

Jamaica's Point of View

Nanatili akong nakatingin sa kalangitan. Hindi na ako umiiyak ngayon pero nararamdaman ko parin yung sakit. 

Napakaganda talaga ng mga ulap, nakakagaan ng loob pagmasdan. Para bang wala itong problema, para bang palagi itong kalmado, pero katulad naming mga tao, napupuno din sila, umiiyak din katulad namin. Nilalabas din nila yung bigat na dala-dala nila.

Napakaganda talaga ng timing.

Natatawang sambit ko sa isip ko.
Napansin ko ang pagdilim ng kalangitan pero nanatili parin akong nakatingin sa mga ulap. Hindi na ito kasing liwanag katulad kanina, naglaho na ang itsura nitong kalmado. Para bang ako ang mga ulap, hindi na kayang dalhin ang bigat kaya hinayaan na lang ang sariling sumabog.

Nagsimula ang ang pagpatak ng maliliit na butil ng mga tubig pero hindi iyon naging dahilan para tumayo ako sa kinauupuan ko.

Niyakap ko ang sarili ko, at hinayaan yakapin ang buo kong katawan ng lamig. Ewan ko ba pero pagod na pagod na talaga ako. Gusto ko na lang pumikit at maglaho. Gusto ko na lang magpahinga.

Pinagmasdan ko ang iilang estudyanteng nagtatakbuhan, nagmamadaling sumilong sa mga buildings na malapit sa kanila pero wala dun talaga ang isip ko, naglalayag yon at iniisip ang ginagawa nila Luke at Mitch.

Napabuntong-hininga na lang ako at malungkot na tumingin sa kalangitan. Tama nga sila magaling makiayon ang ulan. Angkop lagi siya sa  nararamdaman ng mga tao. Katulad ng mga nababasa ko libro.

Nagsimula ng lumakas ang ulan at tuluyan na talaga ako nitong nababasa pero hinayaan ko lang ang sarili ko na kahit ngayon lang ay pwede ako maging mahina.  Yumuko ako at pinilit umiyak pero wala ng luhang lumalabas. Mas masakit pala yon, na sa sobrang sakit ng naramdaman mo pati mata mo na pagod na.

Gusto kong humanap ng paraan para mabawasan yung sakit pero alam kong wala ng paraan. Matagal bago maghihilom ang sugat.

Napatingala ako ng hindi ko na maramdaman ang pagpatak ng ulan sa balat ko. Napatingin naman ako sa kaniya. Nakatingin ito ng diretso saakin na para bang gusto niya akong pagalitan kung bakit ako nagpapaulan. Pinakatitigan ko siya na para bang ngayon ko na lang ulit nagawa iyon dahil may umusbong na kakaibang saya sa puso.

Andami-dami kong tanong sa isip ko sa tuwing nakikita ko siya.

Bakit ba sa tuwing nakikita ko siya lahat ng takot at pangamba ko nawawala?

Bakit ba sa tuwing nandyan siya, nagiging bingi na ako sa sakit na isinisigaw ng puso ko?

Bakit ba sa tuwing lumalapit siya saakin, umaasa na naman akong makikita niya na ako hindi bilang kaibigan, kundi bilang taong mahal siya?

Pero sa kabilang ng lahat ng tanong sa isip, ni-isa don wala akong lakas ng loob itanong sa kaniya.

"Bakit ka ba nagpapaulan? Paano kapag nagkasakit ka?  Alam mo namang sakitin ka diba? " sunod sunod nitong tanong, tinitigan ko ang iritado niyang matang nakatingin saakin. Alam kong naiinis siyang makita akong ganito.

"Luke... " pagtawag ko dito pero mahina lang.

Nagbago naman ang tingin niya saakin, nakakunot na ang noo niya habang ang mga mata niya pinagmamasdan ang kabuuan ko. " Bakit?" tanong nito

" Nababasa ka. " sambit ko sabay turo sa parte ng katawan niyang nababasa.

Tiningnan niya naman ang parteng tinuro ko bago muling humarap saakin.

Everything Is Just A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon