Chapter 56: Her Death

123 11 0
                                    

Chapter 56: Her Death

Zhian's Point of View

Maaga akong umalis ng bahay para magtungo kay Mae. Wala akong ganang kumain. Masyado pa rin masakit saakin ang lahat.

Ang bilis, hindi ko napaghandaan. Ang sakit, kasi pakiramdam ko naulit na naman. Pakiramdam ko nagbukas ulit yung sugat na matagal ng naghilom. Bakit ganon? Bakit palaging ako ang kailangan magbayad ng kasalanan naming magkakaibigan? Bakit palaging yung sakit saakin napupunta? Bakit ako na naman?

Nung mawala si Kate sa buhay namin, nangako ako sa sarili ko na hindi na ako papayag na may mawala saakin, pero ako mismo ang bumigo sa sarili ko nung iniwan ko si Shyrel. Hindi siya nawala sa buhay ko, pero nawala siya saakin.

At ngayon si Mae. Sa totoo lang ang pinakamasakit na katotohanan ay wala na talaga si Mae. Hindi ko na siya makikita kahit kailan. Makakausap, mayayakap, makakasama at makakatawanan. Hindi ko na siya matitingnan lang kahit sa malayo. Kasi wala na talaga siya, hindi na siya babalik, katulad ni Kate.

Mas okay nang mawala siya sa buhay ko pero nakikita ko pa rin siya kaysa naman ngayon na sa litrato ko na lang siya makikita. Kagabi napanaginipan ko siya. Hindi maiwasang tumulo ng luha ko ng maalala ko ang mukha niyang nakangiti saakin, para bang sinasabi niya huwag na akong mag-alala dahil nasa mabuti na siyang kalagayan. Na masaya na siya at tanggap na niya, na parang bang sinasabi niya saakin na palayain ko na siya, na tanggapin ko na rin at maging masaya na lang ako para sa kaniya.

Pero paano pa ako magiging masaya? Paano ba maging masaya?

Nang makarating ako sa kanila. May mga iilang tao na ang nakikiramay. Pero ni isa don wala akong nakita na kaedad ni Mae, naalala ko bigla ang madalas niyang ikwento saakin. Na wala siyang kaibigan bukod saakin, dahil hindi naman siya nagkaroon ng pagkakataon na makipagkaibigan.

Dumiretso agad ako sa kabaong niya. Hindi ko maiwasang tingnan ang maganda niyang litrato na nakangiti saakin. Papalapit pa lang ako ay parang pinipiga na yung puso ko dahil sa litrato niya. Napakaganda niya roon, ang mga ngiti niyang napakatotoo at napakasarap pagmasdan. Masakit isipin na sa litrato ko na lang makikita ang mga 'yon.

Nang makarating ako don ay pinagmasdan ko ang kaniyang mukha. Nakikita ko dito ang kapanatagan na para bang maayos lang ang lahat. Na para bang natutulog lang ito, na para bang nagpapahinga lang ito pero ang masakit na katotohanan ay yung pinili niyang pahinga ay panghabangbuhay.

Muling naglandasan ang mga luha sa mata ko dahil sa katotohanang sumampal saakin pabalik sa realidad. Mga luha na nagmula sa sakit at sugat na nabuo noong nawala siya.

I love Mae, maybe it's not the same love that she gave to me but I love her, I really do.

Yung pagmamahal ng isang mabuting kaibigan at kapatid. Ganon ko siya kamahal, mahal na mahal ko siya bilang pamilya ko, bilang isang importanteng tao sa buhay ko, na habangbuhay magkakaroon ng parte sa puso ko.

" Salamat sa lahat ng masasayang araw na nakasama kita. " napapaiyak na sambit ko.

" Salamat sa paulit-ulit na pagpili saakin. Salamat sa pananatili sa tabi ko nung mga panahong nag-iisa ako. Salamat dahil ipinakita mo saakin ang kahalagahan ng buhay at pag-ibig. Salamat dahil hinayaan mo kong maramdaman yung pakiramdam ng minamahal at pinapahalagahan. Salamat Mae, salamat dahil hinayaan mo kong makilala ka, hinayaan mo kong makita ang buhay mo, hinayaan mo kong maging parte nito. Salamat Mae, salamat sa lahat. " malungkot na sambit ko habang patuloy na naglandasan ang mga luha ko.

Masakit, sobrang sakit. Yung iisipin ko pa lang na magigising ako na wala na siya ay parang may milyong-milyong kutsilyong tumatarak sa puso ko.

" Patawarin mo ko, patawarin mo ko na hindi ko nagawang suklian yung pagmamahal na ibinibigay mo saakin. Patawarin mo ko Mae. Patawarin mo ko dahil alam kong sa tuwing magkasama tayo, nasasaktan kita dahil si Shyrel pa rin ang bukangbibig ko, kaya patawad. Patawad Mae. " dagdag ko.

"  Masakit Mae, sobrang sakit  pero ganon pa man hindi ko maiwasang isipin na parang naulit yung nakaraan para saakin. "

" Paano ako ulit magsisimula? Kung ikaw ang sumalo saakin nung hindi ko na kaya? Sinong sasalo saakin ngayon? Sinong handang tulungan akong wag malunod sa lungkot? Mae sabihin mo saakin. " dagdag ko at hindi maiwasang mapapikit. Tumalikod na ako kay sa kabaong ni Mae dahil hindi ko na siya kayang tingnan pa.

Pagmulat ko ng mata ko para bang sinagot agad ni Mae ang tanong ko. Tumama ang mata ko sa mga taong kararating lang pero may isang taong nakuha agad ang atensyon ko.

Ngumiti ito ng mapait at tumabi saakin. Hinayaan lang naman kami nila Jasmin at tumulong muna sila sa pag-aasikaso sa mga nakikiramay.Pinunasan ko ang luha ko, tahimik niya lang pinagmamasdan si Mae. Kaya naman tumalikod na rin ako at muling humarap sa kabaong ni Mae.

" Napakabata niya pa, para lisanin ang mundong 'to." sambit ni Shyrel kaya naman hindi ko naiwasang tingnan siya. Nakita ko sa mga mata niya ang naghalong lungkot at awa. " Pero siguro oras niya na talaga. Hindi naman natin hawak ang buhay natin. Kaya dapat hangga't alam mong kaya mong maging masaya. Gawin mo ang lahat para maging masaya ka. " dagdag niya at tiningnan ako. Tiningnan ko lang naman siya ng walang emosyon, ngumiti naman siya ng pilit.

" Alam mo hindi ko kayang alisin sayo yung sakit na nararamdaman mo pero tandaan mo, nandito lang ako, nandito pa rin naman ako.  Zhian, handa akong damayan ka. Bilang kaibigan mo ayaw namin nakikitang nagkakaganiyan ka. " sambit nito at tinapik ang balikat ko. " Alam kong hindi rin magugustuhan ni Mae kung magmumukmok ka. Mahalin mo ang sarili mo, wag mong sayangin yung pagmamahal na ibinigay niya sayo." dagdag pa nito " Nakikiramay ako. " sambit nito at iniwan na ako.

Lumapit naman saakin si tita at tito. " Tama ang kaibigan mo Zhian. Masakit din para saamin ang pagkawala niya. Bilang isang magulang alam naming mas magiging masaya si Mae sa langit kung magiging masaya ka. Ikaw ang unang taong minahal at habangbuhay niyang mamahalin. " sambit ni tita at niyakap ako.

" Salamat iho sa lahat, sa pagbabantay mo sa anak ko at pagpaparamdam sa kaniya ng pagmamahal. Salamat dahil hanggang dulo hindi mo siya iniwan. Alam kong masaya na si Mae dahil natupad na yung pangarap niya. " sambit ni tito at tinapik-tapik ang balikat ko. Tumingin ulit ako kay Mae at hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait.


" Magiging okay din ako Mae, pangako yan. " sambit ko dito.

Everything Is Just A LieTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang