Chapter 36

175 12 3
                                    

Chapter 36

Kyrine's Point of View

Nanatili akong nakatingin sa kisame ng kwarto ko habang iniisip ang nangyari kahapon. Wala akong balak pumasok ngayon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. Ni ayokong tumayo sa higaan ko. Ayokong igalaw ang katawan ko. Hindi ako nagugutom, wala akong ibang maramdaman. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Hindi ko na alam.

I don't know how to handle myself anymore. I don't know how to handle my thoughts. It's killing me inside.

Lahat ng narinig ko kahapon, lahat ng nangyari, hindi mawala sa isip ko at para bang nagpapaikot-ikot lang 'to sa utak ko.

Ang mga narinig ko kay Jacob..

Ang pagdating ni Alyssa...

At ang mga sinabi ni Jasmin...

Lahat ng 'yon ang paulit-ulit na nagpapagulo sa isip ko. Kunot na kunot ang noo ko habang nakatingin sa kisame. Nandoon sa puso ko ang pakiramdam ng nasasaktan, naguguluhan at hindi alam ang gagawin. Hindi ko na maintindihan.

Bakit bumalik ka pa?

Alyssa?

Sa tagal ng panahon na nangyari 'yon? Bakit kailangan mo pang bumalik? Bakit kailangan mo pa ulit kaming pahirapan at guluhin? Matagal na naming ibinaon sa limot ang lahat at ang gusto lang namin ay maging masaya at makapagsimula ng bagong buhay. Kaya bakit? Anong binabalak mo?

Ano bang nagawa naming kasalanan sayo at gustong gusto mo kaming winawasak?

Lahat ng tanong na 'yan gusto kong itanong sa kaniya. Gusto kong marinig mismo mula sa kaniya ang sagot. Kasi hindi ko talaga siya maintindihan.

Napatingin naman ako sa pictures ni Jacob na nakapaskil sa dingding ng kwarto ko. Hindi ko mawaisang titigan ang mukha niyang 'yon. Namimiss ko na kung paano niya ako pakitunguhan noon. Kung paano ako lumapit at paano niya pilitin ang sarili niyang tratuhin ako ng ayos kahit nabubwisit na siya saakin.

How I wish I could turn back time, yung hindi pa dumadating sa buhay namin si Jane. Sana sinulit ko na yung mga araw na nakakasama ko pa siya, na nakakausap ko pa siya. Yung mga panahong parang akin siya kahit hindi naman. Ngayon kasi parang wala na akong karapatan.

Hindi ko maiwasang matawa sa naisip ko.

Umpisa pa lang Kyrine wala ka ng karapatan.

Wala naman talaga, masyado lang ako nagpadala sa kung paano niya akong itrato. Na kampante ako, na ako lang ang babaeng magkakagusto sa kaniya at magugustuhan niya rin ako balang araw.

Biglang sumagi sa isip ko ang narinig kong sinabi ni Jacob. Ang mga narinig ko, para bang hindi parin kayang tanggapin ng sistema ko. Naroon na naman ang paulit ulit na hapdi, na para bang paulit ulit akong tinutusok ng kutsilyo sa puso ko. Kakaiba ang pakiramdam na 'to at alam kong hindi na yon normal. Nananatili akong kalmado hangga't maari dahil alam kong makakasama iyon sa puso ko. Pero hindi ko mapigilang masaktan, hindi ko mapigilang hindi makaramdam.

Natinag naman ako sa pag-iisip ng marinig ko ang sunod -sunod na katok sa pinto at kasunod non ay ang pagpasok ni Jamaica.

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now