Chapter 59

125 10 1
                                    

Luke's Point of View

Patuloy ang panliligaw ko kay Mitch. Si Jamaica naman ay hindi na rin ako  pinapansin. Nawala yung closeness namin at nalulungkot ako sa katotohanang 'yon. Gusto ko sana siyang kausapin kaya lang hindi ako nakakakuha ng tamang tyempo. Marami rin kasing nangyayari.

Hindi ko parin maintindihan o malaman kung anong dahilan bakit ganon na lang kung umasta siya. Siguro kung malalaman ko lang sana ay mas magiging madali para saamin ang lahat. 

"Luke? Okay ka lang ba? " tanong ni Mitch na nasa unahan ko. Nasa mall kasi kami ngayon at bitbit ko lahat ng gamit na pinamili niya.

" Pasensya na Mitch, medyo mabigat lang tong dala ko kaya mabagal ako. " nakangiting sambit ko

Nanlalaki naman ang mata niyang tiningnan ako " Sabi ko naman sa'yo, pwede naman kitang tulungan.  "

Umiling naman ako. " Ayos lang, kaya ko naman. "

Mabigat yung dala ko pero hindi ko naman magawang mainis. Ewan ko ba kung bakit? Mabait naman si Mitch kaya lang may mga times lang talaga na hindi niya nako-control ang emosyon niya.  Ewan ko ba parang china-challenge niya ako at hinding-hindi niya ako basta mapapasuko.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng makasalubong namin si Kyrine at Lawrence na magkasama.

" Kyrine? " pagtawag ko dito napatingin naman sila saamin at ngumiti.

" Kayo pala? Nagde-date kayo? " tanong ni Lawrence napatingin naman siya sa bitbit ko, " Mukhang napasabak ka ah? " nakangising tanong nito nagkibit-balikat na lang ako at tiningnan si Kyrine na masama ang tingin kay Mitch at masama din ang tingin ni Mitch sa kaniya.

" Lets go " sambit nito.

" Sige. " natatarantang sambit ko at sumunod sa kaniya pero bago pa ako makaalis hinawak na ni Kyrine ang balikat ko para pigilan ako at may sinabi siyang nakapagpa-kunot ng noo ko.

" She's just using you. Matalino ka naman pero hindi mo ginagamit ang utak mo.  " sambit nito at tinalikuran na ako.





Lawrence's Point of View


" Anong gusto mong gawin ? " Tanong ko Kyrine.

" Kahit ano.  " Nakangiting sagot nito.

" Ah e, search ko sa google kung saan may kahit ano dito e. " napapakamot na ulong sambit ko tinarayan naman ako nito.

" Joke ba 'yon? " Tanong nito tumawa na lang ako.

" Natawa ka ba? "

" Hinde, ang corny mo. " Napapailing nito sagot.

Habang naglalakad kami nagtitingin tingin lang kami sa paligid nang biglang may tumawag kay Kyrine kaya naman napalingon kami .

Si Luke lang pala.

Agad-agad naman kaming lumapit sa kanila.

" Kayo pala? Nagde-date kayo? " tanong ko at napatingin sa bitbit niya.

" Mukhang napasabak ka ah? " nakangising tanong ko dito. Hindi ko alam kung matatawa ako o maawa. Ayoko naman makialam sa kaniya.

Mukhang naloko ah.

Nagkibit balikat na lang ito at tiningnan si Kyrine na masama ang tingin kay Mitch at si Mitch ay masama din ang tingin sa kaniya.

" Lets go. " sambit ni Mitch.

" Sige. " Natatarantang sambit nito at nagpaalam na may sinabi pa nga si Kyrine sa kaniya pero hindi ko na pinansin pa.

Everything Is Just A LieWhere stories live. Discover now