Endless~[02]

4.8K 118 1
                                    


PARAMDAM


Elyzza's POV,

Nagising ako ng maramdaman kong may humihimas ng napakalaki kong tyan. Kabuwanan ko na ngayong buwan. Anytime lalabas na ang anak ko, ang anak namin ng lalaking mahal ko.

"Baby, wag mo masyadong pahirapan si mommy sa paglabas sayo ah? Kung pwede lang talaga na ako nalang ang mag labas sayo gagawin ko kaso, walang bahay bata si daddy eh" sabi ni Levi kaya hindi ko mapigilan na matawa.

Narinig ata ni Levi ang pagtawa ko kaya umangat sya ng tingin sakin at ngumiti.

"Gising narin pala ang isa kong baby" aniya kaya natawa ulit ako at hinalikan naman nya ko, ang halik na palaging nakakapag pabaliw sakin.

"F..fifie gutom na ko" sabi ko habang pina- uulanan na nya ng halik ang leeg ko.

Shuta ka Marzino kabuwanan ko na mag paawat ka naman!

"Pwede mo naman ako kainin munie" sagot nya kaya agad ko syang sinabunutan sa buhok nya kaya narinig ko ang pag halakhak nya.

"I'm just teasing you munie. I'll just take a shower tapos magluluto na ko ng agahan natin, ok?" Aniya at hinalikan ako sa noo bago dumaretso sa banyo.

Tumayo naman na ko para lumabas ng kwarto at dumaretso sa kusina para magluto ng agahan. Alam ko sabi nya na sya magluluto pero nahihiya na kasi ako sakanya. Halos wala na kong ginagawa dito sa condo nya kung hindi kumain at matulog.

*phone ring

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko yun tinignan.

Unregistered number:

Kung gusto mo pa mabuhay ang mapapangasawa mo? Ilaglag mo ang batang nasa sinapupunan mo.

Tila biglang nanigas ang buong katawan ko sa nabasa ko. Sa sobrang pagka gulintang sa text na nabasa ay nabitawan ko ang basong hawak ko.

"Shit! Munie are you okay?" Agad na tanong sakin ni Levi at agad akong nilayo sa basag na baso.

Patuloy na umiikot sa isip ko ang text na natanggap ko. Sino? Sinong tao ang magbabanta samin ng ganito?

Napatitig ako kay Levi na ngayon ay nililinis ang mga bubog ng basong nabasag ko kanina.

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala sya. Pero hindi ko rin kayang ilaglag ang anak ko, ang anak namin. Ang bunga ng pagmamahalan namin.

Nang matapos na syang maglinis ay agad syang naglakad palapit sakin at agad hinawakan ang kamay ko.

"Munie diba sabi ko sayo ako na magluluto? Look what happen, kabuwanan mo na kaya you should be extra careful" aniya.

Paano ako makakampante kung may nagtatangka sa buhay mo? Hindi lang ako ang dapat maging mas maingat ngayon para sa anak namin, kung hindi pati siya.

Niyakap ko nalang sya ng mahigpit.

"I love you..." bulong ko sakanya at lumabas na ang luha ko. Naramdaman ko ang pagyakap nya sakin pabalik.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon