Endless~[35]

3.1K 84 0
                                    


◇BLOW OF LOVE◇

Lincoln's POV,

[FLASHBACK]

"Boo, may gift ako sayo" ani sakin ni Delaney.

"Ikaw talaga Boo nag abala ka nanaman" ani ko pero nginitian nya lang ako at may inabot sakin na maliit na box.

"Bili na buksan mo na" sabi nya kaya binuksan ko na ang kahon at nakita ko ang isang kulay asul na panyo na may na embroidered na lettering at simbolo ng isang puting ibon.

D.L
LOVEY DOVEY

"Panyo? Bat naman panyo niregalo mo sakin Boo?" Tanong ko. Kinuha ko sa kahon ang panyo at nakita kong dalawang panyo pala ang laman non. Isang asul at isang puti.

"Napansin ko kasi na hindi ka nagdadala ng panyo. Kaya ayan niregaluhan kita. Customized pa yan ah, mahal din kaya pag papatahi ko nyan" aniya kaya natawa ako.

"Bakit naman Lovey Dovey nakalagay dito ah? Anong kinalaman non satin? Boo endearment natin diba?" Tanong ko ulit.

"Yung first letter kasi ng endearment na yan, sumisimbolo din ng initials nating dalawa. Kagaya ng dove na yan, parang isang dove bird ang pagmamahal nating dalawa sa isa't isa, lumilipad sa ere ng walang katapusan" aniya kaya napangiti ako.

Niyakap ko sya ng mahigpit at hinaplos ang pisngi nya.

"I don't need wings for me to fly high to the sky. Just a blow of your love, I'm floating in cloud 9"

[END OF FLASHBACK]

Agad ko nilagay sa bulsa ko ang panyo at patakbo bumaba ng condo. Hindi na ko nag elevator at nag hagdan nalang ako pababa.

Mabilis akong naka baba ng building at dumaretso ako agad sa parking lot at hinanap ang motor ko. Sumakay ako agad dito at pinaharurot ito.

***

Dylan's POV,

*phone ring

Napatigil kami sa pag eensayo nila Levi ng biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko kilalang numero ang tumatawag kaya agad kumunot ang noo ko. Sinagot ko ang tawag.

"Sino 'to?" Tanong ko.

"D..dylan? Ikaw yan diba?" Sabi ng boses sa kabilang linya. Boses ng isang babae.

"Oo. Sino 'to?" Tanong ko ulit.

"Si Franzei 'to, pinsan ni Della, I mean Delaney" sagot nya.

"Paano mo nalaman ang number ko? Tsaka anong kailangan mo sakin?" Tanong ko.

"Hindi na importante kung paano ko nakuha ang number mo. Ang importante ngayon ay matulungan mo si Delaney. Hindi ko dapat ito ipapa alam sayo pero hindi talaga ako mapakali na mag isa lang sya pumunta don" aniya kaya mas lalo kong pinakinggan ang sinasabi nya. Hindi maganda ang tono ng boses at ng salita nya.

"Anong nangyari sakanya?"

"Saka ko na ipapaliwanag ang lahat. Kailangan ko ang tulong nyo,    nanganganib ang buhay ni Delaney. Pumunta kayo sa location na isesend ko sayo, nandon ngayon si Delaney" aniya.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant