Endless~[44]

3.1K 123 2
                                    


◇ENDLESS FUTURE◇

Hazelle's POV,

Masaya na kaming pinagsasaluhan ang mga pagkaing niluto ko. Lahat sila nasarapan sa luto ko, pero sana natitikman din 'yon ng lalaking mahal ko. Ang taong ipinagdiriwang ang kaarawan nya ngayon, sana sya mismo ang magsabi kung gaano kasarap ang niluto ko para sakanya. Dahil ang mga niluto ko ay may sangkap ng kung gaano ko sya kamahal.

Napatingin naman ako kay Lincoln na tahimik na tinitignan ang pakbet na nasa plato nya.

"Simula ng tumira si Ate Delaney samin, halos araw araw syang nag aral magluto ng iba't ibang putahe mula umagahan, tanghalian, at hapunan. Kadalasan gumagawa din sya ng meryenda. Pero ang pinaka pinagsikapan nyang pag aralang lutuin ay ang pakbet na yan. Halos isang linggo nyang pinag aralan ang pagluluto ng putahe na yan. Tinatanong ko sya nung isang beses kung bakit parang napaka espesyal sakanya ang pagkain na yan. Ang sagot nya, yan daw ang paboritong ulam ng lalaking mahal nya, kaya gusto nyang kung magkita man sila ulit, sarili nyang lutong pakbet ang mapatikim nya sakanya. Hindi man yan ang eksaktong luto nya ng pakbet, sana kahit papa ano, naramdaman mo parin ang pagmamahal nya sayo" sabi ko.

Malamya syang natawa at sumubo ng isang kutsarang kanin na may pakbet.

"Sana nga dumating ang araw na luto na nya mismo ang matikman ko. Palagi ko kasi syang tinutukso noon dahil nga hindi sya marunong magluto. Kung kelan naman na natuto na sya, duon pa sya nawala" aniya kaya napabuntong hininga ako.

"Nabanggit sakin ni Franzei ang flashdrive na binigay nya sayo noon pa, napakinggan mo na ba 'yon?" Tanong ko kaya nakita ko na natigilan sya.

"Hindi pa. Hindi pa ko handang marinig muli ang boses nya. Baka tuluyan na kong mawasak at hindi na mabuo ulit" sagot nya.

"Naiintindihan kita. Pero si Ate Delaney ang tanging nakapagbuo muli ng wasak mong puso diba? Maaaring maramdaman mo ang sakit habang pinakikinggan mo ang boses nya, pero unti unti rin 'yon mawawala at mapapaltan 'yon ng saya. Dahil alam kong duon sinabi ni Ate Delaney sayo kung gaano ka nya kamahal, alam kong sa oras na mapakinggan mo ulit sya, mababawasan ang pangungulila mo sakanya" ani ko. Sumilay ang malamyang ngiti sa mukha nya.

"Alam kong darating ang araw na pakikinggan ko 'yon. Sige na puntahan mo na yung boyfriend mo na nakahiga don, baka biglang bumangon yan at masuntok pa ko ng hindi oras sa sobrang selos" aniya kaya natawa ako at nagpaalam narin sakanya.

Tumabi ako sa kama ni Dylan at tinitigan muli ang mala anghel nyang mukha.

"Eto na ang cake, mag ready na kayo. Kakantahan nanatin sya ng happy birthday" anunsyo ni Ate Drianna habang hawak nya ang cake na may nakasinding candila sa ibabaw.

Sabay sabay namin syang kinantahan ng maligayang kaarawan habang sabay sabay rin kaming pumapalakpak. Alam naming kahit nakapikit ang mga mata nya ay naririnig at nakikita parin nya kami.

"Hazelle, sa tingin ko ikaw ang magandang humipan ng kandila nya" sabi sakin ni Ate Drianna kaya tumayo ako at humarap sa cake ni Dylan.

Pinikit ko ang mga mata ko at kahit hindi ako ang may kaarawan ngayon ay humingi parin ako ng kahilingin para sakanya.

Sana magising ka na, mahal ko.

Dinilat ko muli ang mata ko at masayang hinipan ang kandila. Sabay sabay silang nagpalakpakan at ako naman ay humarap sa lalaking mahal ko at dinampian ng halik ang noo nya.

"Happy Birthday, Hon. Huwag ka mag alala, hindi kami magsasawang maghintay sa paggising mo. Mahal na mahal kita" bulong ko sakanya.

"Mukhang kailangan ng dalawa ma pag isa, kilala nyo naman yang lalaking yan gusto lagi nasosolo ang misis nya. Hazelle lalabas muna kami saglit. Happy Birthday ulit bro, bumangon ka na dyan ha?" Sabi ni Jonathan at nag paalam narin sakin sila Franzei at sabay sabay na muna nila kaming iniwan ni Dylan sa kwarto.

Muli kong binaling ang aking tingin sa mukha ni Dylan at malamyang ngumiti. Hinawakan ko ang kamay nya.

"Hon, miss na miss ka na namin, pati ang mga fans mo, maraming nalungkot dahil hindi natuloy ang collaboration concert nyo. Pero naiintindihan naman nila at sabi nila, ipagdadasal nila ang kalagayan mo. Na sana, mapanood ka na muli nila, mapakinggan ang maganda mong boses, masilayan muli ang mga ngiti mo sakanilang lahat"

"Hon, bangon ka na dyan, akala ko ba gusto mo ko lagi nakikita? Ayaw mo kong nakikitang malungkot. Alam kong gusto mo ko laging makitang masaya, pero paano ako sasaya kung ganyan ka? Namimiss ko na ng sobra ang kadaldalan mo, ang kapilyohan mo. Ang mga matatamis mong salita. I miss your 3 times a day kisses" pinunasan ko ang luha na tumakas sa mata ko.

"Pero Hon, huwag na huwag mong iisipin na susukuan kita. I will never give up on you. Dahil kahit kailan, hindi mo rin ako sinukuan. Mahal na mahal kita. Kaya kong isuko ang lahat, pero ang pagmamahal ko sayo, hanggang kamatayan ko panghahawakan ito" ani ko at hinalikan ko ang noo nya.

Agad akong naalarma ng biglang tumunog ang makina sa tabi ng kama nya.

"Dylan? Tulong! Dylan lumaban ka please? Nurse!" Sigaw ko.

Agad naman nag si pasukan sila Ate Drianna habang sila Kuya Ethan ay tinawag agad ang nurse at doktor.

Agad naman lumapit ang doktor kay Dylan at pinalabas naman kami ng mga nurse.

"Ate anong nangyayari sakanya? Magiging maayos naman sya diba?" Agad kong tanong.

"Magiging maayos sya Hazelle. Magtiwala tayo sakanya" sagot ni Ate Drianna.

***

Nanatili ang tingin ko sakanya at paulit ulit na bumabalik sa isipin ko ang nangyari kanina.

"Hazelle, hindi ka pa ba uuwi? Magpahinga ka muna, ako ng bahala sakanya" sabi sakin ni Ate Drianna.

"Muntikan na Ate, muntikan na nya tayong iwan kanina" bukambibig ko at bigla ng tumulo ang luha sa mata ko.

Umupo naman sa tabi ko si Ate at hinawakan ang balikat ko.

"Alam kong nag aalala ka na mangyari ulit ang nangyari kanina. Natakot din ako Hazelle, lahat tayo natakot. Pero may tiwala ako sakanya, alam kong hinding hindi nya ko iiwan ng mag isa. At alam kong mahal na mahal ka nya. Marami pa syang pangarap para sa kinabukasan nyong dalawa. Magtiwala ka sakanya Hazelle, ang pagmamahal na meron kayo, ay bibigyan ng biyaya sa tamang panahon" aniya.

Pinunasan ko ang luha sa mata ko at hinawakan ang kamay ni Dylan.

"Hon, walang susuko ah? Alam kong nahihirapan ka rin ngayon. Kung kaya lang namin na bawasan ang paghihirap na dinadanas mo ngayon, gagawin namin. Pero ang tanging magagawa namin para sayo, hinding hindi kami aalis sa tabi mo. Hindi kami magsasawa na hintayin ang paggising mo. Marami pa tayong pangarap na tutuparin Hon. Palalaguin mo pa ang kompanya nyo diba? Pinangako mo 'yon sa magulang mo. At higit sa lahat, magpapakasal pa tayo diba? Hihintayin mo pa ko sa harap ng altar, sa harap ng Diyos. Alam kong darating ang araw na yun, mahal ko. Sa ngayon, handa akong maghintay kahit gaano katagal, dahil alam kong makikita ko muli ang mga ngiti mo, at ang mga magaganda mong mata"

"I know you've been dreaming all night long while searching for the time you'll see the reality again. Dreams come true, nightmares can pass through, but the future awaits, for our endless reality love to each other. I love you so much Hon. If dreams really come true, I'll pass through your nightmares and be with you, until we both wake up together with our endless future embracing our love to each other forever"

***

Pls vote and comment po^_^

Enjoy reading:)

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now