Endless~[47]

3.1K 103 0
                                    


◇GIVING UP?◇

Hazelle's POV,

"Nakita na po namin ang elevator sa may opisina ni Philip, base po sa imbestigasyon namin, pinilit po naming mabuksan ang elevator at nakita po naming nasa itaas ang elevator at wala po sa babang basement. Posible po na hindi po talaga ginamit ang elevator o, may gumamit po nito paakyat" paliwanag ng pulis.

"Nakita rin po namin ang bala na 'to sa loob ng elevator. Kaka iba po ang bala na 'to, sa pagkaka alam po namin, pinapa cuztomize pa po ang gantong klaseng bala" ani ng pulis at pinakita  ang malaking bala na kulay rose gold ang kulay.

"Base po sa pagkaka sabi ni Mr. Hondeval, may shortcut sa baba ng basement para makapunta agad sa elevator na nasa may opisina nya, hindi malabong doon dumaan ang kapatid nyo para makaligtas" sabi ng pulis.

Agad namuo ang luha sa mata ko at punong puno ng pag asa ang puso ko.

Napatingin ako kay Lincoln at hanggang ngayon ay nakatitig sya sa bala na nasa kamay ng pulis.

"L..lincoln, narinig mo yon? P..posibleng buhay si Ate, hindi ka ba masaya?" Agad kong tanong sakanya.

"Kung posible talagang buhay sya, bakit hanggang ngayon hindi parin sya nagpapakita?" Bigla nyang tanong na nagpatigil sakin.

Agad din naman ako napaisip, bakit nga ba? Nasaan na kaya sya? Kung posibleng nakaligtas talaga sya, bakit hanggang ngayon hindi sya nagpapakita?

"Posible po na pagkaakyat nya dito ay napuruhan parin sya ng bomba dahil abot duon ang pagsabog, malamang nawalan sya ng malay at may taong nag magandang loob na iligtas sya" sagot ng pulis.

"S..sigurado po ba talaga kayo dyan?" Tanong ko.

"Masasabi po namin na malaki talaga ang tsansa na nakaligtas ang kapatid nyo pero hanggat hindi parin namin sya nahahanap, hindi po kami titigil sa paghahanap sakanya" sagot ng pulis kaya tumango nalang ako.

Nabaling naman ulit ang tingin ko sa hanggang ngayon ay nakatulala na si Lincoln.

"Lincoln, unti unti ko ng nararamdaman ang pagbabalik nya. Totoo ang sinabi nya sa panaginip ko, babalikan nya tayo" ani ko at hinawakan ang balikat nya.

"Sa tingin mo ba, may pupuntahan ang paghihintay nating 'to sakanya? Sabihin na natin na malaki ang tsansa na buhay sya, pero hindi tayo lubos na sigurado kung makikita natin ulit sya. Alam ko dapat maging positibo ako ngayon, pero Hazelle... simula ng iniwan nya ko nung unang beses, nagtyaga din akong naghintay na babalik sya sakin. Palaging nakatatak sa isip ko na isang araw, babalikan nya ko" nakita ko ang pag agos ng luha sa mata nya.

"Oo nga, bumalik sya, pero sa pangalawang pagkakataon... Iniwan nanaman nya ko. Ngayong binibigyan nanaman ako ng pag asa na babalikan nya ko, hindi ko maiwasang isipin na sa pangatlong pagkakataon, Iwan nanaman nya ko. Duwag na kong paulit ulit na hintayin sya, pagod na pagod na ang puso ko kaka asa sakanya. Mahal ko sya. Mahal na mahal, pero hindi magiging buo ang pagmamahal na 'to kung palaging may isang nang iiwan" aniya.

Nanatili nalang akong tahimik sa lahat ng sinabi nya. Ate, kung buhay ka man, sana magpakita ka na agad samin, lalo na sa lalaking mahal mo, bago pa mahuli ang lahat.

"Lincoln, kung ikaw duwag ng hintayin sya, pagod na ang puso mo kaka asa sakanya. Si Ate... hindi sya naging duwag na masaktan at isuko ang kaligayahan nya mailigtas lang ang buhay ng taong mahal na mahal nya. Hindi napagod ang puso nya na mahalin tayong lahat at akuin ang sakit na dapat dadanasin natin. Duwag din syang maiwan Lincoln, duwag syang bumalik sayo dahil maliit nalang ang pag asa nya na matatanggap mo pa sya. Pagod na rin ang puso nya kaka asa na magsasama muli kayong dalawa. Kaya kung pareho kayo kakainin ng mga takot at pagod sa puso nyo, walang patutunguhan ang pagmamahalan nyo" sagot ko at naglakad na palayo sakanya.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα