Endless~[48]

3.2K 96 13
                                    


◇FATHER-IN-LAW?◇


Lincoln's POV,

Nandito kami ngayon sa likod na bakuran ng bahay nila Hazelle. Kasama ko ngayon ang Tatay nila Delaney.

Ganto pala ang pakiramdam na makaharap mo ang Tatay ng babaeng mahal mo. T*ngina parang sasabog yung puso ko sa sobrang kaba.

"Nobyo ka ng anak ko na si Delaney, hindi ba?" Tanong nya kaya agad naman akong tumango.

"O...Opo, p..pero naghiwalay po kami bago sya lumipad papuntang ibang bansa. Simula po non, hindi na kamu nag ka usap. Ang huli po naming pag uusap ay noong nasa pabrika po kami" sagot ko.

"Paano kayo nagkakilala?" Tanong nya ulit kaya napabuntong hininga ako.

"Sa school po, nagkabanggaan po kami nung panahon na yun, alam ko po na parang imposible at mahirap paniwalaan pero, na love at first site po ako sa anak nyo. Kaya simula po nung araw na yun, hindi ko na po sya tinigilan, linigawan ko po sya hanggang sa mapasagot ko sya. Pero bigla nalang isang araw, nalaman ko na niloko nya ko, nakita ko po syang kahalikan si Dylan, nobyo po ni Hazelle" paliwanag ko at nakita ko ang pagkunot ng noo nya.

"Matagal na pala kayong magkakilala, alam narin ba ni Hazelle ang tungkol dito?" Tanong nya at tumango naman ako.

"Pero mali po ang iniisip ko, wala po silang relasyon ni Delaney noong panahon na yon. Sinadya nilang dalawa na palabasin na niloloko nila ako para magkaroon sya ng dahilan para hiwalayan ako, dahil pinagtangkaan ni Philip ang buhay ko. Binantaan nila si Delaney na kung hindi ko sya hihiwalayan, papatayin nila ako"

"Buong akala ko, pinagpalit nya ko kay Dylan. Pero iniwan nya ko para sa kaligtasan ko, at dahil mahal na mahal nya ko. Wala na ho akong mahihiling sa anak nyo, sagad sya magmahal. Sobra sobra ang pagmamahal na binibigay nya na kahit alam nyang masasaktan sya, ginagawa nya parin para sa mga taong mahal nya" ani ko.

"Hindi pa man kita lubos na kilala, pero masasabi ko na seryoso ka sa anak ko. Kita ko sa mga mata mo ang pagmamahal mo sakanya habang kinikwento mo ang pag iibigan ninyong dalawa. Sana hindi mawala ang pagmamahal na yan Iho, dahil alam kong darating ang araw, sa karapat dapat na lalaki ko ibibigay ang kamay nya. Umaasa akong ikaw 'yon, Lincoln" aniya na ikinagulat ko.

"Nabanggit sakin ni Hazelle ang patuloy na pag iimbestiga ng mga pulis. Malaki ang posibilidad na buhay pa ang anak ko. Ang pamilya namin, hanggat may nagbibigay ng pag asa, hindi kami mapapagod maghintay na darating ang biyaya. Kaya ngayon pa lang, umaasa akong ihahatid ko sa harap ng altar ang anak ko, at ang lalaking mahal na mahal sya ang maghihintay sa harap ng altar, magsusumpaan sila ng habang buhay nilang pag ibig at masaya silang mamumuhay ng magkasama" dagdag nya.

Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sa lahat ng sinabi nya. Pakiramdam ko ay namamanhikan na ko ngayon at buong puso akong tinanggap ng magiging biyenan ko.

"Hindi ko po sasayangin ang tiwala na binigay nyo sakin. Pangako, habang buhay ko mamahalin at paliligayahin ang anak ninyo" sagot ko at sumilay sa mukha nya ang simpleng ngiti.

"Papa eto na po ang inumin nyo, pasensya na po natagalan. Ayoko po kasi maka istorbo sa usapan nyo" bungad samin ni Hazelle at linapag samin ang bote ng beer.

"Ayos lang anak, tamang tama lang ang dating mo. Halika samahan mo kami ngayon dito at marami tayong pagkekwentuhan" sabi ni Tito at nakita ko naman na nagulat si Hazelle.

"S..sige po Pa, makakatanggi po ba ko sa inyo" sagot nya at umupo na rin.

"May balita ka ba sa mga kuya mo Hazelle? Bihira na sila bumisita dito?" Tanong ng Papa ni Hazelle.

"Tumawag po sila sakin kahapon, kinamusta po tayo dito sa bahay. Sabi po ni Kuya Evan marami po silang inaasikaso ngayon sa trabaho kaya hindi sila makabisita dito. Si Kuya Ethan naman po dumagdag pa po yung pag postoned ng kasal nila ni Ate Drianna pansamantala dahil kay Dylan. Ayaw po kasing ikasal ni Ate hanggat hindi pa sya nagigising. Si Kuya Matt naman po, marami rin inaasikaso sa trabaho at alam nyo na, kinukulit daw sya ng kinukulit ni Ate Yunna" kwento nya.

"Ang mga Kuya mo talaga. Si Dylan nga pala kamusta? May balak pa ba sya bumangon don?"

"Pa naman! Syempre naman po. Gumaganda na po ang kondisyon nya kaya malaki po ang posibilidad na malapit na syang magising" sagot ni Hazelle.

"Ang bilis talaga ng panahon. Lahat kayo may mga sari sarili ng buhay, malapit narin kayo gumawa ng mga sarili nyong pamilya. Sa bagay nag kaka edad na kami ng Mama mo, paunahan nalang kayo kung sino sa inyo ang unang bibigyan kami ng apo"

"Pa!" Bulalas naman ni Hazelle kaya natawa kami.

"Syempre darating ang araw na yun anak, hindi ko naman sinabing ngayon diba?" Sagot ni Tito.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo dyan ah? Halina kayo at kumain muna kayo. Jusko naman Pa wala pa atang laman ang tyan mo uminom ka agad, Hazelle naman bat alak pa pina inom mo sakanila?" Sermon bigla sakanila ni Tita.

"Sorry po Ma. Una na po ako don, nagugutom na po ako" sagot ni Hazelle at dumaretso agad papasok ng bahay.

Pumasok narin kami sa loob at nakita namin ang mga pagkain na nakahain sa mesa. Pero isa lang ang naka agaw ng pansin ko.

"Alam ko paborito mo ang pakbet Lincoln kaya pinagluto talaga kita nyan. Yan din mismo ang tinuro ko kay Delaney noong pinag aaralan nyang lutuin yan" sabi ni Tita kaya malamya akong napangiti.

"Salamat po Tita" sagot ko.

Nag salo salo kaming apat at masasabi kong masaya kasama ang pamilya nila. How I wish na ganto pa kami ng pamilya ko hanggang ngayon.

I didn't get a chance to be with my Mom, kami nalang ni Dad ang magkasama sa buhay. Malapit kami sa isa't isa noong bata pa ko, but then nalayo ang loob ko sakanya ng isa rin sya sa taong pilit akong linayo sa babaeng mahal ko.

[FLASHBACK]

"Lincoln, I'm begging you, hiwalayan mo na si Delaney. I'll find a better girl than her, wag lang sya"

"Si Delaney lang ang mahal ko Dad! Bakit ba ayaw nyo sakanya!? Bakit lahat kayo pilit akong linalayo sa babaeng mahal ko? Don't you see Dad, I've change because of her. Binago ko ang buhay ko dahil sakanya. Tapos ngayon ilalayo nyo ko sakanya? I don't understand all of you"

"May mas karapat dapat na babae para sayo Lincoln. Can't you just listen to me? I'm your father Lincoln. It's my duty to keep you safe, yan ang ka isa isang bagay na pinangako ko sa Mom mo. Please don't make me broke that promise" aniya

"Sa tingin nyo Dad, your saving me for doing this? The hell no Dad! Your making me regret that I am your son!"

He punched me on that moment. Pinunasan ko ang dugo sa labi ko.

"Lahat ng ginagawa ko, para sa ikabubuti mo. Hindi ko rin gusto 'to anak. But I can't afford to loose you too. I'm sorry"

[END OF FLASHBACK]

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now