Endless~[11]

3.7K 116 1
                                    


THE TRUTH

[FLASHBACK]

"Sigurado ka ba talaga sa desisyon mo? Baka lalong magalit sa'tin ang pamilya mo?" Tanong ni Handrix sa babae.

Kasalukuyang nasa isang parke ang dalawang magkasintahan sa gitna ng hating gabi at napag kasunduan na magtagpo.

"Eto nalang ang naiisip kong paraan para magkasama na tayo. Pagod na ko sumunod sa lahat ng gusto nila. Gusto ko ng makalaya" sagot ng babae kaya bumuntong hininga ang lalaki at hinawakan sa pisngi ang babae.

"Dito tayo magkita bukas. Hihintayin kita dito. Pangako Levis, magkasama tayong mabubuhay sa kalayaan na gusto mo. Mahal na mahal kita" Ani ng lalaki at hinalikan ang babae sa noo.

***

Sinunod ng babae ang bilin sakanya ng lalaki. Oras ng hating gabi ay nagsimula ng tumakas mula sa kanilang bahay ang babae dala dala ang iba nyang kagamitan. Desidido syang sumama sa lalaki at iwan ang kanyang pamilya.

Mula sa balkonahe na nasa kwarto nya ay may nakasampa na isang mahabang hagdan, pababa ito sa harapang garahe ng kanilang bahay. Ginamit nya ang hagdan upang makababa ng walang nakakapansin sakanya.

"Patawad. Mom. Dad. Kuya" bukambibig ng dalaga bago tuluyang lumabas ng bahay.

Samantala, ang lalaki ay matyagang naghihintay sa loob ng kotse. Nakaparada ito sa parke kung saan sila magtatagpo ng babae.

Biglang bumukas ang kabilang pinto ng kotse ng lalaki at agad naman sumakay ang babae.

"Mag drive ka na Handrix! Parang may mga taong nakasunod sakin" agad na sabi ng babae kaya agad pinatakbo ng lalaki ang kanyang kotse.

"Mga tauhan sila ni dad. Nahuli nya ko" ani ng babae.

Hinawakan ng lalaki ang kamay ng babae.

"Wag kang matakot, hindi ko hahayaan na makuha ka nila" saad sakanya ng lalaki.

"Ah!" Napasigaw ang babae ng may nagpaputok sakanila ng baril.

"Sh*t!" Bulalas ng lalaki ng makitang natamaan ang dalawa nilang gulong.

"Why are you stopping the car Handrix!?" Tanong ng babae ng bumabagal ang takbo ng sasakyan.

"Maaaksidente tayo kung patuloy akong magmamaneho. Kailangan ko silang kalabanin" sagot ni Handrix at kinuha ang kanyang baril.

Lumabas sa kanyang kotse ang lalaki at agad na pinaputukan ang mga tauhan na balak kunin ang babae sakanya.

"Drix!" Agad na sigaw ng babae ng makitang natamaan ang lalaki sa may tagiliran nito.

"Kuya tama na please!" Umiiyak na pagmamakaawa ng babae.

"Mamili ka, sasama ka sakin o papatayin ko ang lalaking yan?" Banta sakanya ni Levi.

"Hindi ko hahayaan na ilayo nyo sya ulit sakin" sagot ni Handrix at tinutok ulit sa lalaki ang baril.

"Wag!"

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now